HINDI tumigil si Matheo na halikan ng halikan si Yumie kahit pa nasa harapan sila nina Camille at Liam, panay pa ang ginagawa nitong pagsulyap kay Liam habang hinahalikan niya ang asawa. Hanggang sa napansin niyang naningkit ang mga mata nito at napapakuyom pa ito ng kanyang kamao. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili dahil sa sobrang selos niya, kaya naman ngayon ipapakita niya sa Liam na ito na siya lang ang dapat na magmay-ari kay Yumie. Bata pa sila alam niyang malaki na ang paghanga ni Liam kay Yumie, malas lang niya dahil nagkataong siya ang pinili nitong mahalin. "Yumie is mine, only mine! And I will not allow anyone, specially you Liam to get close to her!" Nakita niya kung paano gumuhit ang pait at sakit sa mukha ni Liam, tumayo ito at walang paalam na lumabas ng restaur

