CHAPTER ONE

1035 Words
Nais mailabas ni Cael ang kanyang inis kaya naman nagtungo siya sa kanyang kaibigan na si Liam upang doon niya mailabas ang sama ng kanyang saloobin. " Ano kailangan may maipakilala ka munang kasintahan mo bago mo makuha ang posisyon sa kompanya niyo? paano mo naman gagawin yun wala ka naman seryosong relasyon?" Natatawang sabi ni Liam habang nagbabasa ng Magazine. " Yun na nga ang iniisip ko ehh, paano ko nga ba gagawin yun?" Naiinis na sabi ni Cael at sandaling napaisip si Liam. " Ehh kung mag hire kaya tayo ng babaeng magpapanggap na kasintahan mo kapalit ang pera, lahat naman na susulosyunan ng pera" Naisip na na ideya ni Liam at bahagyang natawa si Cael dahil tila imposible mangyari na may kumagat sa gusto nito. " Nahihibang kana ba sinong babae naman ang gusto magpanggap na girlfriend ko?" Natatawang tanong ni Cael. " Magtiwala ka sa akin, tara may pupuntahan tayo" Biglaang pagyaya ni Liam at inakay nito paalis si Cael upang mag tungo sa isang mataong lugar. " Teka ano ginagawa natin dito tsaka ano ba yang ginagawa mo?" Tanong na naman ni Cael at isang karatola ang ini-angat ni Liam na may nakasulat na wanted magpapanggap ng girlfriend niya kapalit ang malaking halaga. may arrow sign pang naka lagay at naka tutok kay Cael. " Dito tayo maghahanap ng babaeng despirada" Nakangising sabi ni Liam at pinag titinginan na sila ng maraming tao. Ilan sandali pa may lumapit sa kanilang babaeng mukhang hindi pa naliligo at nais nitong mag apply bilang magpapanggap na gilfriend ni Cael. " Pwede po ba ako mag apply? kailangan ko ng malaking pera" Saad ng isang babaeng mukhang wala pang ligo. " Pasyensya na po girlfriend po ang hanap ko hindi katulong tsaka mukha hindi ka pa naliligo" Darityahang pagkakasabi ni Cael. " Ang arte mo naman, bahala na nga kayo" Naiinis na sabi ng babae at umalis na ito sa kanilang harapan at nakaramdam ng pandederi si Cael. " ayy naku naman ayusin mo naman ang pag approach sa mga aplikante natin" Utos ni Liam at mababakas sa mukha ni Cael na naiireta na ito. " Tumigil kana nga diyan ibaba mo na nga yan karatola nakaka hiya kana" Naiinis nang sabi ni Cael ngunit nagpa tuloy parin sa Liam sa gianagawa nito. May mga iilan naman ang nais na mag apply sa kanila ngunit walang nagustohan ang dalawa kaya nag desisyon na lamang silang dalawa na umuwe. " Sandali, teka...." Pag habol pa ng isang babae sa kanila na mukhang nais din mag apply nito, tinignan ni Cael ang babae mula ulo hanggang paa. " Teka mag a-apply ka din ba? umikot ka nga" Utos ni Liam sa dalagang si Kakay at mukhang nagustohan niya naman ito. " I think pwede na siya, diba Cael?" Pag hingi ng pag sang ayon ni Liam kay Cael ngunit napangiwi lamang si Cael. " Ayuko sa mukhang jologs umuwe na nga tayo" Pang iinsulto ni Cael kay Kakay kaya lumapit ito sa kanya at tinignan din siya nito mula ulo hanggang paa. " Excuse me hindi ako jologs at tignan mo ko ng mabuti, kailanagan ko ng pera kaya please tanggapin niyo na ako" Pagmamakaawa pa ni Kakay habang naka yakap sa tuhod ni Cael at muli na naman silang pinagtinginan ng mga tao. " Kunin na natin siya Cael unting ayos lang sa kanya pwede mo na siya ipakilala sa lola mo" Pagkumbinsi ni Liam kay Cael at wala na nga itong nagawa. Nagtungo silang tatlo sa isang restaurant upang doon makapag usap patungkol sa pag a-apply nito bilang magpapanggap na kasintahan ni Cael. " Ang Kailangan mo lang naman makumbinsi ang lola niya na magkasintahan talaga kayo, yung bang inlove na inlove kayo sa isa't isa, ano kaya mo ba yun?" Aniya ni Liam at napangiti sa kanila si Kakay at tila bilib ito sa kanyang sarili. " Kayang-kaya ko yan hindi kayo mapapa hiya sa akin?" Natutuwa pang sabi ni Kakay ngunit mababakas sa mukha ni Cael na naiinis na ito. " Siguradohin mo lang na magagawa mo yun ng maayos" Seryosong pagkakasabi ni Cael at malamig ang pakikitungo nito kay Kakay. " Pwede ko ba mahingi ang paunang bayad sa aking trabaho?" Darityahang tanong ni Kakay at bahagyang natawa si Cael. " Ganyan ka talaga ka desperada? hindi ka pa nga nag uumpisa sa trabaho gusto mo may sahod kana?" Naiinis ng sabi ni Cael at biglang hinawakan ni Kakay ang kamay niya ngunit agad niya iyon tinapik. " Sige na mga sir kailangan ko lang talaga ng pera ngayon promise hindi ko kayo tatakbohan, gagawa pa ako ng kasulatan kung gusto niyo" Pagmamakaawa ni Kakay ngunit tila matigas talaga ang kalooban ni Cael kaya hindi ito pumayag. " Matataggap mo lang ang pera pagkatapos ng trabaho mo" Bigyan diin ni Cael at nakaramdam na ng inis si Kakay kaya tumayo na siya sa kanyang pagkaka upo. " Ang sungit mo naman, hindi naman kita tatakbohan kasi may isang salita ako, ayuko maka trabaho ang tulad mo mapang husga sa kapwa, bahala kana sa buhay mo" Galit na pagkakasabi ni Kakay at umalis na ito sa harapan ng dalawa. hindi nga niya namalayan na nahulog ang diary niyang dala. " Ano kaba Cael bakit ka naman ganoon sa kanya paano kung siya na lang talaga ang desperadang babae na tatanggap sa pagpapanggap na kasintahan mo?" Galit na reaksyon naman ni Liam at hindi na rin nakapag salita pa si Cael. Umuwe si Cael sa kanilang tahanan at bumungad agad sa kanya ang kanyang lola na si Chairman Lucy kaya agad siyang nag bigay galang dito. " Gusto ko makilala ang girlfriend mo bukas dahil wala ako gagawin kaya mananatili ako dito, kaya aasahan ko na makakadalo siya bukas." Bungad agad sa kanya ng kanyang lola at iniwan na siya nito sa sala, napa upo na lamang si Cael sa sofa dahil wala pa siya maipapakilala sa kanyang lola. " Kamusta na anak? may maipapa kilala kana ba bukas na kasintahan mo? pakibilisan mo naman at baka mag bago ang isip ng lola mo" Mahinang pagkakasabi ng kanyang ama ng makita siya nito sa sala na nag iisa at may malalim na iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD