Chapter 38

1046 Words

Hindi na hinangad ni Alken na makita muling umiyak si Priya. Dapat ay ganoon ang gawin niya, ang hintayin na makita itong nasasaktan. Pero sa halip na masaksihan ang pagkalugmok ni Priya ay mas pinili niyang umalis na kaagad bago pa siya makaramdam ng awa sa dalaga. Unti-unting napupunit ang puso niya at iyon ang dahilan kung bakit siya ngayon umiiwas. Sa tuwing lumalambot ang puso niya para kay Priya ay nakakaramdam siya ng pandidiri sa sarili dahil hindi niya iyon dapat na maramdaman. Dapat niya itong kasuklaman habang buhay at pahirapan kahit mabulag man ito o malumpo habang buhay. Habang nasa opisina si Alken ay ginugol niya ang buong oras niya sa pagtatrabaho buong linggo. Isang linggo pa ang nagdaan bago niya naisipan na umuwi sa mansyon. Wala na siyang ibang inatupag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD