Lumipas ang ilang araw, buwan at mga taon ay naging panatag ang mga buhay nila. Walang nagtangka sa mga buhay nila kaya nakapagfocus siya sa mga taong iyon sa trabaho niya at sa kaniyang kompaniya. Alam naman din niya na nasa maayos na lagay ang dalaga dahil nasa japan na ito kasama ang ina nito. Siya naman ay nandito lang sa opisina niya kaharap ang pinermahang papeles. Hindi na niya napigil ang sarili na bumili ng shares sa kompaniya ng mga Yamamoto. Alam na din naman ng kambal kaya lang sa ibang name nakapangalan at ibang tao din ang nagpapakita sa board meeting. Nagpa-imbistiga din siya , nalaman niyang may isang traydor sa board at sinabi niya ito sa ina ng dalaga kasama ang kapatid nito at ang mga ito na ang bahala. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay maayos na ang buhay ng babaeng maha

