PAGPIKIT NI LOULOU ng kanyang mga mata ay nanariwa sa kanya ang pinaka-unang beses na naramdaman niyang naging abnormal ang pagtibok ng kanyang puso. Ang unang araw kung kailan naramdaman niya kung paano ang pakiramdaman na tila sasabog siya sa iba't-ibang emosyong nararamdaman niya. The feeling of being in love and loved. Sa unang strum pa lang ng gitara ay agad niyang nakita ang nakangiti at maaliwalas na mukha ni Noriel na nakatingin sa kanya at buong pusong kinakantahan siya. Bakit ganito, damdamin ko'y nalilito? Pakiramdam ko'y unti-unti na akong nahuhulog sa iyo. Sa isang tingin mo pa lang agad mong napukaw ang damdamin ko, Nabihag mo agad ang puso ko, hindi man sinasadya ngunit tingin ko'y tayong dalawa'y tinadhana. Sana'y pagbigyan mo, ang simpleng kahilingan ng puso ko.

