CHAPTER 28

2427 Words
Nang makarating sila sa city jail. Agad silang pumasok at hindi naman sila sinita  ng mga ito kahit hindi pa naman visiting hours. Pumunta agad siya sa isang desk. Nang basahin niya ang pangalan na nakalagay sa name tag. "Senior inspector Salvacion." bati ni Elaiza sa pulis. Nagsusulat  ito at nang mabanggit niya ang pangalan ay agad itong lumingon sa kaniya. "Elaiza." sambit nito sa pangalan niya. Umupo siya sa upuan na nakaharap  dito at ganoon din si Caleb sa kabilang upuan na kaharap din nito. "nga pala. Kailan ka pa dumating?" tanong nito sa kanya. Kilala niya si senior inspector Salvacion  dahil na din sa reputation nito sa lipunan. "Ah. Nga pala. Ito pala ang lawyer ko at ito naman ang pinsan ko. Siguro naman po Kilala niyo ang best friend kong gwapo?" aniya sabay turo sa mga kasama. "Oo naman. Paano ko naman makakalimutan ang batang iyan?" ani ni Salvacion sa kanila. Tumawa siya. "Grabe. Binata na ako." Protesta  ni Edzel sa sinabi ng inspector. "Huwag kang tumawa Elaiza. Walang nakakatawa sa sinabi niya." dagdag nito. Busangot ang mukha nito na nakatingin sa kanya. Tinikom na lang niya ang bunganga niya at tumahimik. Huminga siya ng malalim. Tiningnan ulit ang inspector ng seryoso. "Ay. Bago ko pa makalimutan. Nandito pala kami para kausapin ko ang mga mag-iina." aniya. Huminga din ng malalim ang inspector. "Iuurong mo ba ang kaso sa kanila?" umiling siya. "No way in hell! Nandito lang ako para kausapin  at may itatanong ako sa pinsan ko. Kahit iyong isang pinsan ko lang." aniya dito. "Please." "Elaiza. Hindi pa visiting hours pero, dahil mabait ka naman. Sige na nga. Siyaka isa pa, miss kana ng mga kumag kong katrabaho  diyan." anito sabay tingin sa mga ibang desk. Napatingin naman si Elaiza sa mga ito. Ngumiti siya at kumaway. "Hai Elaiza. Kumusta?" tanong ng isa. "Maayos naman po." aniya. Napuno ng batian at kumustahan  ang buong city jail. Ngumingiti lang si Elaiza sa kanila at kumakaway. Masaya siya dahil nakita niya ulit ang mga ito. Parang mga tiyuhin na din kasi ang mga ito sa kaniya. Naalala niya pa dati kapag December 25 ay pumupunta siya sa city jail kasama ang best friend niya pati na din ang mga magulang nito pati na din ang nanay niya. Pagkatapos ay  nagbibigay  ang mga magulang ni Edzel ng mga pagkain sa mga ito tapos sila naman dalawa ni Edzel ay nagkakaroling  at kumakanta sila ng Christmas song. After ay binibigyan  sila ng perang dalawa. Dahil mayaman naman ang kaibigan niya. Imbis na hatiin nila ang mga pera ay sa kaniya na iyon mapupunta  lahat. Dahil hindi naman daw kailangan nito ng pera dahil okay na sa kaniya na makita siyang masaya. Iyon palagi ang sinasabi sa kaniya ng Best friend niya. Pinapakilala din ni Elaiza ang pinsan niyang si Harold sa mga ito pati na din si Caleb. Sinasabi pa nga ng iba na big time na daw si Elaiza dahil may lawyer na siya. Tumatawa na lang siya at sinasabi na hindi naman sa kaniya ang pera kundi sa lolo at Lola niya. Pero, dapat daw maging down to earth pa din siya sa mga taong naging mabait sa kaniya. Tumatango naman siya at pinapasok niya sa utak niya ang lahat ng sinabi ng mga ito sa kaniya. Binabati din si Edzel ng mga pulis. Ngumiti na lang siya at yumuyukod ng konti sa mga kaibigan ng daddy niya. Naalala din kasi niya dati na pupunta sila tuwing December 25 at magbibigay ng pagkain sa bawat isa. Masaya siya tuwing ganoon na okasiyon dahil iyon din ang time na nagbabakasiyon sina Elaiza at ang nanay nito sa bahay nila. Tapos, doon sila nagsasalubong ng pasko. Ganoon pa din naman kahit nasa Japan na sila. They celebrate Christmas together. A normal person do tapos, iba na nga lang ngayon dahil hindi na sila nakakapagbigay ng pagkain sa mga ito tuwing Christmas. Sampung minuto ang lumipas ay natapos din sila. Pero, ang mukha ngga pulis ay ibang tao na nandoon ay hindi mapuknat ang ngiti sa labi. Dahil sa nakita nila ulit ang dating batang si Elaiza. Ang batang nag-aabot sa kanila ng pagkain dati. Ngayon ay dalaga na at mukhang hindi pa din nawawala sa mata ng binatang kasama niyo dati ang titig ng pagmamahal. May dinakip sila kahapon pero, napag-alaman nilang ang tiyahin at mga pinsan iyon ng dalaga. Mukhang sinagad nga nila ang dalaga. Mabait naman si Elaiza eh pero, iba ito kung magalit. "Sige ha. Kakausapin ko lang ang pinsan ko." ani Elaiza sa kanila sabay kaway sa mga pulis. Tumango at kumaway din ang mga ito sa dalaga. Tinungo nila Elaiza at Caleb ang visiting area. Si Edzel at Harold naman nakasunod lang sa kanilang dalawa. Nang makarating sila sa visiting area. Umupo sila sa upuan na nandoon. May lamesa din. "Sige maiwan muna namin kayo." ani ng pulis. Ang isang pulis naman tinungo ang selda  at inilabas ang pinsan niya. Naghintay lang sila. Kalmado  lang si Elaiza habang nakatingin sa paligid. Parang wala siyang inaalala na kung ano. Sina Harold at Edzel naman. Umupo sa kabilang mesa malapit sa kanila. Hinanda na nila ang mangyayari baka ano na naman ang magawa ng pinsan niya. Mahirap na. Iba pa naman magalit ang dalaga. Nang makaupo  ang pinsan ni Elaiza sa harap niya tinaasan siya nito ng kilay. "So, why are you here?" tanong nito sa kaniya sa mataray na boses. Ang pulis naman na naghatid ay umalis na. Kusang  tumaas  din ang kilay ni Elaiza dahil sa tanong nito sa kanya. "Oh. I want the truth." aniya rito. "May kailangan lang akong itanong." Tumawa ito ng pagak sa kanilang dalawa ni Caleb. Pero, Caleb is wearing his serious face right now. "Hindi ka pa ba  masaya na pinakulong  mo kaming mag-iina?" tanong nito sa kaniya. "You know what? Yes. I am so very happy right now, that you are here. Oh! Ikaw hindi ka ba masaya na kasama mo ang pamilya mo  sa lugar na'to? Who put you in this place? Me or yourself? Yes, my dear. Yes." aniya na may nakakauyam  na ngiti. She need to calm herself or else baka may hindi magandang mangyayari sa pinsan niya. Huminga siya ng malalim. She wanted only the truth. "Okay. Here's the deal. Makakalabas  ka pansamantala  sa lugar na 'to kapag nasagot mo ang lahat ng tanong ko." aniya na may ngiti. "Pansamantala  lang?" tanong nito sa kaniya. Aba! Choosy pa siya? "Okay. Ayaw mo?" tanong niya sabay tingin ng diretso sa mga mata nito. "G-gusto." sagot nito sa nauutal na boses. Hindi naging komportable ang pinsan ni Elaiza sa kaniya. Paano ba naman kasi, nakaka-intimidate  ang mga mata nito. "Ayan naman pala. Madali ka lang kausap. Kapag nakalabas ka maghanap ka ng abogado  mo." suggestion ni Elaiza sa pinsan niya. Nunkang  mananalo  ang mga ito. Kahit iakyat  pa nila ang kaso sa korte  alam ni Elaiza na siya ang papanigan ng batas. Marami din siyang witness. "A-anong tanong mo?" tanong nito na nakayuko na ngayon. "Ikaw ba, ang nagpakalat  ng chissmiss na mukha akong pera?" tanong niya dito. "Yes." sabay tango. Tumingin ito sa kaniya ng diretso. "Ako nga. Dahil palagi na lang ikaw! Ikaw na lang lahat! Ikaw na ang magaling! Ikaw na ang mabait! Ikaw na palaging binibigyanni lolo ng mga gamit! Paano naman kami? Apo din naman niya kami ah!" sigaw nito sa kaniya. Napalingon tuloy sina Harold at Edzel kay Elaiza. "Oh. So, dahil lang ito sa selos?" tanong niya. "Nope. Money too. Binayaran ako, may isang babaeng lumapit sa akin at sinabi niyang magpakalat ako ng chissmiss tungkol sayo. Tapos, may kausap din ang babae na isang lalaki. Hindi ko sila kilala. Dahil nga galit ako sayo. Kaya nagpakalat  ako ng chissmiss na mukha kang pera. Tapos, gold digger ka kaya lang lumalapit sa boss mo dahil sa pera." kwento nito. "Sino itong tinutukoy mo na babae?" tanong niya. Kung sino man iyon humanda  siya. Dahil hindi lang isang sampal ang mararanasan ng babaeng iyon kundi mabubulok siya sa kulungan. Nagtatype si Caleb sa gilid niya. "Rin." sagot nito sa kaniya. "Rin?" tumango ito. Buhay pa pala ang babaeng iyon. "Paano nalaman ni Shikaya ang lahat ng iyon? Paano siya nagkaroon ng kopya ng lahat ng sinasabi mo sa akin? akala ko si Shikaya ang nagpa-invistagate sa akin." tumango ito. "Siya nga ang nagpa-invistagate sayo, pero, the investigator she hired ay iyon din ang investigator na ni-hired  Rin. Mas triple ang binayad ni Rin sa kaniya kaya nasa kaniya ang loyalty nito." anito. Tumango lang siya. "How about the money?" tanong niya. "Ang pera na binayad ni Rin ay binayad namin ng utang." tumakas tuloy ang kilay niya sa narinig. Hmpf. Kapit sa patalim?  "Okay. Iyon lang?" Umiling ito. "Ano pa?" "Sinabi ko din doon ang hidden agenda mo na pai-ibigin mo ang boss mo para lang sa pera. Iyon lang." anito. Talaga lang ha? Hindi siya naniniwala sa sinasabi ng pinsan niya. Alam niyang nagsisinungaling ito. "Really?" tumango ito. "Look at me." utos niya. Tumingin ito sa mata niya pero, agad din tumingin sa ibang direction. "I know you, so, sabihin mo sa akin kung ano pa ang sinabi mo sa mga iyon!" sigaw niya. Hindi na niya makontrol ang sarili niya. "S-sinabi  ko do'n na i-isa  kang dancer sa club. Na feeling inosente  ka lang pero, ang totoo ay sumasayaw  ka sa club. Ganoon ang sinabi ko." Parang lahat ng dugo niya umakyat sa ulo niya. Hindi niya napigilan  ang sarili niya. Sinampal niya ng malakas ang pinsan niya. "You know what? Dahil sa ginawa mo. Mabubulok ka sa kulungang ito at hindi ka na makakakalabas pa!" sigaw niya sabay tayo. She needs to released her anger now! Agad naman na humarang sina Harold at Edzel sa harap ni Elaiza para hindi niya masaktan ulit ang pinsan nito. Sa lahat kasi ng pwedeng isira  sa kaniya ay ang pagiging dancer sa club. Kahit kailan hindi iyon pumasok sa kokote ng dalaga. Kahit gaano na kahirap ang buhay. Hindi iyon naisip nito. Sabi nga niya, kahit anong trabaho basta marangal. "We need to go now!" sigaw ni Harold sa kanila. Hawak na niya ngayon si Elaiza. Niyayakap niya ito galing sa likod. "Calm down!" bulong nito. Pinuwersa  ni Harold si Elaiza na lumabas ng visiting area. "Chief! Pakidala  na po siya sa selda." utos niya dito. Tumango agad ito, at dali-daling dinala ang pinsan ni Elaiza sa loob ng selda. Dahil napansin din kasi nito ang mukha ng dalaga na galit na galit na. Nang makalabas sila ng city jail ay agad na pinaharap  ni Harold si Elaiza sa pader upang doon suntukin. Doon ilabas  ang lahat ng galit sa katawan. Naaawa na siya sa best friend niya. Kung pwede lang sana na siya ang masaktan huwag lang ito. Umiiyak ito habang sinusuntok  at sinisipa ang pader. Ang ibang pulis naman na nakatingin sa dalaga ay may malungkot na mga mukha. Naawa na din sila dito. Sa sobrang bait nito, sinisira  na lang ng iba. "Ahhh!"  sigaw ni Elaiza sabay suntok at pagkatapos ay sipa. Tahimik lang si Harold habang nakatingin din ng malungkot sa pinsan. "Couz. Ilabas  mo lahat 'yan. Ilabas mo." anito. Dahil alam niyang iyon lang ang paraan para mawala ang galit nito na kinikimkim  sa loob. Mahirap na. Mabuti nga hindi pa tinatapos ng pinsan niya ang buhay niya. Dahil kapag humantong talaga sa bagay na iyon at kilala niya kung sino ang dahilan. