Saan Patungo: Saan kaya mapapadpad si Rhen sa kanyang unang byahe na sya lang mag-isa.

3030 Words
Si Rhen labing pito (17) taong gulang isang mayamang pamilya ang kanyang pinag mulan, maraming negosyo ang kanyang Daddy at Mommy, bunso sa tatlong magkakapatid si Rhen at sya ang inaasahan na magmamana ng kanilang Resort sa Batanes. Si Rhen ay mabait laging sumusunod sa kanyang mga magulang kaya nagagawa nya ang kanyang gusto at nabibigay sa kanya ang kanyang mga hinihingi. Bata pa lang si Rhen ay madalas na nya nasasabi sa kanyang mga magulang na gusto nya mag travel kahit saan, kaya sinasamahan siya nito sa mga lugar na gusto nyang puntahan, marami na syang napuntahan sa buong Luzon pero lagi nya kasama pamilya nya sa tuwing mag travel. Ayaw ng mga kapatid nya na mag travel mag isa si Rhen dahil bata pa raw, ang kuya niya na si Fher dalawamput tatlo (23) taong gulang ang strekto sa kanya ang ate naman niya na si Sherly labing siyam (19) taong gulang ang karamay nya parati at kakampi tuwing pinagsasabihan siya ng kanyang kuya. Magkakasundo silang magkakapatid laging may bonding kahit yung kuya niya ay busy na sa pagpapatakbo ng kanyang sarili na Restaurant, ang ate naman niya ay magtatapos na rin sa kursong Business Administration. Malapit na ang graduation ng kanyang ate kaya naisipan nyang magyaya ng travel. "Dalawang buwan bago ang graduation nagtravel ang magkapatid" Ate Rhen ito ang isa sa pinakamasayang bonding natin dalawa nakapag outing tayo ng hindi kasama sila kuya, daddy at mommy. -Tama ka Rhen memorable din to saakin dahil mag tatapos na ako ng college at mabibusy na ako pag ako na maghawak ng isang negosyo natin. Tugon ni Sherly. Ate pag pwede na ako mag drive ako naman magmamaneho at saan ha. -Oo naman, basta wag kalang abusado sa kalsada. Sagot ni Sherly. Masayang nagkwentuhan sina Rhen at Sherly sa byahe papuntang Baguio. Nakatulog sandali si Rhen at pagkagising nya malapit na sila sa kanilang hotel na pina reserved. Wooooow! nasa Baguio na tayo ate. Masayang saad ni Rhen habang nakatayo at nakataas ang kamay sa open roof nilang kotse. Nakapunta na tayo dito ahh bakit parang first time? Haha Sabi ni Sherly sa kanyang kapatid. -eh ano masaya lang ako dahil nakabalik ako na ikaw lang kasama ko. Sagot ni Rhen Nakapahinga na sila sa kanilang tinuluyang hotel. Habang nag-aayos is Rhen dahil lalabas sila at pupunta sa park kinausap muna siya ni Sherly. Rhen mag enjoy ka habang andito pa tayo at kasama mo pa ako. Ibuhos mo natin ang saya ngayong tayo lang dalawa. Natulala si Rhen sa narinig at biglang nagsalita na -Ate wag na mag drama magsaya tayo kasi magtatapos kana at bonding natin to. May halong lungkot sa mga mukha si Rhen habang nagsasalita. Masaya ang dalawa habang namamasyal sa Burnham Park. Madami silang binili na pagkain at mga souvenirs. Labis ang ngiti ni Rhen pero hindi parin mawala sa isip nya mga sinabi ng kanyang ate na parang meron pinapahiwatig sa kanya. Alas dose ng hating gabi na sila nakauwi sa hotel. Hindi parin mawala ang mga ngiti nila at kwentuhan ng kung anu-ano. Nagising si Rhen na wala ang kanyang ate sa kanilang hotel room, inisip niya na lumabas lang upang bumili ng pandesal. Nang pumunta siya sa Toilet doon niya lang nakita ang kanyang ate na nakahiga na. Hindi muna siya nakagalaw at nakapagsalita. Ng bumalik na ang kanyang isip, agas siyang tumawag ng tulong sa hotel personnel. Agad na isinugod si Sherly sa hospital at tinawagan niya ang kanyang pamilya. Gabi ng dumating ang kanyang magulang at kapatid, nadatnan siya na iyak ng iyak dahil nandoon parin ang kanyang kapatid sa Emergency Room. Maga na ang mata ni Rhen dahil maghapon lang iyak ng iyak. Umupo sila at kinausap si Rhen, dahil alam na pala ng magulang niya at kapatid na may sakit si Sherly tanging siya lang ang walang alam tungkol sa kondisyon ni Sherly. Umiyak bigla sa Rhen dahil siya lang ang hindi nakaka alam na may sakit si Sherly silang dalawa ang close sa isa't isa at siya pa mismo ang walang alam. Umalis si Rhen at tumungo sa hotel at doon umiyak ng malakas. Alas dyes ng gabi ng bawian ng buhay si Sherly. Inuwi nila si Sherly sa Manila at hindi ipina alam kay Rhen. Nag usap usap sila tungkol kay Rhen, kung ano ang gagawin dahil alam nila kung gaano kamahal ni Rhen si Sherly. Hindi pa alam ni Rhen na wala na si Sherly. Makalipas ang tatlong araw ng mawala si Sherly pinuntahan ni Fher sa Baguio ang kanyang kapatid upang kumustahin. Natunton ni Fher ang hotel ni Rhen at nakausap ang mga staff ng hotel na hindi daw lumalabas ang kanilang guest at nagpapahatid lang ng pagkain sa kanya. Pinuntahan agad ni Fher ang room ni Rhen at kinausap ito. Rhen hindi ka namin sinabihan kung ano ang kondisyon ni Sherly dahil ayaw namin na masaktan ka at mag alala. Saas ni Fher -bakit kuya ngayon ba hindi ako nasasaktan at nag-aalala -umiiyak na tugon ni Rhen. Wag kang mag alala magiging maayos rin ang lahat. Sumama kana sa akin dahil nag aalala sila sa bahay. -Si Ate Kamusta? Tanong ni Rhen. Ah eh maayos naman, tara na at makapahinga kana sa kaka iyak. Sagot ni Fher. -Kuya kung hindi dahil saakin- ahh wag kanang magsalita, wala kang kasalanan. Sabay yakap sa kapatid. Naka-uwi na sila sa kanilang bahay sa Manila at agad na niyakap siya ng kanyang daddy at mommy. Pero nagtataka si Rhen dahil parang walang lungkot sa mga mata ng kanyang mga magulang. -Nasaan si ate Sherly? Biglaang tanong ni Rhen. Wala muna nakasagot sa kanila. -Ahh nasa maayos na kalagayan si Sherly anak. Sagot ng kanyang daddy. Hanggang ngayon hindi parin nila alam kung paano sasabihin kay Rhen na wala si Sherly. Makalipas ang isang linggo, napapansin ni Rhen iniiwasan na mapag usapan si Sherly. Ayaw niyang ilagay sa kanyang isip kung wala na ba ito o buhay pa, kaya nagpaalam siya na mag travel papuntang Mindanao. -Rhen hindi kami papayag ng daddy mo dahil wala ka namang kilala at hindi alam ang Mindanao dilikado dun. Pag aalala ng kanyang mommy. -Mom alam ko ginagawa ko, mag unwind lang ako para pagbalik ko magaling na si ate. ayoko makita sya sa hospital kaya ayoko ko syang dalawin dun. Sagot ni Rhen na may halong pagluha. -Oh sege Rhen, papayagan ka namin pero dalawang linggo lang ang pinakamatagal na pag stay ko dun at makalipas ang tatlong araw susunod ako dun. Saad ni Fher. -Yeeeeheey! at niyakap niya ang kanyang kapatid. At sabay sabay silang nagyakapan magpamilya. Nag aayos na ng gamit si Rhen, pero alam nyang hindi siya masaya sa kanyang gagawin dahil parang tinatalikuran nya at iniiwasan ang kanyang ate na alam niyang lubos siyang kailangan nito. Napagbuntong hiningi nalang siya at pumikit at umidlip sandali. Ito na ang araw na magtravel si Rhen na siya lang mag isa walang kasama. Madami ang ibinilin sa kanya kung ano ang gagawin kung sakaling hindi alam ang pupuntahan. Pinayagan siya dahil alam nilang ito ang makakabuti dahil ayaw nila na mahirapan si