Chapter 10

1175 Words
Medyo SPG nanaman. (◠‿◕) Chapter 10 - Cade's POV - Pagkagising ko kinabukasan ay maaga akong pumasok ng school. Mga 5:00 kasi ay bukas na ang school cafeteria kaya doon nalang ako mag-be-breakfast. Pagdating ko doon ay nakita kong nakaupo si Luna habang kumakain at may kinakalikot. Pumunta muna ako ng counter bago ako lumapit sa kanya. Nang makalapit ako sa upuan nya ay naupo ako tabi nya. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko. Nang-angat ito ng tingin at hindi ko alam kung ako pang pero parang kakaiba ang kinang ng mata nya. "Ikaw pala." Nakangiting sabi nya. "Hehe. Oo nga." Naiilang kong sabi. "Kumusta ka na?" Sinserong tanong nya. Muhkang hindi nya naman ako pinag-tri-tripan. "Medyo hindi ok. Ikaw kasi, ehh." Naiilang ko paring tugon. "Ahh. Nakikilala mo ba ako?" Tanong pa nya. Napakunot naman ang noo ko. "Pinag-tri-tripan mo ba ako, ha, Luna? Natural na kilala kita." Naiinis kong sabi. "Hehe. Hindi mo nga ako nakikilala." Parang napahiyang sabi nya. Lalo tuloy kumunit ang noo ko. "Sige kain ka na, dito lang ako. Hindi na kita iiwan ulit." "Ano bang pinagsasabi mo dyan?" Tanong ko. "Wala." Nakangiting sabi nya. "Ang weirdo mo talaga, Luna." Hindi ko mapigilang sabihin. "Hehe." Naiilang nyang tawa. Nagsimula na akong kumain habang sya ay nakatingin lang sa akin. Nakapalumbaba sya at nakangiti habang nakatitig sa akin. Nang mapansin nyang naiilang na ako ay tumikim sya at umayos ng upo. Dahil umayos sya ng upo ay tumama ang paningin ko sa hinaharap nya. Napalunok ako ng maalala ko ang ginawa nyang pagmasahe sa dibdib nya kagabi. Nag-angat ako ng tingin at nag-tama ang paningin namin. "Ayos ka lang? Bakit namumutla ka?" Tanong nya. Nagulat ako ng hinawakan nya ang pisnge ko at pinakatitigan ako. "A-Ayos lang..." "Ohh, nauutal ka naman ngayon." Nag-aalala paring sabi nya. "A-Ano kasi... N-Naalala ko lang yung kagabi..." Mahinang sabi ko, halos pa bulong na. "Ahh..." Nakangiwing tumango-tango sya. "Gusto mo bang ulitin ko mamaya?" Biglang sabi nya. Dahil sa gulat ay bigla akong nabilaukan. "Kasi, subo lang ng subo. Pwedeng ako naman kasi ang sumubo nyan." Nakangising sabi nya pa. "Pwedeng tama na? Nakakailang ka na, ehh." Mahina pero naiinis kong sabi. "Muhkang gustong-gusto mo kaya. Namumula ka na nga ngayon, ehh. Kanina namumutla ka." Nakangising sabi pa nya. "Pwede ba, Luna. Pag ako hindi nagpilig, parehong masisira ang kinabukasan natin." Seryosong sabi ko at inilapit ang muhka ko sa kanya kaya nakita ko ang paglunok nya. "Pwede naman, ehh." Biglang sabi nya at ngumisi. "Tsk. Tigilan mo ako, Luna." Seryosong kong sabi. Ngayon ay nakatingin na ako sa mga mata nya. "Ayokong masira ang buhay mo, lalo na ang akin. Wag ka nang mag-biro ng ganyan dahil kapag pinatulan kita. Siyam na buwan mong mamimiss ang buwanang dalaw mo." Seryosong ko paring sabi. "O-Ok. H-Hindi na nga, ehh. Sige na." Nauutal nyang sabi. Nag-iwas na din sya ng tingin at medyo lumayo na sa akin. "Wag mo nang uulitin iyon, ha?" Seryosong sabi ko pa. Tumango naman sya. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at binigay iyon sa kanya. "Anong gagawin ko dito?" Tanong nya habang ang paningin ay nasa bente pesos na binigay ko. "Ibili mo doon ng burger aka softdrinks. Samahan mo akong kumain." Seryosong ko paring sabi. Tumango ito at saka pumunta ng counter. Nang makabalik sya ay sabay kaming kumain. "Ilan taon ka na, Luna?" Tanong ko. "18." Maikling sagot nya. "Ahh, may matanda ako sayo. 19 na ako, ehh." "Hindi ko naman tinatanong." Biglang sabi nya. Lumingon ako sa kanya at tinaasan sa ng kilay. "Gusto kong sabihin, ehh. Wag kang paepal." Seryosong sabi ko pa. "Hindi ko naman kasi talag---" "Gusto mo bang maghintay ng siyam na buwan bago ka magkaroon ng buwanang dalaw?" "Hindi. Sabi ko nga hindi, ehh." Mabilis nang sabi. "Tsk." Singhal ko. Umayos ako ng upo at mas lumapit sa kanya. "Luna." Pagtawag ko sa kanya. "Hmm?" Tanong nya at nilingon ako. "Bakit ba tayo pumasok?" Tanong ko. "Kailangan kasi ng moral support ng mga kaibigan natin. At saka hindi din naman ako a-attend ng acquaintance party mamaya." Sabi nya. "Bakit?" Tanong ko. "Lagi naman akong umaattend ng mga ganyang party. Nakakasawa na." Parang bored na bored nyang sabi. "Hindi na din ako a-attend." Sabi ko. Taka naman nya akong nilingon. "Bakit?" Tanong nya. "Sasamahan nalang kita." Sabi ko pa. Lumiwanag naman ang muhka nya. "Sige! Sa bahay tayo!" Sigaw nya. "Hindi. Wag don, sa mall or sa park nalang tayo." Sabi ko. "Bakit?" Nakangiwing sabi nya. "Luna, hindi maganda tignan. Lalaki at babae, nasa iisang bahay, tayo lang ang tao, tapos menor de edad pa tayo." "Edi wag sila tumingin." Nakangusong sabi ni Luna. "Luna, just listen to me, ok? Tara na nga. At 7:30 na, ohh. Baka hinahanap na tayo nila Angel." Sabi ko at inunahan na syang tumayo. Hinintay ko muna syang makalapit sa akin saka akong naglakad ng walang lingon-lingon sa kahit saan. "Hoy, Cade. Antayin mo ako!" Sigaw ni Luna pero hindi ko parin sya hinintay. "Cade!" Sigaw pa nya. "Aray!" Sigaw nya pa. Agad akong napalingon. "Anong nangyari?" Agad kong tanong. "Joke lang ito naman." Natatawang sabi nya. "Nakakatawa yon, Luna?" Seryoso kong tanong. "Bakit ba ang sungit-sungit mo? Kanina ka pang umaga." Nakangusong sabi nito. "Alam mo, hindi talaga kita ma-gets, ehh. Kahapon lang daig pa natin ang aso't pusa kung mag-away, tapos ngayon ganyan na ang ugali mo. Luna, yung totoo, pinag-tri-tripan mo ba ako?" Seryoso kong tanong sa kanya. "Ehh, ikaw nga tong masungit na simula pa kanina. Halika, dito tayo mag-usap." Sabi nya at bigla nya akong hinila sa kung saan. Dinala nya ako sa isang room at hindi ko alam kung saan iyon. Kaming dalawa lang ang tao sa loob ng room na to. "Anong gagawin natin dito?" Seryosong tanong ko. "Kanina ka pa kasi masungit kaya naisip kong baka nabitin ka sa free show ko kagabi. Uulitin ko iyon pero ngayon, pwede mo nang hawakan." Sabi nya na ikinagulat ko. "Ano ka ba, wag dito." Sabi ko at luminga-linga. Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at ilagay iyon sa dibdib nya. Napalunok ako dahil ang kahapon nakita ko lang ay hawak ko na ngayon. "Sige na. Pwede mong gawin kung ano ang gusto mong gawin dyan. Sayong sayo lang ang katawan ko, Cade." Sabi nya na may mapang-akit na ngiti. "Pero... Paano si Scarlett?" Biglang tanong ko. Binawi ko ang kamay ko at bumuntong-hininga saka nag-iwas ng tingin. "Sweetie, sooner or later. Mawawala din kayo ni Scarlett. Ikaw mismo ang makikipag-hiwalay sa kanya at ikaw," pinutol nya muna ang sinasabi nya. Lumapit sya at binulungan ako. "magiging akin ka na." Nakangising bulong nya sa akin at saka akmang lalabas pero hinawakan ko ang siko nya. "Yung butones mo. Bukas pa." Seryosong sabi ko. "Isasara na po. Napakaseloso." Natatawang bulong nya. Pinanood ko syang ibutones ulit iyon at saka kami sabay na lumabas ng kwartong iyon. - To Be Continued - For more stories, just follow me. Enjoy Reading! Please Vote! (Sat, May 22, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD