SINUNDAN ni Yxianne si Bryan pabalik sa office. "Ms. Chloe, paki hatid si Secretary Jae sa office nya." Utos ni Bryan sa babaeng kasabay nila bumalik sa office. Napatingin si Jae sakanya. Naalala nyang ito yung masungit na assistant na nag assist sakanila nung nag apply sila. Itim na itim ang buhok nito, maganda ang mga mata, maputi, nakatali ang mahaba nitong buhok sa likod at nakaikot at may suot itong salamin. Matalim ito tumingin at laging seryoso ang mukha.
Tiningnang mabuti ni Jae ang assistant. Animo'y kinikilatis nya ito. Sa unang tingin palang ay halatang halata na na hindi sila magkakasundo. Magandang babae si Chloe kahit pa nakabusangot ang mukha nito. Mahinhin at tahimik kung magsalita. Manipis lng ang kilay nito ngunit nakakasindak pagtinataas nya ang kanyang kilay. Napatingin namn si Jae sa boss nya, nginitian ni Bryan si Chloe.
Inihatid na ni Chloe si Yxianne sa office nya. Katabi lng iyon ng office ng CEO at ilang kwarto lng ang layo sa opisina ng president. Maya maya pa, habang binabasa ni Jae ang mga papeles na pinapaasikaso sakanya ni Bryan ay biglang bumukas ang pinto ng opisina nya. Napatayo si Jae at napabitiw sa mga papeles. Nagulat sya nang makita si Ceisha. "Oh? Bakit?" Tanong nya kay Ceisha. "May dala akong kape." Ngiti ng dalaga kay Yxianne. Napangiti nalng din si Jae. Kinuha nya ang kapeng dala ni Ceisha para sakanya at inilapag iyon sa table nya.
Umupo na ulit sya at nagbasa ulit ng mga papeles. "Ano yan?" Tanong ni Ceisha sabay silip sa binabasa ng kaibigan. "Mga pinapaasikaso sakin ni sir." Sagot ni Jae nang hindi tumingin kay Ceisha, napatango tango namn ito at umupo sa tapat ng table ng kaibigan nya. "Sya nga pala, bakit ka nginitian ni Mr. President kanina?" Tanong ni Ceisha sabay higop sa kape. Napatingin namn si Jae sakanya. "Hindi ko din alam. Baka dahil bago lng ako dto." Sagot nya.
"Hmm, sabagay." Saad ni Ceisha at napapatango tango pa ito habang nakatulala sa bintana. "Matagal na bang nag t trabaho dto si Ms. Chloe?" Biglang tanong ni Jae at seryoso ang mukha nito. "Oo, bakit?" Sabay tingin kay Jae. "Parang close sila ni Sir Bryan." Habang nakatulala sa kawalan. Seryoso padin ang mukha nya at walang emosyon.
"Ay alam mo ba dati may issue sila dto sa company." Tugon ni Ceisha at medyo inilapit ang mukha nya kay Jae. "Eh? Ano yun?" Napatingin si Jae sa kaibigan at halatang interesado ito.
"Usap-usapan kasi dto dati na may something kila Mr. CEO at kay Ms. Assistant" napaisip namn si Jae. Naalala nya na nginitian ni Bryan si Chloe kanina. "Pero hindi tanggap ng pamilya ni Mr. CEO si Ms. Assistant." Patuloy pa ni Ceisha.
Tatlong linggo na ang lumipas matapos malaman ni Jae ang issue ng boss nya sa assistant nito. Nasasanay na din si Jae kausap ni Bryan, ganon din si Bryan sakanya. Ayaw nyang isipin na nagiging close na sila kaya iniisip nalang nya na kaylangan nila yun para sa trabaho.
Nagsusulat si Jae habang inaayos ang mga papeles na kaylangan nila next month para sa presentation nila kasama ang president sa meeting next month. Binabasa nya ng paulit-ulit ang papel na inaasikaso nya at tinitingnan kung may mali. Biglang bumukas ang pinto ng office ni Jae.
"Mag miryenda muna tayo." Tugon ng lalaking nagbukas ng pinto. Napatingin si Jae sa lalaki. Nginitian sya ni Bryan at sinenyasan syang sumunod sakanya. Napatayo namn si Jae at sumunod sakanya.
??? ??????? ???? ???? ????
Sabay silang naglalakad ni Bryan,papunta na sila ng elevator nang makasalubong nila si Ian. Nginitian sila nito at patuloy na naglakad. Nang malagpasan nila si Ian ay napangiti si Jae at parang lumulutang ito sa ulap. Tiningnan namn sya ni Bryan na may pagtataka sa mukha. "Ang pogi talaga ni Mr. President...hayyyy" napakunot noo naman si Bryan at tumingin ulit kay Jae.
"Kuya ko yun." Napatingin din si Jae sakanya. "Magkapatid kayo?" Gulat na tanong ni Jae. Napatango namn si Bryan at ngumiti na mapang-asar. "Isusumbong kita, sabi mo ang pogi nya." Nanlaki namn ang mata ni Jae. "Ang daldal talaga ng bunganga mo!" Nagulat si Bryan sa sinabi ni Jae pero natatawa pa din sya.
"Ano?!"
"Wala! Sabi ko ang ganda ng lahi nyo, parehas kayong pogi oo." Natawa nalng si Bryan sa pinagsasabi ni Jae.
Nakaupo si Jae sa passenger seat habang nakatanaw sa bintana. Binuksan ni Bryan ang aircon ng kotse at nagpatugtog. "Patay mo yung aircon." Tugon ni Jae habang nakatanaw padin sa bintana. "Ha?" Napatingin sakanya si Bryan. "Hatdog. Patay mo yung aircon."
"Bakit naman?
"Nahihilo ako sa aircon, gusto mo bang sukahan ko yung kotse mo?"
"Subukan mo lang."
"Bilis na kasi... Pleaseeee" napatingin namn si Bryan kay Jae. Hindi nya kayang tanggihan si Jae sa hindi nalamang dahilan. "Mainit." Tipid na sagot ni Bryan. "Hayyy, buksan mo nalng sir yung bintana." Pakiusap pa ng dalaga.
Pinatay na ni Bryan ang aircon at binuksan ang bintana. Ilang saglit pa ay huminto sila sa tapat ng isang bahay.
"Kala ko ba mag mimiryenda tayo?" Tiningnan sya ni Bryan at saka bumaba ng kotse. "Dyan ka lng. Babalik ako." Tumango lng si Jae at kinuha ang cellphone nya. Nagchat lng sya kay Ceisha.
Beh mag mimiryenda lang kami ni sir Bryan.
At tinago ulit ang cellphone nya. Gusto nya sana mag request kay Bryan na pumunta dun sa maliit na book store kung saan sila unang nagkita kaso parang ang awkward.
???? ?????? ????? ????? ?? ???????? ??????? ??? ?????? ?? ???? ????— ?? ???? ?????!
Ilang saglit pa ay bumalik na si Bryan. May dala itong isang paper bag at nilagay ito sa likod. Pumasok na ulit si Bryan at tiningnan si Jae.
"May gusto ka bang puntahan?" Napatingin si Jae sakanya. Nakatingin lng din si Bryan diretso sa mata nya. "Wala sir. Baka gutom ka na." At napaiwas sya ng tingin at ibinaling iyon sa bintana.
Pumunta sila ng mall at sa food court sila kumain. "Bakit gusto mo dto?" Tanong ni Bryan habang nililibot ang mata nya sa buong paligid. "Try mo din kumain sa public. Rich kid ka kasi, mas masaya kumain pag marami kang kasalo kahit hindi mo sila kilala." Ngiti ni Jae. Tiningnan namn sya ni Bryan.
"Gusto mong kasalo ang hindi mo kilala?"
