Kabanata 32

4484 Words

MAY ISANG MATANGKAD na lalake na hindi ko alam kung ano ang kaugnayan sa akin. Malabo ang kanyang mukha ngunit kung aking susukatin ay may pagkamisteryoso ito. Malakas ang kabog ng dibdib ko lalo na kapag paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang mga sinasabi niyang pang-aangkin.  Gusto ko siyang takasan ngunit may nararamdaman akong kakaiba. Para bang matagal ko na siyang kilala. Parang malalim ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko maipaliwanag lalo pa’t meron pang gumugulo sa akin. Ang ingay ng mga sanggol. Para silang nangungulila na hindi ko malaman. Parang hindi ako makahinga kapag naririnig ng utak ko ang iyak ng mga ito. Napasinghap ako at napaupo. Lutang na nilibot ko ang aking mata habang pakiramdam ko ay namamasa ang mga ito. Napahinga ako nang malalim at pinalis ko ang luha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD