KRIX's POV Nang maihatid ako ni Sir Ugi sa villa ko ay naligo na ako kaagad pagkatapos ay nagpahangin na muna sa balkon ng aking villa. Wala rin naman pa akong gagawin kaya naman nagpahangin na lang muna ako. Masarap kasi ang ihip ng hangin lalo pa at malapit lang sa dagat. Nakagiginhawa sa pakiramdam at lalong nakapagbibigay ng peace of mind. Hindi lang basta peace of mind kundi kasiyahan na rin. Isama pa ang kapanatagan ng isipan at kalooban. Mawawala talaga ang pagod mo, stress at mga bagay na nagpapagulo ng iyong isipan. Maganda talaga rito. Maganda talaga ang naibibigay nang paglagi o pagbabakasyon sa isang resort. Hindi ka magsisisi. Para bang mas gusto kong mapag-isa kaysa may kasama? Ganoon. Ganyang ang naiisip ko. Kapag ikaw lang nga naman kasi ay kahit ano ang iyon

