Chapter 66

1043 Words

Kinabukasan, ay hindi alam ni Priya kung paano niya pakikitunguhan si Alken. Kanina pa siya gising at kung tutuusin ay hindi yata umabot sa dalawang oras ang tulog niya sa buong gabi. Nakakatulog lamang siya saglit at pagkatapos ay magigising na naman. Nahihiya siya sa ginawa niya kagabi dahil para siyang timang. Iyon na yata ang pinakatangang ginawa niya sa buong buhay niya. Ang umaktong parang walang katinuan sa harap ng binata. Nanghihina pa rin ang mga tuhod niya hanggang ngayon at puyat na puyat dahil sa nararamdaman na hiya. Alam niyang dahil ito sa matinding stress kaya hindi siya makatulog nang tuloy-tuloy. Noon pa man ay ganito na talaga siya. Kahit noong siya ay estudyante pa lang. Sa tuwing naiisip niya ang nangyari kagabi ay parang gusto niyang magpalimbag-lim

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD