“Nagseselos ka ba?” Hanggang ngayon hindi pa’rin mawala sa isip ni Loulouu ang tanong na ‘yun ni Yhael sa kanya. Nagseselos nga ba siya? Ngunit may karapatan ba siyang magselos? Umiling siya. Hindi niya dapat binibigyan ng malaking isyu ang nangyari noon, hindi rin pagseselos ang naramdaman niya kundi inis lang. Inis dahil kitang-kita niya kung paanong hindi man lang dumistansiya ang binata sa mga babae kahit na alam nitong pinsan siya ng girlfriend nito. Tama ‘yun lang ‘yun at wala ng iba pang dahilan. “Louisa Jean, nakikinig ka ba?” Napaigtad siya nang tapikin ni Maya ang kanyang balikat. “Ha, ano ‘yun? May sinasabi ka ba?” tanong niya rito. Umiling ito at kumuha ng table napkins para ilagay sa mga lalahyang walang laman. “Nasa’n na naman kaya ang utak mo ngayon, ilang araw ka