"Medyo." At pinalibot nya ang tingin nya sa paligid. Tiningnan lng sya ni Bryan. "Anong gusto mo kainin?" Habang nakatingin padin ng diretso kay Jae. Walang malisya sakanya kung ganon sya tingnan ni Bryan dahil iniisip nyang may gusto yun kay Chloe.
Tiningnan sya ni Jae ng diretso. "Sir? May naging girlfriend na ba kayo?" Nanlaki ang mata ni Bryan dahil sa tanong ni Jae. "B-bakit mo natanong?"
"Sir, satingin ko kasi..." Tiningnan syang mabuti ni Bryan at hinihintay ang sunod na sasabihin nya. Nabasa ni Jae ang mata ni Bryan. May gusto si Bryan na marinig galing Jae. "Satingin ko sir....may gusto ka kay..." Patuloy nya. Mas lalong nagulat si Bryan sa sinabi ni Jae. "K-kanino?"
"Ahh.. Nevermind sir. Kalimutan nyo na." Ngiti ni Jae. Napakunot namn ng noo si Bryan. Nabitin sya. "Sabihin mo na" pilit nya kay Jae. "Wala sir, kalimutan nyo na."
"Punta tayo sa book store." Aya ni Jae kay Bryan. Tumango lng si Bryan at sumunod kay Jae.
Pagdating nilang book store ay pinagtinginan sila ng mga tao. Sikat din kasi ang pangalan nila dahil sa successful business ng family Garcia.
Napatigil sa paglalakad si Bryan nang makita ang mga taong nakatingin sakanya. Nilingon sya ni Jae kasi d na sya sumunod sakanya. "Bakit?" Tanong ni Jae kay Bryan at lumapit sakanya. "Lumayo ka ng kaunti, Ms. Jae." Bulong ni Bryan. Lumayo namn si Jae at tumingin sa paligid. Natigil ang tingin ni Jae sa isang libro. Naalala nyang ayun ang librong gustong gusto ni Ceisha. Napangiti sya at akmang lalapit dun pero hinila nya muna si Bryan para sumama sakanya.
Nagulat si Bryan sa ginawa ni Jae pero iniiwasan nyang mag isip ng malisya dahil sa pagkakaalam nya ay may gusto ito sa kuya nya. Nakita nya din na halos maging star na ang mata ni Jae kaya hinayaan nya nalng dahil gusto nyang malaman kung ano ang dahilan. "Ito yun." Namamanghang tugon ni Jae. Napangiti si Bryan nang makita ang reaksyon ng dalaga. Madalas kasing masungit at madaldal si Jae pero gusto laging mapag isa.
"Ano yan?"
"Yung librong gusto ni Ceisha. Malapit na ang birthday nya at nag iisip na ako ng ireregalo sakanya. Ito nalng kaya?" Sabay tingin kay Bryan. Nagulat sya kasi kanina pa pala nakatingin sakanya si Bryan.
Naistatwa sya sa kinakatayuan nya. Nakatitig nang diretso sa mata nya si Bryan. Sa hindi malamang dahilan, hindi nya mapigilan ang malakas na t***k ng puso nya.
Magkatinginan lng sila.
????'? ????????? ?? ???????. ??? ?? ????? ??? ????? ????!! ?? ?? ??? ??? ????? ??! ??????? ?? ??? ??????? ???!
"Bakit hindi nalng ako?" Seryoso pa ding nakatingin sakanya si Bryan at diretsong nakatingin sa mga mata nya.
Mas matangkad si Bryan kay Jae at hanggang labi lng sya nito. Nakatingala sakanya si Jae at pilit na prinoproseso ang mga nangyayari sa isipan nya.
??????? ???? ???????????? ?? ????? ?????????. ??????? ?????? ?????? ?????? ???????????.
Pilit pading prinoproseso ni Jae ang lahat. D nya maintindihan ang ibig iparating ni Bryan sakanya sa sinabi nitong...
'Bakit hindi nalng ako?'
~~~~~~~~~~~
#FakeMarriage