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya. Ipanalangin  na lang na hindi mangyayari ang bagay na iniisip niya. Pero, he knows his cousin's to well. Hindi nito magagawa ang bagay na iniisip niya. Dahil may nanay pa ito at mas mahal nito ang ina nito higit sa kanino man. Ilang minuto ang lumipas ay nahimasmasan  na si Elaiza. Huminga siya ng malalim at agad na pinunasan ang luhang kanina pa umaagos  galing sa mata niya. Ang sakit! Ang sakit sa pakiramdam na may sumisira  sa pagkatao niya. Ang mas masakit, sarili niya pang pinsan at dahil lang ito sa inggit. Lintik na inggit! Walang napapala  na mabuti sa kapwa. Niyakap siya ulit ng pinsan niya. "Are you okay now?" tumango siya. Mabuti na lang at hindi siya nahimatay this time. Nang tingnan niya ang paligid ay nakatingin sa kaniya ang mga pulis na may malulungkot na mga mukha. Nang tingnan niya ang kamay niya ay may mga pasa na ito at galos pati na din dumudugo na naman ang mga sugat  niya kahapon at mukhang dumami  pa. Nanganak  yata ang sugat niya eh. Pero, ang mahalaga ay pader niya ito inilabas at hindi sa tao sa tulong na din ng mga pinsan at kaibigan niya. "Thank you, kuya." aniya habang yakap ito. "Anything for our only girl cousin." sagot naman nito sa kaniya. Ngumiti lang siya at kumaway sa mga pulis at nag-like sign sa mga ito. Isa-isa  naman na nagsialisan ang mga pulis at pumasok sa headquarters. "Group hug!" sigaw ni Caleb. Tsk. Panira ng moment itong lawyer niyang gwapo. Yeah. She admitted to herself na ang lawyer niya ay gwapo. Kaya nag-group  hug na lang silang apat. Nang matapos, sila sa group hug ay tinanong siya ni Harold. "So, anong gagawin mo ngayon?" Huminga siya ng malalim. "I will find that b***h tapos, mamayang hapon pupunta akong company." aniya. "Huwag mong sabihin na papasok ka do'n?" tanong nito sa kaniya. Ano ba ang gagawin niya? Alangan naman na maghintay siya sa labas ng building na dati ay pinagtatrabahuan niya lang tapos ngayon ay siya na ang may-ari ng kalahati ng kompanya. "Kuya, alangan naman na hindi ako papasok eh, kompanya ko din naman iyon ah." aniya rito. "Yeah. But, this is not the time for that. Kailangan mo rin ng pahinga. Look at yourself, you have bruises in your hands. Kamay ba yan ng babae?" tanong nito sa kaniya. Tiningnan naman niya sarili niya. Okay naman siya kaya lang marami nga siyang sugat sa kamay. Tsk. Kasalanan niya din naman kung bakit siya may sugat eh. Pero, she did that to release her anger but she very thankful that her cousin and her friends are there too. They save her from being violent to someone. Tsk. Sa lahat ba naman na pwede nilang sabihin eh. Iyon pa. Kaya pala galit sa kaniya si Shikaya. Galit na galit ito sa kaniya dahil sa pinagsasabi ng bruha niyang pinsan. "Let's go. Ang lagkit na ng feeling ko. I think I need to take a bath. Tapos, gagamotin ko pa sugat ko then, magpapahinga para mamayang one  ay makakapunta na ako sa company. Oh by the way Caleb," sabay lingon sa gwapo niyang lawyer.  "the job?" "Oo nga pala." sabay tingin nito sa cellphone nito. "May meeting ako with Shino Yamamoto this afternoon." sagot nito. "Good." sagot niya at nauna na maglakad. Kailangan na nilang mabili ang shares ng kompanya. Kahit konti lang, tapos, kapag nabili na nila. Magpapatawag  siya ng meeting together with the board of directors. Who's the next CEO?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD