Chapter 65: My Dad

2070 Words
Tahimik naming tinahak ang daan patungo sa kung saang lupalop naroon si Papa. Nakakamanghang pagmasdan ang mga establisyementong nakikita ko sa gilid ay unti-unting napapalitan ng mga malalago at berdeng mga puno at ang ingay ng busina ng mga sasakyan ay pumapaluob ang huni ng mga ibong lumilipad. Ang masansang na amoy ng mga usok ay naging mapayapa at sariwang hanging nanunuot sa aking ilong at ang tuwid na daan na walang kupas sa pagbyahe at walang naging aberya sa paglagpas ay nauwi sa baok-baok at mabato na kalsada. Hanggang sa tumigil ang sasakyan namin hudyat na nandito na kami at makikita ko na muli si Papa. Bago bumaba, ibinigay pa ni Liam sa akin ang bulaklak na ibinilin ko sa kaniya nang dumalaw siya sa akin. "You're supposed to give it to him not me," he said. Tinanggap ko itong nakangiti at sinabing, "Salamat." Bumaba na ako ng sasakyan dala-dala ang bulakak, habang kumakabog ang dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan, gaya ng da dapat ba akong dumalaw? May karapatan ba akong makita siya? Sa lahat ng asawa ni Mama, si Dad lang ang pinakasalan niya at dala ng pressure mula sa angkan ng Doctor, at the age of 19, lumandi na agad si Mama at nabuntis. Itinakwil siya ng pamilya niya, dalawang araw matapos ang graduation niya sa college bilang isang magna c*m laude, nalaman ng mga itong buntis siya. Dahil bata pa sila, akala nila, ayos na kapag mahal ang isa't isa pero hindi iyon naging malandi. Naunang isilang si Kuya Lauv at bumalik sila sa side ng lalaki para suportahan sila sumunod nito ay ang kambal. Ngunit sa limang taong nilang pagsasama, nangaliwa ito. Naiwan ang tatlong anak niya sa magulang ng lalaki dahil wala naman siyang mapapakain dito. Sa pangalawang lalaki naman, nagka-anak ng dalawa pero di rin nagtagal kasi may pamilya na pala iyong lalaki. Hindi man lang nalaman ni Mama na kabit siya. Nakadestino kasi iyong lalaki sa pinagtatrabahuhan niya at nagtanong pa raw si Mama kung walang sabit at sumagot naman itong wala. Kung alam lang ni Mama, hindi ito papatol dito. Sa pangtatlong lalaki naman, nakilala niya si Dad dahil sa sobrang pagka-depressed at hindi niya naamoy na may asawa ang pangalawang lalaking nakapasok sa kaniya, ibinuhos niya ang galit sa pagkain. And that's when Dad came to the picture, isang kilalang Chef ito at nakakatuwang tinanggap niya si Mama kahit ano pa ito. Dalawang buwan pa lang silang magnobyo nang mapagkasunduan nilang ikasal kahit na maraming tutol, tumuloy sila. Matapos ay isinilang kami ni Liam. Not until... Unti-unti akong lumuhod, inilapat ang tuhod sa mga berdeng d**o para mas lalong pagmasdan ang pangalan ni Papa. "Dad," nangingibit kong saad. This is my first time visiting him after so many years. Nang umalis kami ni Mama, hindi namin pinag-usapan muli siya, na parang mananatili siyang sugat sa puso namin at walang kahit sinong makapagpapagaling nito. "Pasensya na po, natagalan ng kaonti pero nandito na ang prinsesa mo, ang future Chef mo dahil mana ata ako sa inyo." Hinaplos ko ang malamig nitong lapida at halatang araw-araw may bumibisita sa kaniya sa linis ng paligid nito. May mga ilang kandila pa at bulaklak na nakalagay sa kaniya. Wala na si Dad, patay na siya at nabangga siya dahil ko. Bibili kami noon ng pasalubong para kay Mama at kay Liam. Saktong pagtawid naming dalawa, may truck na humarurot. Mabilis nga iyong pangyayari pero naitulak pa rin ako ni Dad kaya sa kaniya ang tama ng lahat. I clearly remember, I mean, I never forget it because it's already engraved in my heart, how blood is dripping from my father's head but he still asked me kung okay ba ako at wala bang masakit sa akin habang pinipilit abutin ng kamay niya ang mukha ko. It's saddening how I can't help but to just cry and ask for help, beg for the people who saw us to help my dad so he can recover, so I can see him again and we can travel again. But life isn't what you think it is. Sh**t keeps throwing at me. He died even before moved to the hospital. Sobrang late ng dating ng tulong and I blamed myself for it. Kung hindi sana kami tumawid, kundi sana ako tinulak ni Papa. I'm the one who should be gone and not him kasi ang dami pang pangarap ni Papa, ang mapasama sa isang magazine dahil sa pagluluto niya, ang ma-inteview ng ilang kilalang istasyon, ang magkaroon ng kapatid ko pa at ang pasayahin pa ang mama ko pero lahat yun naglaho na parang bula. Kung ikukumpara, wala naman akong pangarap at ang tanging gusto lang ay makapiling sila pero bakit ako pa ang nabuhay? Ang daming tanong sa isip ko, ang daming gumugulo na bakit ako pa kasi sa aming dalawa, siya ang mas kailangan ng lahat. And that's why, I have trauma crossing the streets. It haunts me na utang ko ang lahat sa kaniya at hindi ko deserve ito. Manliligaw ko pa lang si Zero noon, halos mag-iisang taon na rin pero naroon sya sa tabi ko habang umiiyak ako, sinisisi ang sarili na dapat ako na lang iyong namatay. Ang sakit kasi na naroon ka sa pangyayari pero ikaw lang iyong nakaligtas. Kasi sa totoo lang ang torture noon. Di mo alam kung dapat bang di ka na lang nabuhay at nakasama na lang sa namatay o magpapasalamat kasi nabuhay ka, iyon nga lang, ikaw lang. Kasi gabi-gabi, hindi man sabihin sa akin ni Mama, ramdam ko na sinisi niya ako, na dapat ako na lang iyong nabangga at ako na lang iyong namatay para hindi siya maghihirap muli. "Di mo nga pala alam 'no? Wala na po kami ni Zero. Nangati iyong itlog niya pero okay na Dad. Masaya na ako, may bago na po, si Luis. Mabait po iyon, dami na naming nagawa pero matigas pa rin. Wala pa rin pong nangyayari sa amin." Natawa ako habang nagkukwento kay Papa tungkol sa mga pangyayari sa aming dalawa. Naupo ako at niyakap ang mga binti tapos ibinaon ang mga mukha roon. "I miss you, Dad. Wala ka noong graduation day ko, di mo man lang naisabit ang medal sa akin o nakatungtong sa stage pero alam ko proud na proud ka sa akin. Wala ka noong 18th birthday ko, di mo man lang ako naisayaw pero Dad alam ko, sumasaglit ka sa panaginip ko at isinasayaw ako. Wala ka noong first heartbreak ko, di mo man lang nasuntok si Zero pero alam ko, galit ka rin sa akin kasi ang tang** kong magmahal ng katulad niya. Wala ka tuwing kailangan ko ng kausap, mapagsasabihan ng hinanaing pero alam ko na nandyan ka lang, nasa tabi ko at handang makinig. I'm sorry kung natagalan po, ang hirap kasing magpatuloy noong nawala ka. Dapat sinama mo na lang ako r'yan para happy-happy, di na sana kinailangang lumayo pa para lang makalimot. Natagalan po pero maayos na po ako. Nakamove-on na at nakakatawid na rin po ng kalsada." Pinahid ko ang mata at pisnge kong basang-basang ng luha ko. "Ibinibigay ko na nga iyong kalahating buhay ko para kay Mama para lang mapaaga ang pagsasama natin diyan sa taas kasi alam ko na ikaw lang ang kakampi ko, ikaw lang ang makikinig sa mga kwento ko. Daddy's girl ata 'to." Hinampas ko pa ang dibdib ko simbolong malakas ako at matatag. "Kaonting antay pa po, makikita na ulit kita." Humagulhol ako dahil nakaka-miss talaga si Dad. Bakit naman ang agang kinuha ni Lord? Baka naman po pwedeng iyong natitirang kahalati para naman po sa buhay ni Dad. Wala naman po akong ganap dito sa mundo, nang mabawasan na rin po ang mga sal**t, malaland** at pest** rito. Lord, kahalati para kay Mama at kalahati para kay Dad. Deal? "Ang kapal ng mukha mong bumisita sa puntod ng kuya ko." Bago pa ako makatingala, nakaramdam na ako ng pamamasa mula sa ulo ko hanggang sa pumapatak-patak ito at mabasa ang damit ko. Binuhusan lang naman ako ng tubig ni Tita, kapatid ni Papa. Sobrang galit na galit sila sa akin at kay Mama kasi ang dali-dali raw naming nakamove-on, na ang landi-landi raw namin. Pero kelan ba? Ano ba ang tamang taon para makamove-on? Ilang taon ba ang dapat iiyak namin para masabing mahal namin si Dad? Hindi pa ba sapat iyong tatlong taon? Dapat ba ginawa naming limang taon? Kasi wala namang nagsabing dapat ganitong bilang ng taon para maka-move on. Hindi naman naging madali iyong tatlong taon na iyon. Tatlong taon kaming tumatakbo, hinahanap si Dad kasi baka naligaw lang siya. Tatlong taon kaming umiyak, tinatanggap na wala na siya. Hindi na namin siya makikita kasi patay na siya. At tatlong taong pag-aantay, nakatayo sa pintuan, nag-aantay sa pintong bukas kasi baka babalik pa siya. Inabot kami ng tatlong taon, matanggap lang na wala na siya. Puno ng iyak, sakit at hinagpis ang ginawa namin pero agad natanggap ni mama na wala na talaga. Kaya siya umalis at balak isama si Kuya pero nagalit sila, ang kapal raw ng mukha ni Mama na umalis samantalang kalilibing lang ni Dad, pinili ko na lang na sumama kay Mama kasi kailangan niya ako. Kailangan kong mahalin at alagaan si Mama dahil alam kong iyon ang gagawin ni Dad kung buhay pa siya. Hindi pa tanggap ni Mama na wala si Dad pero tuloy ang buhay. Hindi naman pwedeng ipagsiksikan ang sarili sa biyanan niya kasi una pa lang di naman siya tanggap ng mga ito. Sino ba naman kasing mamahalin ang babaeng may limang anak sa dalawang lalaki na? Syempre si Papa ko lang. Matapos umalis, nagtrabaho si Mama sa Japan. Nakakilala ng bago, mayaman pero ayaw rin ng pamilya. Tatlong buwan pa lang ang tiyan ni Mama pero nakuhanan siya sapagkat ayaw ng side nitong matanggap na may dugo ito mula kay Mama. Umiiyak noon si Mama habang naglalakad kami papalayo ng malaking bahay. May nag-alok na kaibigan niyang na magtrabaho sa Greece dahil malaki raw ang kita at iba namang komunidad sa halos lahat na napuntahan na niya. Doon niya nakilala si Tito na asawa niya ngayon. May pamilya rin ito, may dalawang anak na lalaki pero patay na rin ang asawa. Pinadala siya ng agency bilang isang katulong pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, napasok siya sa isang aksidente kung saan dala ng apat na taon niyang naigugol sa pre-med course niya, may alam siya paano tumulong at lingid sa kaalaman niyang mama ni Tito ang tinulungan niyang gamutin. Binigyan siya ng pera kapalit ng pagsalba ng buhay nito ngunit tumanggi siya at nagsabing halip na pera, kwarto lang ang nais niya kung saan kasya kaming dalawa para mahimbing kaming makakatulog. Mukhang namangha naman si Tito sa pinakitang ugali ni Mama. Hanggang sa marami pang mga pangyayari ang naganap na nahulog na ang loob ni Tito sa kaniya at lubos siyang minahal nito. Mababait ang pamilya niya at niyakap si Mama habang umiiyak, tinanggap ng buo kung sino siya. Nagkaroon sila ng anak, si Kerr at hanggang ngayon masaya naman sila. "Tita," ani Liam habang pinipigilan si Tita na magbuhos pa ulit ng tubig sa akin. Kaya lang deserve kong mabuhusan ng tubig, mainit o malamig man iyan. "Wala kang utang na loob! Pagkatapos ka naming palakihin, sila pa rin ang kakampihan mo? Hindi mo ba naiintindihan? Madali nila tayong kinalimutan. Madaling nakamove-on ang mama mo sa Kuya ko. Mga walang puso kayo..." hindi na nito natapos ang sasabihin dahil humagulhol na ito sa harapan namin na parang napuno na rin at matagal ng may kinikimkim. Suminghot ako at paulit-ulit na humingi ng patawad. "Hindi nyo alam kung gaano kamahal ni Kuya ang maland* niyong mama. Handa niyang iwan ang lahat, para sa kaniya. Ginayuma ata ng maland*ng iyon. Pinilit naming tanggapin siya para kay Kuya. Natatakot kaming baka umalis siya at tumakbo papalayo. Malulugi ang business namin. Pero nang mamatay siya, umasa kaming mananatili siya pero anong ginawa niya? Iniwan niya si Kuya. Tatlong taon? Sapat na ba iyon? Hindi ba dapat nanatili siya? Nanatili siya kung nasaan naroon si Kuya. Dapat hindi niya iniwan kasi mahal na mahal ni Kuya ang Mama niyo pero bakit ang bilis niyang talikuran ang salitang mahal? Bakit nang mangako siya sa harap ng altar, saksi ang lahat ng mga anghel, na mananatili sila sa isa't isang sa hirap o ginhawa ay naglaho siya at tumakbo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD