"Please do me a favor Grace, gusto kong malaman kung sino ang babaeng napangasawa ng anak ko ngayon din mismo!" utos ni Hilda sa kanyang PA, kaagad namang tumalima ito. "Ngayon malalaman ko din kung sino kang babae ka!" galit na galit si Hilda dahil sa nalaman niyang hindi pala nagfile ng divorce si Matheo. May inutusan siyang tao para alamin ang hahat. "Sa akala niyo ba maiisahan niyo ako? Nagkakamali ka Matheo, gagawa at gagawa ako ng paraan para layuan mo ang babaeng iyon!" Pagkalipas ng ilang sandali, bumalik din kaagad ang kanyang PA na may dala-dalang isang brown envelope. "Here's what you want Madam President." kasabay ng pag-abot nito sa brown envelope, binuksan naman iyon ni Hilda at nakita niyang isang marriage certificate ang laman nun. Binasa niya iyon at laking gulat niya

