Nang mai-park na ni Elaiza ang sasakyan ng kaibigan niya. Agad siyang bumaba at binati naman siya ng guards pagpasok niya. Hindi pa nga siya nakakasakay ng elevator may commotion ng nagaganap sa paligid niya.
Pero, hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. Dahil may ibang importanteng kailangan pa siyang gawin kesa sa commotion na nagaganap sa building. Tsk. "Hai cuz." bati sa kaniya ng pinsan njya. Kaya napalingon siya sa gawi nito.
"Yes? May kailangan ka?" tanong niya. Hindi siya snob pero, mukhang magiging snob siya sa mga oras na'to lalo na at tumawag ang secretary niya kanina nandito pa si Shimon at hindi man lang lumalabas ng building. Tsk.
"Ang init yata ng ulo mo? Why? Is there something wrong and what's with the commotion?" tanong nito.
Siya pa talaga ang tinanong? Kakarating lang kaya niya. Umiling siya. Pinindot niya ang pindutan ng elevator at bumukas na ito. "Tara sa opisina ko pinsan. May pag-uusapan tayong mahalaga." anito sa kanya.
"Ano naman?" tanong niya. Wala naman kasi siyang idea kung ano pag-uusapan nila ng pinsan niya.
Huminga ito ng malalim at inakbayan siya saka giniya na siya papasok ng at pinindot nito ang floor ng opisina niya. "Mukhang gutom ka. Kaya magpapa-order na ako sa secretary mo. Anong gusto mo?" tanong nito sa kaniya.
"Wala. Hindi din ako gutom at wala akong ganang para kumain ngayon pinsan. May problema pa ako." Aniya.
Nang huminto ang elevator at lumabas na siya.
Sumalubong kaagad sa kaniya ang kaniyang secretary. "Ma'am. Thank you that you are here." anito na parang natataranta.
"Bakit?" aniya. Patuloy pa din siya sa paglalakad patungo sa opisina niya.
"Kasi po, si Shimon Yamamoto. Nanggugulo do'n sa may ground floor." anito sa kaniya.
Napahinto tuloy siya. "Tsk. Bakit ba ayaw niyang umalis? Bakit hindi niya guluhin ang building nila? Dito pa siya nagkakalat ng ugali niya? Baka mahawa niyan ang mga empleyada at empleyado ko. Ako mismo ang haharap sa kaniya." Aniya at bumalik patungo sa elevator.
"Pinsan." sambit ng pinsan niyang nakasunod lang sa kaniya. Huminga siya ng malalim at nilingon ito. "Delikado." sabi nito.
Ngumiti lang siya at umiling. Nakita naman niyang huminga ito ng malalim. "Sige na nga. Sasama ako. Kapag nalaman na naman ito ni Dad nako! Lagot na naman ako nito." anito sa kaniya.
"Thank you couz. Ang bait mo talaga. Tara na nga." Aniya at tumalikod na't naglakad. Ang secretary naman niya ay naghihintay na sa nakabukas na elevator.
Pumasok siya kasunod ang pinsan niya at huli ang secretary niya na siyang pumindot sa ground floor.
Ano naman kayang kailangan ng taong 'yon. Matapos niyang ipamukha sa akin na mukha akong pera. ani ng isip ni Elaiza. Tsk. Ang Kapal! Gusto niya talaga ng sipa na galing sa akin! Humanda siya.
"Hey. Don't be afraid." ani ng pinsan niya.
"I'm not afraid. Huminga lang ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Baka kasi hindi ko makontrol at masipa ko siya palabas ng building ko." aniya dito.
"Nakakatakot talaga kayo ma'am." ani naman ng secretary niyang nakikinig sa kanila.
"Tumahimik ka nga diyan." aniya dito. "Nakikinig ka naman sa usapan ng may usapan." sabay rolling her eyes from left to right.
"Pabayaan mo na nga iyang secretary mo. Dinadamay mo pa yan eh. Hindi siya ang nanggugulo dito okay. Iyong nagngangalang Shimon." tumango na lang siya at huminga ulit siya ng malalim. Nakakuyom ang mga kamay niya at nanggigigil na siya sa sobrang Galit.
Nang makarating sila Elaiza Ground floor at nakita niyang inaawat ito ng mga guards. Lumapit siya dito ng wearing her serious aura. "What is going on here?" tanong niya sa mga ito.
Lumingon lahat ng tao sa kanya. Mga employees niyang chissmosa at chissmoso. "All of you! Get back to work." aniya sa mga ito.
Agad naman nagsialisan ang mga tao at bumalik sa kani-kanilang trabaho. Tiningnan niya ang dalawang guards na umaawat kay Shimon. "Don't worry guards. I can handle this." aniya.
Tumango naman ang mga ito. Sinadya niyang ang mga guards niya ay mga Filipino na kagaya niya upang madaling utusan. Isa pa, iyon din ang gusto ng ina niya.
"What are you doing here?" tanong niya kay Shimon.
"So, mayaman kana? Kaninong pera naman ang hinuthot mo? Sa kaniya ba?" sabay turo sa pinsan niyang nasa likod.
Lumapit sa kanya ang pinsan niya at inakbayan siya. "Bakit ko naman siya bibigyan ng pera kung mayaman na siya noon pa? Oh. Hindi niyo iyon alam?" sabi ng pinsan niya kay Shimon. "Oh baka bulag kayo? Kayo ng kapatid mo na walang ibang ginawa kundi saktan ang nag-iisa naming babaeng pinsan." anito kay Shimon na ngayon ay gulat na gulat sa mga sinabi ng pinsan niya.
"W-what are you talking about?" tanong nito sa utal na tinig.
"She's my cousin and this company that where you are standing is her." sagot naman ng pinsan niya.
Tahimik lang siyang nakikinig dito at nakatingin kay Shimon ng seryoso. "get out and don't you ever comeback here or else I will kick your ass off." aniya kay Shimon na halos lumuwa ang mata sa mga sinabi niya. "Oh. What? Are you deaf or not?" taas kilay na tanong niya. Tsk.
"Gusto mong tagalogin ko pa para sayo?" aniya na may ngiti labi.
"No! Hindi ito totoo." anito at agad na lumapit kaniya. Akmang hahawakan sana siya ni Shimon pera agad niyang hinampas ang kamay nito.
"Don't touch me!" aniya rito na may diin. "Kung ayaw mong ipapulis kita umalis kana. Siguro naman naintindihan mo ang bawat salita ko na sinasabi ko? Sa susunod na magkita tayo at manggulo dito. Kompanya niyo ang magbabayad no'n. Naintindihan mo?"
"What do you mean?" tanong ni Shimon sa kaniya. Ngumisi siya ng nakakainis.
"Oh. You don't know? Oh. I forgot to tell you. Fifty percent ng share ng kompanya niyo ay pag-aari ko. Kaya huwag na huwag niyo akong kakalabanin. Baka isang tawag ko lang kaya kong pabagsakin ang kompanya niyo." aniya.
"Oo nga pala pinsan no." sang-ayon naman ng pinsan niya.
Nakanganga na ngayon si Shimon dahil sa mga sinasabi niya. "So ibig sabihin kalahati ng kompanya niyo ay pag-aari ko. Ask your parents they know everything." aniya sabay talikod.
Sumunod lang sa kanya ang secretary niya.
Si Shimon naman halos hindi makapaniwala sa sinabi sa kaniya ni Elaiza. Ano ba talaga ang nangyari? Totoo bang hindi pera ang habol ni Elaiza sa kapatid ko? Pero, kung hindi saan naman nakuha ni Shikaya ang mga iyon?
Sino-sino ang mga taong tinanong niya? Sinu-sino ang mga taong nag-imbestega kay Elaiza? Ang Elaiza na nakaharap niya ngayon ay isang babaeng nakakatakot na maging kalaban. Isang babaeng walang inuurungan sa kahit anong laban.
Ang Elaiza na kilala niya noon ay walang pakialam at hindi marunong magsalita ng English. Pero, ibang -iba na siya ngayon.
Sinabi pa nito na siya ang nagmamay-ari ng kalahati ng kompanya nila. Paano nangyari iyon? Hindi na niya alam kung ano ang totoo sa hindi.
Lumabas na siya ng building at agad na pumunta sa parking lot. Sumakay siya sa sasakyan niya at nagmaneho patungo sa building na pagmamay-ari ng pamilya nila.
"Ang galing mo kanina pinsan." ani ng pinsan niyang nakaakbay pa din sa kanya. "May balak ka bang bilhin ang twenty five percent ng kompanya nila ulit?" tanong nito na may ngisi.
"Wala pa naman akong balak. Sa ngayon. Iyong fifty percent muna ang palalaguin ko hanggang sa makuha ko ang buong kompanya nila. Tutal dalawang share na lang ang hindi natin nabibili. Kay Shino at Shimon. Wait how about Shikaya? Nabili mo ba ang shares niya?" tanong ni Elaiza sa pinsan niyang nakakunot ang noo.
"Yep at sa pagkakaalam ko gusto nga niya na makipagkita sayo. Alam na ba niya na ikaw ang kikitain niya?"
Nag-uusap sila habang nasa elevator. "Siguro? Siguro din hindi. Kung hindi ede mas maganda. Oo nga eh. Iyan din ang ipinagtataka ko." aniya rito.
"Kung kilala ka niya. Ano na naman ang gagawin niya? Sisiraan ka niya ulit?" anito. "Kung gawin niya iyon sa'yo. Anong gagawin mo?"
"Oh. Iyan lang? Ang simple ede ang kompanya nila ang mag-susuffer for bankruptcy at magsasara ang kompanya nila. Bago mangyari iyon. Kukunin ko lahat ng naipondar nina Lola sa kanila. Sabi pa naman ni Lola dapat sa atin daw talaga ang kompanya na iyon. Kaya lang, binili nila ang mas malaking share kaya ngayon. Bibilihin ko din ang share para bumalik sa atin ang mas malaking share at tayo na ang magiging may-ari no'n." aniya dito.
"Ano ka ba pinsan. Sa'yo lang hindi ako kasali at si Dad. Dahil sa inyo naman ni tita ang pera na iyon. Pinama naman iyon sayo nina Lola at lolo. Dapat ikaw ang humawak no'n." Pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon ay napalingon siya sa kaniyang pinsan na may ngiti sa labi.
Bumukas ang elevator at patungo sila sa opisina ng pinsan niya. Hindi sa opisina niya. "Nga pala. Anong gagawin natin sa opisina mo?" tanong niya.
"Nandoon kasi po ang pamangkin mong miss na miss kana daw niya." anito pagkalabas nilang tatlo.
Nang tingnan niya ang secretary niya may kausap ito sa cellphone. Kumunot naman noo niya. Sino na naman kausap nito. "Nope. We're busy." anito sabay patay sa cellphone.
"Sino na naman iyon?" tanong niya.
"Ay. Si Shikaya po ma'am. She's rescheduling the meeting." anito.
"Sakit talaga ng ulo ang babaeng iyan." Yumuko nablang ang secretary niya. Tsk. "So, kailan daw magkikita?" tanong niya.
"Hoy! Bakit parang bwisit na bwisit ka diyan?" Tanong ng pinsan niya. Napahinto na sila sa gitna at medyo malayo pa ang opisina ng pinsan niya. Tsk.
"Tara na nga." aniya. Sumunod naman sa kaniya ang secretary niya.
"Mamaya daw pong mga six pm." sagot ng secretary.
"Sabihin mo hindi pwede dahil may gagawin pa ako niyan." aniya. Six pm ang mata niya! Suntukin ko kaya siya! Anibal bang gusto niya bakit siya gustong makipagkita kay Elaiza?
Nang makarating sila sa dulo sa opisina ng pinsan. Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang bata. "Tita!" sigaw nito sa matinis na tinig .
Agad naman niyang tinanggal ang pagkakaakbay ng pinsan at lumuhod para mayakap ang bata. Nang magyakapan silang dalawa. Pinugpog ng halik ni Elaiza ang mukha ng bata nang Kumalas na ito at magkaharap silang dalawa. "Tita! I miss you. Bakit hindi ka na po di dumadalaw this past few days?" tanong nito na may malungkot na mukha.
Na-guilty naman sa nakita si Elaiza. "Gomenasai baby. Tita is so busy this past few days. Sorry. But tita have a time for you today." aniya rito may ngiti sa labi.
"Hontou ni?" ( really)tanong nito na may maaliwalas na mga mukha. Ang bilis magbago ng expression sa mukha.
"Hai!" (Yes!)
"Yehey!" sabay talon -talon pa ng bata. Ang saya at ang ama naman ay nakangiti lang na nakatingin sa kanila pati ang secretary.
Nakita niya ang taga-alaga nito na nakatingin lang sa kanila at naghihintay kung papasok ba sila or hindi. Nasa pinto kasi ito at nakabukas iyon. "Tita. What are we going to do now?" tanong ng pamangkin niya.
"Baby. We play." aniya dito na may ngiti sa labi.
"Yehey!!" sigaw nito sabay talon-talon ulit. "Where? By the way tita. Where Tito Edzel?" nang mapatingin ito sa likuran niya. Huminto na ito sa pagtalon. "Where is he?" tanong nito.
"Oh. Your Tito Edzel is IKARETA so mind him okay." aniya sa bata.
"IKARETA? Nope! He isn't tita. Tito Edzel is so very nice and kind too. And he gave me toys and he always there for me para mag-play po." ani ng bata sa kaniya.
Close kasi ang dalawa. "Oo nga pinsan. Diba dapat magkasama kayong dalawa?" tanong naman ng pinsan niya. Kibit-balikat lang ang sagot niya. Tsk. Alangan naman na sabihin niya na pinahuli niya sa mga police ang Tito Edzel niya ede magagalit ang bata sa kaniya.
"Where is he tita? Please. I want him here para mag-play tayo please like before. Please." anito na may puppy eyes.
Huminga siya ng malalim. "Baby. Tito Edzel is in the police station again." aniya.
"Again? Again? Na naman! Why tita? And why are you here?" tanong ng bata sa kaniya.
"Kasi, ako ang nagpakulong sa Tito Edzel mo okay. Kaya no question again. Let play na kasi, may meeting pa si tita mamaya." tumango ito.
"Kahit na wala Tito alam ko naman na makakalabas agad iyon dahil ang galing ng kaniyang lawyer. Si ninong Caleb." anito.
Napangiti at napailing na lang siya at the same time. "Let's play okay. Kasi, bibisitahin ko mamaya si Tito Edzel mo okay?" tumango naman ito sa kaniya.
"Okay po. Thank you." sagot nito.
Nasa opisina na sila at malaki ang opisina ng pinsan niya.
Nang matapos sila sa paglalaro ng pamangkin niya ay napagod na ito at nakatulog sa sofa at tinapik-tapik pa ng taga pag-alaga nito. Umupo siya sa upuan at tiningnan lang ang pinsan niya na may pinepermahan.
Ang secretary naman niyang busy din sa kakasulat. "May meeting ba ako sa susunod na araw?" tanong niya dito.
Sabay tingin sa scheduled. "Meron po ma'am. Ire- rescheduled ko po ba?" umiling siya.
"Nope. No need. Couz." tawag niya sa pinsan niya. Napatingin naman ito sa kaniya. "Samahan mo ako mamaya sa meeting kay Shikaya okay. Baka hindi ako makapagtimpi eh masapak ko siya ng wala sa oras." tumango naman ito.
"Okay. Basta ikaw. Nga pala, ako ang may hawak ng 25 percent share ng kompanya nila. Itatransfer ko na ba sayo?"
"Not now couz. We need to bought their shares as soon as possible. Para makuha natin ang seventy five percent share ng kompanya nila at pwede na tayong mamahala do'n." aniya na may nakakatakot na ngiti.
"Oh. I know that smile couz." anito sa kanya.
"What smile?" aniya na hindi pa din nawawala ang ngiti. "Ah. Sige na nga. I tell you what is my plan. Kapag nakuha natin ang seventy five percent share ng company nila ibig sabihin tayo na ang magiging may-ari no'n. Tapos, ako na ang bagong CEO nila at kapag nangyari iyon. I will be controlling them kung ayaw nilang sumunod sa mga utos ko alam na nila kung saan sila pupulutin." aniya.
"Ang galing mo talaga. Kaya lang, paano naman si a magulang niya? Madadamay sa kagagahan ng panganay?" tanong ng pinsan niya.
"Nope. They know everything. Bakit ko naman sila gagawan ng masama. Iyong anak lang naman nila ang may kasalanan. Dapat iyon lang ang magbayad." aniya.
"Tama ka nga naman." anito. "Sige couz. May gagawin pa ako. Support kita diyan. May meeting ako with the investors tapos, itong pamangkin mo naman susunduin ng mommy niya mamaya." tumayo ito sa kinauupuan at nagpaalam na sa kanilang apat. Bago ito umalis ay hinalikan muna nito ang anak na natutulog at pati siya sa noo.
Dahil apat na lang silang naiwan. Tinanong niya ang mga ito kung gutom na. Alas tres na din kasi at kailangan din nila ng meryenda. Kaya nagpaorder siya ng mga makakain sa secretary niya. "Kahit ano. Basta masarap okay. Lalo na mangga. Gusto ko kumain ng mangga tapos kailangan may toyo okay?" tumango lang ang secretary at sabay sulat sa notepad nito.
Tinanong naman niya ang taga pag-alaga kung anong gusto nitong kainin. "Anything ma'am."
Ngumiti siya at tiningnan ang secretary. "Same na lang sa akin. Tapos, rice cake. Marami na rice cake okay? Tapos, soft drink. Tapos, bumili kana din ng para sa'yo." tumango ito sa kaniya.
"Thanks po ma'am." anito sabay labas ng opisina ng pinsan niya.