PART 2- 32- New POV HABANG nakatitig ako sa bintana ng apat na sulok ng silid na ‘yon ay hindi ko maiwasang mapabuntonghininga. Nitong mga nakaraang araw ay palagi ko siyang naalala. Kailan nga ba kami unang nagkakilala? Bakit kailangang tuwing naalala ko siya ay kasunod ang mga masasakit na pangyayari sa aking buhay? “May sumusunod sa’kin. Magpapunta ka ng security. Ano? s**t! Sabi mo laging may nakabantay sa’kin? Bakit ngayon wala?” “Hey, give me your wallet and your phone.” Naibaba ko ang tawag nang may tumulak sa ‘kin papunta sa nakakubling parte ng Train station. Kabisado ko ang lugar na ‘yon at alam kong mapanganib kung sakaling mapuruhan ako. Naiisip ko pa lang kung paano ang pamangkin ko kapag namatay ako ay nanginginig na ‘ko sa takot. Nakakubli ka

