Ang sakit. Hindi lang ’yung hapdi sa pisngi ko dahil sa sampal ni Mateo, kundi ’yung pamilyar na kirot sa puso ko na tila paulit-ulit na hinihiwa ng kutsilyo. Limang taon na kaming kasal, pero bawat araw na lumilipas, mas nagiging estranghero kami sa isa’t isa. O baka naman, ako lang ang nagiging estranghero sa sarili naming bahay.
“Lasing ka na naman,” mahina kong sabi, pabulong lang habang hawak-hawak ko ang namumulang bahagi ng mukha ko. Nanginginig ang boses ko at kinamumuhian ko kung gaano ako kahina sa harap niya.
“At anong gusto mo? Magdiwang ako?” singhal ni Mateo. Ang amoy ng murang alak at pait ng loob ay bumabalot sa kaniya na parang nakakalasong usok. Ang mga mata niyang dati ay puno ng paghanga sa akin, ngayon ay wala nang laman kundi poot. “Walong buwan na, Dev! Malapit na eh! Walong buwan na tayong naghihintay, tapos papatayin mo lang ang anak ko sa loob ng sinapupunan mo? Inutil!”
Ang salitang ‘inutil’ ay umalingawngaw sa aming maliit na kusina. Napapikit ako nang mariin. Hindi ko naman ginusto ito. Sino bang ina ang gugustuhing mawala ang anak niya? Isang silent miscarriage ang nangyari. Isang gabi, nagising na lang ako na may dugo sa aking hita at wala na ang pintig ng puso sa loob ko. Pero para kay Mateo, kasalanan ko ang lahat. Ang katawan ko raw ang bumigo sa kaniya.
Pero higit sa emosyonal na trauma, may pisikal na hapdi akong hindi matakasan. Dahil Walong buwan na ang bata tiyan ko noon, handa na ang katawan ko para sa pagiging ina.
Ang aking mga su-so ay namamaga, mabigat, at tumitibok sa sakit dahil sa gatas na walang pupuntahan. Ang hapdi. Bawat galaw ko, bawat dampi ng tela, parang tinutusok ng libu-libong karayom ang dib-dib ko dahil wala ang sanggol na hihigop ng sakit na iyon. Isang itong malupit na paalala ng buhay na nawala sa akin.
Hindi ko na kaya ang tingin ni Mateo. Hindi ko na kaya ang katahimikan ng bahay na dapat sana ay puno ng iyak ng bata pero puno ngayon ng kalansing ng bote ng gin.
Mag-iisang buwan na ang nakalipas simula nang mawala ang bata sa sinapupunan ko. Nang inilibing namin siya. Kinailangan ko pang pumunta sa hospital no'n para alisin siya. . . tang ina, ni hindi ko man lang nahawakan ang anak ko, ni hindi ko man lang siya nabigyan ng pangalan. Nakita ko na lamang siyang isa ng abo. Ipinagdamot nila siya sa akin.
“Aalis muna ako. Mangangahoy lang,” sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Kinuha ko ang aking itak at ang basket na yari sa narra.
“Huwag kang babalik kung wala kang dalang panggatong! Wala kang silbi!” sigaw niya bago muling uminom nang diretso mula sa bote.
Tumakbo ako. Tumakbo ako hanggang sa ang boses niya ay mapalitan na ng kaluskos ng mga dahon at huni ng mga ibon sa gubat. Mabuti na lang at malapit lang kami sa mga kahoyan.
Pumasok ako nang malalim, doon sa parte kung saan madalang na ang tao. Mas presko ang hangin dito, pero hindi nito napawi ang nag-aapoy na pakiramdam sa dib-dib ko. Bawat hakbang ko, bawat talbog ng aking dib-dib, napapaungol ako sa sakit. Punong-puno na ako, pakiramdam ko ay bibitak ang balat ko sa sobrang kargado ng gatas.
Sumandal ako sa isang malaking puno ng narra at doon ay hinayaan kong bumuhos ang mga luha ko. “Bakit ako, Panginoon? Bakit sa akin lahat?” hagulgol ko. Hinawakan ko ang dib-dib ko, sinusubukang hilutin ang mga matitigas na bukol na nabuo roon, pero lalo lang itong humahapdi. Pakiramdam ko ay mamamatay ako sa loob.
Nanatili ako roon nang matagal, nalulunod sa sarili kong luha. Pero biglang may narinig akong tunog. Hindi ito ibon o ligaw na hayop. Isa itong daing. Daing ng tao.
Napatigil ako sa pag-iyak. Kinuha ko ang aking itak, kinakabahan. Dahan-dahan akong lumapit sa pinagmumulan ng tunog, sa likod ng makakapal na pako at malalaking bato malapit sa sapa.
At doon ko siya nakita.
Nakahandusay siya sa maputik na lupa. Ang kaniyang mga damit, na mukhang mamahalin at gawa sa magandang tela, ay punit-punit na at basang-basa ng dugo.
Malaki ang kaniyang pangangatawan,.malapad ang balikat, pero mukha siyang kawawa sa kaniyang kalagayan. Mukhang binugbog siya nang husto at sinubukang patayin. May mga saksak siya sa likod at tila hinampas ng matigas na bagay ang ulo. Siguro ay akala ng mga kumuha sa kaniya ay patay na siya kaya iniwan na lang siya rito para mabulok.
“Diyos ko,” bulalas ko habang ibinababa ang aking basket. Lumapit ako at dahan-dahang iniharap ang kaniyang mukha sa akin.
Napaigtad ako. Sa kabila ng putik at natuyong dugo, napakaguwapo niya. Matalim ang panga, matangos ang ilong, at mahahaba ang pilik-mata. Mukha siyang isang nalaglag na diyos sa gitna ng masukal na gubat.
“Hoy. . . gising,” bulong ko, tinatapik nang bahagya ang kaniyang pisngi.
Bahagyang bumukas ang kaniyang mga mata. Ang kulay nito ay hazel, malabo dahil sa sakit at pagod. Sinubukan niyang magsalita, gumagalaw ang kaniyang tuyot na labi pero walang tunog na lumalabas sa simula.
“Tu... tubig... tubig...” garalgal niyang sabi. Ang boses niya ay parang nagkikiskisang bato.
Natunaw ang puso ko sa awa. Tumingin ako sa paligid. Malapit lang ang sapa, pero wala akong dala na pwedeng paglagyan ng tubig. Butas-butas ang basket ko. Wala akong bote. Wala akong baso. Tumingin ako sa sapa, tapos sa kaniya. Mukhang mawawalan na naman siya ng malay. Uhaw na uhaw siya at sobrang dami na ng dugong nawala sa kaniya.
“Sandali lang, hahanap ako ng paraan,” sabi ko, pero hinawakan niya ang dulo ng saya ko. Mahina ang kapit niya, pero ang mga mata niya ay nagsusumamo.
“Water... please...” mahina niyang pakiusap.
Naramdaman ko ang matinding pressure sa dib-dib ko. Napaka-weong timing dahil tumulong ang gatas ko roon.
Tiningnan ko ang aking dibdib at nakitang basang-basa na ang damit ko ng gatas. Kumakaba ang puso ko. Isang baliw na ideya ang pumasok sa isip ko. Iskandalo ito. Isang bagay na hindi kailanman maiisip ng isang matinong babae. Pero mamamatay na siya sa harap ko. At ang sakit sa dib-dib ko ay hindi na makatao, parang puputok na ang balat ko.
Tiningnan ko ang kaniyang tuyot na mga labi. Pagkatapos ay tiningnan ko ang daan pabalik sa nayon. Aabutin ako ng kalahating oras para kumuha ng lalagyan at bumalik. Baka wala na siya pagdating ko.
“Patawarin nawa ako ng langit,” bulong ko.
Lumuhod ako sa tabi niya, nanginginig ang mga kamay habang binubuksan ang mga butones ng aking baro. Ang malamig na hangin ng gubat ay dumampi sa aking balat, at ang ginhawa ay agad kong naramdaman, pero naroon pa rin ang sakit. Dahan-dahan ko siyang inangat, isinasandal ang ulo niya sa braso ko.
Lito siya at halos wala sa sarili, ang mainit niyang hininga ay dumadampi sa balat ko. Nag-atubili ako nang isang segundo, nag-aapoy ang mukha ko sa hiya.
“Hito na lang muna. . . uminom ka,” bulong ko, basag ang boses.
Inilapit ko siya sa aking dibdib. Noong una ay nalilito siya, pero nang madampian ng unang patak ng gatas ang kaniyang labi, ang kaniyang survival instinct ang nanaig. Kumapit siya.
Napasinghap ako. Hindi dahil sa sakit, bagama’t may kaunting hapdi sa simula, kundi dahil sa kakaibang ginhawa. Habang umiinom siya, ang pressure na ilang araw ko nang tinitiis ay dahan-dahang nawala. Para itong isang dam na biglang bumukas.
Napapikit ako, ang mga luha ay patuloy na dumadaloy. Sa unang pagkakataon sa loob ng ilang buwan, ang pisikal na sakit sa dib-dib ko ay napalitan ng isang payapang pakiramdam. Tiningnan ko siya. Uhaw na uhaw siya, ang mga kamay niya ay tila kumakapit sa akin para hindi siya matumba.
Ang katahimikan ng gubat ang saksi namin. Isang kakaiba at napaka-intimate na tagpo. . .
Naramdaman ko ang pag-agos ng gatas mula sa akin, at kasama nito, tila inanod din ang ilang bahagi ng pait at pighati ko.
Hindi ko siya anak. Isa siyang lalaki, isang estrangherong pwedeng maging masamang tao o mabuti. Pero sa sandaling iyon, isa lang siyang kaluluwang gustong mabuhay. At ako naman ay isang babaeng gustong magbigay.
Nang lumipas ang ilang minuto, naging mas mahinahon na ang kaniyang pag-inom. Nakita ko ang unti-unting pagbabalik ng kulay sa kaniyang mukha. Ang gatas ko na puno ng sustansya ay nagbigay sa kaniya ng lakas na hindi kayang ibigay ng tubig lang.
Sa wakas, bumitaw siya. Ang ulo niya ay mabigat na nakasandal sa balikat ko. Mas malalim na ang paghinga niya ngayon, tila nakatulog na nang mahimbing. Nanatili ako roon nang matagal, hindi gumagalaw, kahit na nangangalay na ang mga binti ko.
Sino kaya siya? Bakit may gustong pumatay sa kaniya?
Inayos ko ang aking damit, binutones ang aking baro nang may nanginginig na daliri. Ang sakit sa dib-dib ko ay wala na, napalitan ng isang mahinang kirot na kaya ko nang tiisin. Tiningnan ko ang lalaki. Hindi ko siya pwedeng iwan dito nang ganito lang. Papatayin ako ni Mateo kapag nalaman niya ito, pero hindi ko kayang pabayaan ang taong ito pagkatapos. . .pagkatapos ng nangyari sa amin.
Tumayo ako at nagsimulang kumuha ng malalapad na dahon ng saging at mga sanga. Gumawa ako ng pansamantalang masisilungan niya, itinago ko siya sa paningin ng mga daraan sa main path. Ginamit ko ang dala kong shawl para balutin ang kaniyang pinakamalalang sugat.
“Babalik ako,” bulong ko, kahit hindi niya ako naririnig. “Magdadala ako ng pagkain at gamot. Tapos hihingi tayo ng tulong.”
Mabilis akong bumalik sa bahay namin. Mabuti na lang at wala si Mateo. Kumuha ako ng ilang piraso ng tinapay, malinis na tela, at mga halamang gamot na alam kong makakatulong sa kaniya. Iniiwasan ko ang mga kapitbahay, ayaw kong may magtanong kung bakit ako nagmamadali. Ang puso ko ay punong-puno ng kaba at pag-asa. Sa unang pagkakataon, parang may kabuluhan muli ang buhay ko.
Ngunit nang makabalik ako sa gubat, sa mismong lugar kung saan ko siya iniwan, tumigil ang mundo ko.
Ang mga dahon ng saging ay nagulo na. Ang shawl na ipinambalot ko sa kaniya ay nakalapag na lang sa lupa, puno ng tuyong dugo. Pero ang lalaki... wala na siya roon.
“Nasaan ka?” tawag ko nang mahina, tinitingnan ang paligid.
May mga bakas ng sapatos at kabayo sa malapit, na tila may isang pangkat ng mga tao na dumating at kinuha siya. Nilibot ko ang paligid, tinawag siya nang paulit-ulit, pero tanging ang ihip ng hangin at huni ng mga kuliglig ang sumasagot sa akin. Nawala siya na parang bula, na tila ba ang lahat ng nangyari kani-kanina lang ay isang panaginip o guni-guni lamang.
Naiwan akong nakatayo sa gitna ng gubat, hawak ang mga gamot na wala nang gagamit. Ang dibdib ko ay hindi na masakit, pero ang puso ko ay muling nakaramdam ng isang kakaibang pangungulila sa estrangherong naglaho nang walang paalam.