MULA sa hotel nagmamadaling bumaba si Matheo, iniwan niyang natutulog si Yumie dahil may importanteng meeting siya ngayon. Nag-iwan naman siya ng note dito, kasama ng pagkain na pinahanda niya kanina. Nasa lobby na siya ng hotel ng may nabunggo siyang isang babae, kaagad siyang humingi ng tawad dito dahil alam niyang kasalanan din niya. Muli niyang pinakatitigan ang babae at sa tantiya niya kaedaran lang din ito ng kanyang Mommy Hilda. "I'm sorry ma'am, sabay abot nito sa isang folder na nahulog ng babae. Ngumiti naman ang ginang sa kanya at mukhang hindi naman ito galit sa kanya. "It's ok iho, pwede ko bang malaman ang pangalan mo? You remind me of someone kasi eh." he smiled also to her, as Matheo speak up. "I'm Matheo Madrigal ma'am." tumango naman ang ginang. "Oh..Madrigal? Akala k

