002

1314 Words
SLNL ➭ 002 ENDEARMENT ꕤ ꕤ ꕤ QUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲 “W-wala n-naman, sir.” Nauutal kong sagot. Yumuko ako dahil hindi ko kayang tagalan ang lalim ng titig niya sa akin. “Sir?” Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin na parang nauubusan na ng pasensya. “Mag-asawa na tayo, Asha. Hindi na dapat sir ang tawag mo sa akin lalo na dito sa bahay at sa harap ng ama ko.” Muli siyang nag buntong-hininga. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. Nahihiya naman kasi akong tawagin siya ng endearment. Hindi naman kami totoong nagmamahalan. “Pasensya na po, Sir. Hindi kasi ako sanay at hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong itawag sa ‘yo.” I said honestly. “Ganito na lang. Starting today, you will call me your husband or hubby and I will call you my wife. Paano naman maniniwala ang pamilya natin na mag-asawa tayo kung Sir pa rin ang tawag mo sa ‘kin?” Binaba na niya ang mga kamay ko. Tumayo siya ng tuwid at nag pamaywang sa harap ko. Kamot-ulo naman ako. Sobrang hiya talaga ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa naman kasi ako nagkakaroon ng nobyo kaya hindi ko alam paano magdala ng relasyon. “S-sige, Sir.” Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso at nakataas ang isang kilay. “Ahmm… H-hubby pala.” Nag-aalangan kong sabi. Nagulat ako ng bigla niya akong ikulong muli sa mga bisig niya. Napakalapit din ng mukha niya sa ‘kin. “Kaya mo naman pala bigkasin. From now on, ‘yan ang dapat marinig ko sa ‘yo… Every single day.” Nag-aalangan naman akong tumingin sa kanya. “Ahm… pwede ba na kapag nasa trabaho tayo at may mga employees na nakakarinig, sir muna ang itawag ko sa ‘yo?” May pakiusap sa mga mata kong tanong. Hindi s'ya nagsalita. “H-hubby?” Tawag ko. “Why? Nahihiya ka ba maging asawa ako?” Ramdam ko ang bigat sa mga salita niya. “H-hindi naman sa ganun.” Nag buntong-hininga muna ako. Napansin ko na nakalihis ang kwelyo ng polo niya kaya inaayos ko muna ito. “Alam mo naman ang pag-iisip ng mga tao. Kapag nalaman nila na pinakasalan mo ako, lalo nila ako pag-iisipan ng hindi maganda. Ngayon pa nga lang grabe na nila ako kung pag-usapan at husgahan. Paano pa kaya kapag nalaman na nila na kinasal tayo?” Huminto ako saglit para ibuga ang hangin sa aking dibdib. “Gusto ko naman na magkaroon ng sarili kong pangalan dahil sa pagsisikap ko, hindi dahil asawa ako ng isang business tycoon. Kahit iyon man lang.” I said honestly. Tinitigan niya ako ng mariin sa aking mga mata na tila inaaral ang totoong saloobin ko. Sinalubong ko naman ang tingin niya. Seryoso ako sa sinabi ko. Gusto ko pa rin ituloy ang pangarap ko na maging Architect at tutuparin ko ‘yun sa pamamaraan ko. “Who are they?” Natakot ako sa uri ng tingin niya. Para siyang mananakit. “H-huh? Sino ang tinutukoy mo?” “Ang mga taong pinag-uusapan at hinuhusgahan ka?” Napansin ko ang pagkuyom ng kamay niya kaya lalo akong kinabahan. “H-hindi mo na kailangan malaman pa, hubby. Ang importante mapatunayan ko sa sarili ko at sa mga tao na ‘yun na kaya ko gumawa ng sarili kong pangalan.” Nag buntong-hininga si Zaqueo tsaka tumango-tango na tila nauunawaan na niya. “Naiintindihan ko. Just make sure lang na walang ibang lalaki ang aaligid sa ‘yo. Baka makalimot ako.” Seryoso niyang saad. “Tatandaan ko ‘yan.” Mukhang wala naman talaga problema sa asawa ko, assurance lang talaga ang hinihingi niya. Wala naman akong balak na magloko. Magiging tapat ako sa kanya hanggat kasal kami. Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung ano ba ang inaasta niya pero tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Tama nga naman siya, hindi ako dapat pumayag na may ibang lalaki na umaaligid sa akin dahil may asawa na ko ngayon. Kahit maghiwalay kami after 3 years, bata pa naman ako no'n. I'm just 26 years old by that time kaya maaari pa naman akong umibig at magkaroon ng sariling pamilya. Sa ngayon, ang asawa ko ang mahalaga. “Swear it to me, wife. I need an assurance or else kalimutan mo na lang ang pinag-usapan natin kanina.” “I swear po kahit hindi ko naman sigurado kung may aaligid ba. Sa dami ng magaganda at seksing babae sa paligid, I'm sure wala naman magtatangka na ligawan ako.” Ngumiti ako sa kanya pero ang asawa ko, lalong nagsalubong ang mga kilay. “Who told you you're not pretty and sexy?” Seryoso nitong tanong. Kumurap-kurap naman ako. “Ahm… ako? Halata naman 'di ba?” Alanganing ngiti ang binigay ko sa kanya at nag kamot ng batok. Si Zaqueo ay lumalim ang titig sa akin na tila tagos sa aking kaluluwa. Hinaplos niya ang pisngi ko ng marahan. "You're beautiful, my wife. More than you'll ever know." Hindi ako nakapagsalita. Nakipagtitigan ako sa kanya. Ito ang unang beses may nagsabi sa akin ng ganung mga salita ng seryoso. Mayroon nagsabi dati na kaibigan kong lalaki pero pabiro lang ‘yun. I’m just a simple woman. Hindi ako naglalagay ng kolorete sa mukha. Simple lang manamit. Kahit pabango ay bihira lang ako maglagay. Compared to my classmates way back, I'm just plain. Dahan-dahan lumapit ang mukha ng asawa ko sa mukha habang natatakam na nakatingin sa labi ko. Naipikit ko ang nga mata ko ng tuluyan ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at mas pinalalim pa ang halik. "Move your lips, wife. Gayahin mo ko." He said hoarsely. Muli niya akong hinalikan and this time, sinabayan ko na ang galaw niya. Hindi ako marunong humalik pero madali lang naman matutunan. Ang kaninang banayad na halik ngayon ay naging mapaghanap na. Gumapang na rin papunta sa maliit kong baywang ang mga palad niya at sinandal ako ng madiin sa malamig na pader. Automatiko naman na pinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya. Malaki ang height difference namin ng asawa ko, 6 footer siya, 5'0 lang ako kaya nakayuko siya ng husto mag-abot lang ang mga labi namin. Kahit tumingkayad ako ay hindi pa rin sapat. Nadadala na ako sa halikan namin at ganun din ang nakikita ko sa mukha ni Zaqueo. Hindi na nga nakatiis ang asawa ko, binuhat na niya ako ng hindi pinuputol ang halikan namin. Pumulupot ang nga binti ko sa baywang niya. Dinala niya ako sa ibabaw ng malambot na kama. Dama ko na ang bigat ng katawan ni Zaqueo sa ibabaw ko maging ang napaka tigas na bagay sa bandang puson ko. "Ready ka na ba?" May pang-aakit niyang tanong ng bitawan ang labi ko. Ang leeg ko naman ang sunod niyang punteria. Hindi ko maiwasan makagat ang ibabang labi ko dahil sa kakaibang kiliti na dulot ng labi niya sa balat ko. "H-hindi pero a-ayos lang naman k-kung gusto mo na. Karapatan mo naman 'yan." Kinakabahan kong sabi. Wala naman mali sa gagawin namin dahil legal kaming mag-asawa. "Are you sure you want me to claim you now, wife?" May mapaglarong ngiti sa labi niyang sabi. Tumango ako kahit kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Sa laki ng nararamdaman ko sa bandang puson ko, expected ko na hindi ako palalakarin nito ng maayos sa loob ng ilang araw. Pinikit ko ang mga mata ko ng hahalikan na naman ako ng asawa ko. Nakakakaba… Pero sa hindi ko rin malaman na dahilan, nakakaramdam ako ng sobrang excitement… Ng kagustuhan na gawin ang bagay na ‘yun kasama ang lalaking pinakasalan ko kani-kanina lang, si Spade Zaqueo Andrich. I think I am ready to surrender myself to him, to my husband.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD