Chapter 9

1284 Words
Simula ng aminin ni Alken Fortiche na siya ang asawa ng babaeng namatay sa kamay mismo ni Priya ay halos hindi na niya ito nakikita buong araw. Dapat ay magalit si Priya dahil wala naman siyang kasalanan pero sa halip ay inintindi niya ang nararamdaman ng binata dahil ito ang unang nawalan. Alam niya kung ano ang pakiramdam ng nawalan dahil siya rin ay nawalan. Gusto niyang magalit sa binata pero sa tuwing naririnig niya itong nawawala sa sarili dahil namimis niya ang asawa ay nakakaramdam siya ng awa at lungkot. Minsan ay hindi na niya namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya ng hindi niya namamalayan. At sa isip ni Alken ay siya ang may kasalanan ng lahat. Dahilan ng pagkakakulong niya ng maraming taon. Umuuwi lamang ito sa tuwing madaling araw na at lagi na lang itong lasing. Parang nanginginig ang buong mga kalamnan niya sa tuwing naririnig niya ang ingay ng sasakyan nitong papasok na sa gate. Alam niya kasi na magwawala na naman ito sa kwarto niya. Tatlong linggo na ang nakalipas at lagi siyang naiilang dahil hindi niya alam kung paano niya pakikitunguhan ang mga tao sa mansyon. Maliban kay Lena ay siya pa lang ang totoong nakakaalam sa totoong katauhan niya. Ang totoong pangalan niya at pagkatao niya. Wala siyang dapat na ikahiya sa pagkatao niya pero mas mabuti na rin itong naglilihim siya upang makaiwas sa gulo. Dati ay proud siyang magpakilala sa iba ngunit kabaliktaran naman ngayon. Natatakot na siyang banggitin ang pangalan niya sa kahit na kanino. Dahil wala ng nangyayaring mabuti sa buhay niya sa tuwing nagpapakilala siya sa pangalan niya. Ginawa siyang katulong sa mansyon at nagtataka siya dahil hindi man lang siya tinawag ni Lena kahit isang beses sa pangalan niya. Si Lena lang ang laging kumakausap sa kaniya at labis niya iyong pinapasalamatan dahil nararamdaman niya na hindi siya nito hinuhusgahan gaya ng iba. Napakalaki ng mansyon ni Alken Fortiche at kung wala lang si Priya sa ganitong sitwasyon at kalagayan ay baka hindi na niya maalis sa mga labi niya ang maganda niyang mga ngiti. Ang mga ngiti niya ay nakakabighani lalo n asa tuwing may nakikita siyang magandang tanawin. At bawat mga katulong ay may tig-iisang mga kwarto na kasing laki rin ng kwarto ng inuupahan niya noon. Hindi alam ni Priya kung ano ang dahilan at silbi niya kung nandito siya sa puder ni Alken Fortiche. Ang akala ni Priya ay matinding pagpapahirap ang mararanasan niya sa kamay ni Alken pero hindi niya natanggap kung ano man ang mga ito. Sa halip ay mas nakikita ni Priya na mas nahihirapan ang binata lalo na ngayong nandito siya. Nagwawala ito sa kwarto niya palagi ng walang tigil. Araw-araw ay may katulong na pumapasok sa silid niya at naglilinis ng kaniyang kalat. Ngayon ay hindi inaasahan ni Priya na nakasandal pala ang binata sa gilid ng kaniyang pinto. Narinig ni Priya ang kotse ni Alken at akala niya ay patay na ito sa kalasingan kaya hindi na nito magawang magwala sa kaniyang kwarto. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at hinakbang ang mga paa papalabas ng silid. Nauuhaw siya at nakalimutan niya na naubos na ang laman ng petsil niya. Pero laking gulat niya nang bigla na lang may gumalaw sa gilid niya. Para siyang naubusan ng boses dahil sa takot at ang puso niya ay hindi niya mapigilan ang sobrang kaba at parang tambol na sobrang lakas ng pintig. "Alken... ano'ng ginagawa mo rito?" natatakot na tanong ng dalaga sa binatang Fortiche. Sa mga oras na ito ay hindi ito masyadong lasing gaya ng inaakala niya. Hindi niya narinig ang sagot nito at tiningnan lamang siya ng masama. Ang isang pares ng kaniyang mga mata ay hindi magawang sukatin kung gaano ito kalalim ang emosyon ng binata. Walang emosyon na pinapakita pero nararamdaman niya pa rin ang takot. Natatakot siya na baka ano mang sandali ay saktan siya nito ng pisikal. Hindi pa tuluyang gumagaling ang mga sugat na natamo niya sa kulungan.arami pa siyang mga sugat at pasa sa katawan. Kahit pagod na pagod siya at walang masyadong alam sa gawaing bahay ay kumikilos pa rin siya dahil ayaw niyang pag-initan siya ng mayordoma. "Matutulog na po ako," mabilis na paalam ni Priya sa binata at hindi na ito nag-abalang hintayin pa ang sagot ng binata. Umatras siya nang hakbang at isasara na sana ang pinto nang bigla na lang nitong pinigilan. Nanlaki ng konti ang mga mata niya sa takot at mabuti na lamang dahil madilim ang paligid dahil nakapatay na ang mga ilaw sa maid's quarter. "May tanong ka pa 'di ba? Ano ba ang ginagawa ko rito?" aniya at ibinalik lang ang tanong niya sa dalaga. Hindi siya makakibo dahil parang may kumagat na langgam sa mga labi niya ngayon. "Tinatanong mo ako kung ano ang ginagawa ko rito?" ulit nitong tanong. Parang batang tinatakot si Priya dahil bigla na lang siyang nakaramdam ng hapdi sa kaniyang ilong at mga mata. Parang batang gustong umiyak at gustong makahanap ng kakampi na maaaring makatulong sa kaniya. Ang lapit lang nila sa isa't isa at naaamoy ni Priya ang alcohol sa katawan ni Alken Fortiche. Ang mga mata nito ay sobrang nagdurusa at pakiramdam ni Priya ay parang siya itong hindi makahinga. His eyes were cold as ice and she couldn't look at it for long because she felt like she would get burned. Nang makabalik siya sa kaniyang diwa ay hinatak niya ang kamay niya pero ayaw siya nitong bitawan. "Alken, lasing ka. Kung gusto mo akong kausapin sa paratang mo sa akin saka na lang kapag nahimasmasan ka na," lakas loob niyang sabi kahit na nanginginig na ang kaniyang boses. "I'm the only one who can decide for myself if I'm going to sleep or not!" matigas niyang wika at wala siyang pakialam kahit may makarinig man sa kaniyang mga katulong. Ang laki ng boses niya kaya nag-e-echo ang boses niya sa buong mansyon. "Alken, marami ng natutulog. Naiisturbo mo sila," pagdadahilan niya upang hayaan na siya ng binata. "Baka nakakalimutan mo? I am the boss here!" may diin nitong sabi at pinapaalala kay Priya kung sino siya. Tumango si Priya ng malungkot at sumang-ayon sa sinabi ni Alken Fortiche. Tama naman ito. Siya ang boss sa mansyong ito at kahit sa buong Fortiche City kaya walang sino man ang papalag sa gusto niyang gawin. Akmang papasok si Alken sa loob ng silid ni Priya pero maagap niyang pinigilan ito. Naging alerto ang utak ni Priya para mapigilan si Alken. Hinarang niya ang dalawa niyang kamay para pigilan ang binata pero iwinaksi lang ito ni Alken. "Hindi! Hindi ka pwedeng pumasok sa loob!" pagmamatigas ni Priya sa binata pero ginawa pa rin nito ang gusto niyang gawin. "Alken, ano ba ang gusto mo?!" Sigaw niya nang malakas at nawalan na ng respeto sa binatang Fortiche dahil nagpupumilit nitong makapasok sa loob ng kwarto na dapat ay para sa lang kaniya. Nawalan na ng pakialam si Priya kung may makarinig man sa kaniya. Nawalan na rin siya ng pakialam kung ano ang gawin sa kaniya ni Alken. Nawala na sa isip niya na pwede siya nitong saktan. Dahil sa mga oras na iyon ay mas nakatuon ang atensyon niya sa galit na nararamdaman niya sa binata. Dahil kahit isang beses ay wala pang kahit na sino'ng lalaki ang nang bastos sa kaniya ng ganito sa buong buhay niya. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay dahil sa galit at hindi iyon nakatakas sa paningin ni Alken. Wala siyang kaalam-alam na nagbubunyi si Alken sa tuwing nakikita niyang galit ang dalaga. Sa tuwing ganito ang inaakto nito ay mas lalo lamang siyang nagkakainteres na galitin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD