Maaga siyang gumising para Sana magtraining kaya lang mukhang mabubulilyaso ang plano niya. Paglabas pa lang niya ng kusina ay may mga tauhan na nakaalerto sa bawat parte ng mansion. Napailing na lang siya. Kumusta kaya si Harry? Ayos lang kaya 'yon matapos masaksihan ang sasakyan na sumabog kagabi? Tsk. Ito naman kasing ama ng dalawa Hindi man lang tumawag na may plano pa lang pasabugin ang sasakyan. Bago pa naman 'yon. Kawawang Harry. Sayang Hindi niya nakita kagabi kung paano ito umiyak. Nang lumabas siya at tiningnan kung saan ang sasakyan na pinasabog. Nakita niya doon si Harry nakayakap sa sasakyan at nagsasalita. Lalapitan na Sana niya kaya lang may tumikhim sa likuran niya. Nang tingnan niya ito ang kakambal nito na nakangisi. "Pabayaan mo lang siya. Hahah

