HANGGANG NGAYON HINDI PA RIN MALINAW kay Loulou ang mga sinabi ng kanyang kaibigang si Trixie. Ayon dito, may posibilidad na si Yhael at ang dati niyang nobyo ay iisa lang, ngunit ang malaking tanong sa kanila ay kung bakit napunta ito sa ibang bansa. May posibilidad na dinala ito sa ibang bansa upang itago sa kanya at ilihim ang pagpapagamot nito, ngunit sino ang puwedeng gumawa nito? Imposible namang ang mismong pamilya nito ang nagdala sa binata sa Los Angeles dahil base na rin sa kuwento ng binata ay hindi nito alam kung sino ang naghatid dito sa Hospital. Isa lang talaga ang puwede niiyang gawin para mapatunayan ang lahat nang gumugulo sa isipan niya. "Loulou, are you okay? Dapat pala pati ikaw ay nagpa-check up na din sa kaibigan mo. Kanina ka pa wala sa sarili mo." Narinig niyang

