“Akala ko hindi ka na lalabas sa office mo eh,” ani Glen.
I roll my eyes and then sip at my drink. “Akala ko nga rin hindi na ako makakalabas. Gosh! I really hate office work!” aniko at sumandig sa sandalan. Salubong ang kilay na pinanood ko ang mga taong sumasayaw sa gitna ng dance floor.
“So, how’s work?”
Huminga ako nang malalim. “It’s stressful. Kung hindi lang dahil kay dad. I will not take the position.”
“Is it true? Nalulugi na raw kayo?”
Agad na nagsalubong ang kilay ko at matalim na tiningnan si Glen. Nag-init ang ulo ko noong makita ko ang nakangiti niyang mukha. “What? Saan mo nakuha ‘yan?” Nag-iwas ng tingin sa akin si Glen. Suddenly she looks like tense. Why would she think it like that? “Hello?” Tinapik ko pa ang lamesa para makuha ulit ang atensyon niya.
“What?”
“What what?”
“Urgh! Pinag-uusapan kayo sa group chat. They were saying that your family is losing money,” paliwanag niya. “Everyone knew about it!”
“The nerve! Why do you believe such thing?!” inis na sabi ko.
“I’m not, Yana! I was just asking.” Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. “You’re my friend. Of course, ikaw ang paniniwalaan ko.”
I roll my eyes and stand up. “You know what? I’m done.”
“Wait, Yana! I didn’t mean to– Yana!”
Hindi ko na pinansin pa ang mga tawag sa akin ni Glen. How can she think that we are losing some money? The h3ll! Alyana Lopez will not lose any penny! Our company might be in crisis, but it will not be bankrupt. Not in my watch. I just can’t believe na pinag-uusapan na nila kami.
“Ouch!” I shouted in pain when I bump a hard thing. I almost fell, but someone catches me. “Bakit ba hindi ka tumitingin sa–” Natigilan ako nang matitigan ko ang mukha ng isang lalake na halos ilang pulgada na lang ang layo sa akin. Green eyes, and his thick eyebrows. I felt like I saw him already. Ilang sandali akong napatitig sa mga mata niya. I guess he is a foreigner. Wala akong makitang traits nang pagiging Filipino sa kanya. But one thing for sure, my heart is pounding like h3ll as I feel his breath to my skin. Muli akong bumalik sa aking sarili noong maramdaman kong may sumagi sa akin. Pinandilatan ko siya at itinulak.
“Are you okay?” malalim ang boses na tanong nito sa akin.
Muli akong napatigil at napatingin sa kanya. “Have we meet?” I asked. Pamilyar sa akin ang mga mata niya at boses. Maging ang pabango niya.
He smiled. “Sort of?”
Nangunot ang noo ko. “Sort of what?” Iniikot ko ang mga mata ko. I’ll go home. “If you will not answer me. I’ll go. Next time watch your way,” mataray na sabi ko. Nag-umpisa na ulit akong maglakad. Pero noong nasa may gilid na niya ako ay pinigilan niya ako at hinawakan sa braso.
“You forgot about me?”
Pinihit ko ang ulo ko paharap sa kanya. “Mister, I meet a lot of people everyday. It’s part of my work.”
“But we’re not workmates.”
“You know what? Wala akong oras para makipaghulaan sa ‘yo. I need to go.” Muli na sana akong maglalakad pero hinatak niya ulit ako. Halos masubsob na ako sa dibdib niya dahil doon. Aangal sana ako pero parang may isang bumbilya na bumukas sa isipan ko. Nanlaki ang mga mata ko at nasapo ang bibig. “It was you! That night?”
Ngumisi siya nang malapad. “Finally!”
“I… sorry,” natatawang sabi ko. I never meet the man I’ve had a one-night stand. “Sorry, I’m just surprised I saw you again.”
“That’s fine. Do you want us to go?” Hinagod niya ako ng tingin. “Paalis ka na?”
Tumango ako. “Yes. Let’s go.” Naglakad kami palabas ng club papunta sa parking lot. I confirmed that it was him because of his car. Napailing na lang ako at sumakay. Mas maganda siguro kung sa kanya na lang muna ako sasama. Ayaw ko pa rin naman umuwe. I just can’t stay with Glen now.
Dinala niya ako sa isang restaurant sa hotel, and he ordered us a light meal. Gabi na pero marami pa rin ang kumakain dito. I sighed and watched him as he ate his meal. DAmn! He looks sexy as he bites the food in his fork. Sadly, I only remember a few from the night we share.
“So, why are you in the club?” I asked. Masyado na kaming tahimik dalawa. Sa ilang pares na nandito ay kaming dalawa lang ata ang hindi nag-uusap.
He stops munching his food and looks at me. Medyo kumunot ang noo niya at nagtatakang tiningnan ako. “Me?”
“Yes. For sure you’re not there to have fun only. You remember me, right?”
“Wow! You have enormous confidence in yourself,” natatawang sabi niya.
Umarko ang kilay ko. “Of course. Is there a problem with that?”
Tumawa siya nang kaunti. “Nothing. I find it amusing.” Binitawan niya ang hawak niyang kubyertos at ipinatong ang dalawang siko sa lemesa. “The truth is, I’ve been waiting for you in that club. I feel sorry because I left you in the hotel room. And I think, just a hunch. That I will see you again in the club.”
Bahagya akong napalabi sa sinabi niya. Ilang buwan akong hindi nakapunta sa club, does it mean his been waiting for me that whole time?
“Really? You feel sorry or one night is not enough for you?” deretsang sabi ko. Well, boys will always be boys. Napatitig siya sa mukha ko. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Alam ko naman na iyon din ang dahilan.
I know, but I’m here. Siguro ay sobrang stress na lang din ako and I need someone to talk with. Mababaliw na ako kakaisip sa problema sa company.
Sumandig siya at hinaplos ang baba niya. Pagkatapos ay muling tumingin sa akin. “That’s not true.”
I roll my eyes. “Oh, come one. Fine!” Tumayo na ako at kinuha ang aking bag. “I’m stress, and I think you can help me with that.” Ngumiti ako sa kanya at hinawakan siya sa braso. Hinila ko na siya patayo.
“What do you mean?” nagtatakang tanong niya. Tumayo siya pero hindi nagpahila sa akin noong sinubukan kong maglakad na ulit.
“Let’s go, mister who felt sorry for a one-night stand.” Tinaasan ko siya ng kilay noong hindi siya kumilos. Nalilito pa rin niya akong tiningnan. “What? Titigan mo lang ba ako o aalis na ako?” tanong ko pero hindi pa rin siya kumurap. “Edi h’wag!” Inirapan ko siya at maglalakad na sana. Para kasi siyang ewan na nakatitig pa rin sa akin. Gusto kong alisin ang stress ko. Hindi lalong ma-stress. Pero bago pa man ako makalayo ay hinawakan niya siko at pinigilan na maglakad. Muli ko siyang nilingon at nakita kong nakangiti na siya. His eyes are full of amusement.
“Wait. I’ll pay for our meal.”
Napangiti ako nang malapad. “Good.” He wanted it, after all.