Rhen kung sakaling malaman ang totoong nangyari. -Nagselfie at nagpost muna si Rhen na "this is my first fime to travel on my own, I'm leaving now. Bye bye for now home daddy, mommy and kuya Fher and to my one and only ate Sherly pagaling ka para pagbalik ko travel tayo ulit to palawan naman. " Masaya at may halong lungkot na pumunta si Rhen sa airport. Hindi siya inihatid ng kanyang magulang o di kaya ng kanyang kapatid. Kumuha nalang siya ng grab para makapunta sa airport. Habang nasa byahe naaalala niya lagi ang kanyang ate na masaya at walang problema. Ngayon lalayo siya para pagbalik niya ay magaling na ang kanyang ate na di nya alam na ito ay pumanaw na. Nakarating na sa airport si Rhen at dito na nya naramdaman ang galak na makapag travel mag isa. Nakakuha na sya ng ticket at umupo na sa waiting area at napansin nya na isang maleta lang ang dala dala niya doon na nya nalaman na naiwan nya pala ito sa sasakyan, pero hindi na nya ito inaksayahan ng oras dahil baka sumunod na ang kanyang flight. Magkasabay na tinawag ang pasaheros para sa lugar ng Palawan at Davao, huminga muna siya ng malalim at nagdasal pagkatapos dali dali itong tumakbo kaagad. Nasa loob na ng eroplano si Rhen at agad itong umupo dahil konte lamang silang pasahero nagrequest siya na pumili ng mauupuan at agad itong nagpahinga at natulog. Sa kasarapan ng kanyang tulog narinig niya ang anunsyo ng steward na maglalanding na sila mga ilang menuto, napansin niya agad na ang bilis ng byahe papuntang Davao, hindi na siya nagtanong tanong at hindi niya narinig kung saan sila patungo dahil natutulog siya ng sandali nag anunsyo ang steward. Ng matagumpay na maglanding ang eroplano ay agad siyang tumawag ng taxi at nagsabi sa driver na -Manong doon po tayo sa malayo sa city at payapa na lugar. Saad ni Rhen -Sege po Ma'am masusunod ihanda nyo lang ang iyong sarili at mahaba ng ating byahe. Nakangiti na sagot ng driver. Nakatingin lang sa labas at tinatanaw ang nadadaan si Rhen wala siyang kibo kahit nagsasalita at minsan ay kumakanta ang driver. Napasandal nalang at nakaidlip. Nagising si Rhen dahil parang bako bako na ang lugar na kanilang dinadaanan, at pagtingin niya sa may bintana ay halos walang kabahayan ilang sandali pa ay may nakita siyang karatula na I HEART PALAWAN. Dito niya naramdaman na nagkamali siya ng nasakyang eroplano sa pagmamadali at walang pakikipag usap sa ibang tao. Agad siyang nagtanong sa driver -Manong saan po tayo patungo? - Ah eha patungo tayo sa Sitio tagpas sa palawan dito sariwa ang hangin at malayo sa syudad. Sagot ng driver. Nabahala si Rhen dahil hindi ito ang kanyang gustong mangyari pero susubukan nalang niya na dito magpalipas ng linggo. At nakarating na nga sila sa sitio tagpas, Palawan. Pagkatapos niyang magbayad agad umalis ang driver baka daw gabihin siya sa pauwi. Marami ang nagulat at nagtaka dahil walang nakaka kilala sa kanya roon, naglakad muna siya at marami ang nakatingin sa kanya, nakakaramdam na siya nga takot, dito nakasalubong niya ang isang binata na may dala dala na container na may laman na tubig sa magkabilang kama. -Tumabi ka diyan! sugaw ng lalake kay Rhen. Nagulat si Rhen na umatras na parang matutumba. Wala naman paki ang lalake at nakangiti lang na dumaan. May nakapansin sa kanya na lalaki ata agad tinawag ang kanyang asawa, sinabihan na may babaeng naglalakad baka raw naliligaw. Pinuntahan siya ng babae at kinausap. -Eha taga saan kaba bakit ka naparito? maykilala kaba dito sa lugar namin? -Tita wala po, gusto ko lang mapalayo sa syudad at makalimot dito ako hinatid ng taxi driver, mula pa po ako sa manila. sagot ni Rhen. Naku eha tara sumama ka sakin halika sa bahay malayo pa pala ang pinanggalingan mo. Pag aalala ng babae. -Ako nga pala si Flor at ito ang asawa ko si Erik, pareho kaming apat napo (40) ang edad wala pa kaming anak. Ikaw eha ano pangalan mo? -ang pangalan ko po ay Rhen, labing pito (17) taong gulang palang po. Sagot ni Rhen -naku ang bata mo pa pala. Naglayas kaba? -Hah! Hindu ho ahm gusto kolang po mapalayo muna at mag isip isip. maaari po bang dito muna ako sainyo? -Oo naman. Sagot ni Flor. Magpahinga ka muna diyan at pagtiisan mo nalang yung banig dahil matigas yan kasi parang anak mayaman ka baka hindi sanay. Hehe biro ni Erik Nagusap ang mag asawa dahil, nag aalala si Erik dahil napaka gaan kaagad ang loob ni flor sa kanya. -Ituturin ko siyang anak ko kaya tanggapin nalang natin siya dito. -tutulong ba yan sa gawain natin sa bukid? Nagkasagutan ang mag-asawa pero napag pasyahan nalang nila na tanggapin si Rhen. Matagal na kasi gustong magka anak si Flor pero di pa binibigay sa kanila marami na rin silang kinupkop pero umaalis rin. Naghanda si Flor para sa kanilang haponan, at ang ulam nila ay Lucky Me at tuyo. -anak kumakain kaba nito? tanong ni Flor -Opo kumakain po. sagot ni Rhen, pero alam nya sa sarili na hindi pero wala siyang magagawa kundi kumain kung ano ang handa. May pumasok na lalaki at nagtanong kung ano ang ulam nila, -Ikaw! Ikaw yung sumigaw saakin kanina na muntik na ako matumba! sigaw na salita ni Rhen. -Hahaha! Tumawa lang ang lalaki. -Anak Nagkita na pala kayo kanina. siya nga pala ang pamangkin ko si Vin. Saad ni Flor Inabot ni Vin ang kamay nya para makipagkamay sabay sabi ng "bati na tayo" pero hindi pinansin ni Rhen. -Sege na magsikain na tayo. Saad ni Erik Naghaponan na sila at nag-usap usap pero si Rhen ay walang kibo at kumain nalang, nang hindi nya kaya lunukin hindi na nya pinagpatuloy ang pagkain. Tumayo nalang siya at nag paumanhin na mauuna na siya at magpapahinga. Hindi nakatulog ng mahimbing si Rhen at lagi siyang nagigising dahil hindi siya komportable sa kanyang higaan. Ng naririnig na nya mga tilaok ng manok umupo nalang siya at kinuha ang kanyang cellphone, wala pala itong cignal kaya Mahihirapan siyang kontakin ang pamilya nya. Tiningnan nya nalang yung mga photos para makita nya ang kanyang pamilya dahil nakakaramdam siya na gusto nyang umuwi at yakapin sila. -Anak, gising kana? Sambit ni Flor - Opo (hindi muna siya tumugon) tita. Sagot ni flor na nag aalangan kung tatawagin nya na Mama O Tita. Pumasok si Flor sa kwarto at nag usap sila tungkol sa kanyang pamilya. Sinabi ni Rhen lahat lahat kay flor at doon na siya nagsimula umiyak. Niyakap nalang ni Flor si Rhen. Nakangiti na nakita ni Erik na masaya ang kanyang asawa kaya tinanggap na nya ng buo si Rhen. Kumuha si Erik ng manok para katayin at yun ang uulamin nila para maka kain ng maayos si Rhen. Naghanda naman ng umagahan si Flor. Habang si Rhen ay kinuha nya lahat ng pera na dala nya at inabot kay Flor. -Ma? (Nagulat si Flor sa kanyang narinig) ito po yung pera na dala ko, kayo na po humawak nito kasi kayo po ina sa bahay na to. Nakangiti na saad ni Rhen. agad niyakap ni Flor si Rhen habang nakangiti at may luha sa mata. Nakita naman ito ni Erik mula sa labas. -Erik! Hindi paba luto yang manok? Sambit ni Flor -Pinapalambot nalang at pwede na. sagot naman ni erik. Nang maluto ang manok na tinola. Nag umpisa na sila kumain, dito nakakain na siya matagal at nakikipag kwentuhan na kay Flor at Erik. Pero lagi nya sinasabi na hindi niya nagugustuhan si Vin dahil hindi nya gusto ang ugali. Sabay na tumawa sina Flor at Erik. -Anak mabait yun si Vin talagang ganun lang yun, mula pa bata hanggang ngayon nagbibinata ay palabiro. Saad ni Flor. -Masipag si Vin sa mga gawain at meron dito nagkakagusto sa kanya pero hindi pa nya yun iniisip. Dagdag pa ni Erik. -Ah! Basta ayoko sa kanya, mayabang at bastos. Pataray na salita ni Rhen. Ngumiti na lang si Flor at Erik, Pinagpatuloy na nila ang kanilang pagkain. -Mama, ano po ba maitutulong ko sa mga gawain dito? -Ah! Eha wag kanang mag alala kami na bahala ng papa, dito naman sa bahay pwedi ka mag ligpit ligpit ng mga gamit at maghugas ng plano kung kaya mo ang gawain. Sagot ni Flor. -Rhen sa bukid ako na bahala kasi babae ka mahirapan ka dun. dagdag pa ni Erik. -Gusto ko po kasi tumulong sa inyo. para din naman may magawa po ako. -Oh sege anak tutulong ka dito sa gawaing bahay pero sa bukid ang papa mona bahala dun. Sagot ni Flor. Niligpit na ni Rhen ang kanilang pinagkainan, ng mag umpisa siya mag hugas ng plato lumabas si Flor at Erik. Dumating naman si Vin. -Oh ano yan? Hahaha marunong kaba nyan ha? Pang aasar ni Vin kay Rhen. Hindi ito sinagot ni Rhen at tinarayan nya lang ito. -maganda ka sana kaso mataray ka. -Hindi kana man mabait pero pwedi na. -seguro hindi mo makakaya sa bukid kaya dito kanalang. -Hindi kana man marunong maghugas ng plato. Inasar asar ni Vin si Rhen, tumatawa habang nagsasalita. Nang matapos si Rhen sa panghuhugas binato nya si Vin ng damit na ginamit panghugas sa dahilan na matamaan sa mukha at agad na tumakbo palabas si Rhen. -Mama si ano nang aasar nanaman! Sigaw ni Rhen na humihingi ng tulong. -Oh! Vin tama na yan ha. bakit ba ayaw nyo magka ayos? -Kasi aunty ayaw nyang tanggapin na gusto nya ako! hahaha -Manigas ka! Sagot ni Rhen at agad pumasok sa bahay diritso sa kwarto. -Nako Vin wag mong asarin lagi Si Rhen baka ikaw ang magkagusto sa kanya. Haha saad ni Erik. -Uncle hindi yun mangyayari! Matigas na sagot ni Vin Marami ang nakapansin na mga kapitbahay kay Rhen, at agad itong pinag usapan sa kanilang lugar. Marami ang negative na mga salita tungo kina Erik at Flor pero meron din naman na nagugustuhan kasi nakikita nila na masaya si Flor. -Anak? pwede ba ako pumasok? tanong ni Flor -Ahm opo sege po. Sagot naman ni Rhen -Anak pagpasensyahan mona si Vin talagang ganun lang yun, pinagsabihan na namin ng papa mo hindi kana aasarin nun. -Opo. Mama wala ka po bang pamangkin na babae na pwede ko po maging kaibigan. -Maganda yan anak sege may kapatid si Vin Magkakasundo kayo kasi hindi rin yun pala labas ng bahay. Ang pangalan nga ay Vher. Gusto mo ba samahan kita? -ahm saan ba bahay nila? ako nalang po pwede ba? magtanong nalang ako kung saan bahay ila Vher. -Flor? Tawag ni Erik -Oh Erik? Oyyy! Vher? -Anak andito pala si Vher. -Hi! Vher nga pala pamangkin ni aunty Flor at uncle Erik. Sabay abot ng kamay kay Rhen. -Hello. My name is Rhen nice to meet you. nakangiti na nakiki pagkamay. Umupo muna sila sa may sala at nag usap na. Unang pinag usapan nila ay si Vin, marami ang kinuwento si Vher tungkol kay Vin. kaya tawa sila ng tawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD