8 years old palang si leah nuon ay ulila na ito, Iniwan kasi siya ng nanay niya sa gilid ng simbahan. Kaya Naranasan na niya ang mag pa laboy laboy sa daan. . natuto siyang mamasura para lang mag ka pera.. kisa namn na sumama siya sa ibang mga bata na mag nakaw nalang para may makain sa pang araw araw..
Lumipas ang 2 taon at duon parin siya sa gilid ng simbahan.. dahil sa kabutihan niyang taglay ay may mga tao namn tinulungan siya paano mag hanap buhay at maka pasok sa school, Sayang nmn kasi dahil masipag na, matalino at magandang bata pa itong si leah..
araw ng linggo bago pa mag umpisa ang Mesa ay andun na si leah para mag dasal .. nag papasalamat ito sa pang araw araw na blessings lalo na sa mga taong tumulong sa kanya.. kahit di niya kaano ano ang mga ito.
ay may malasakit ito sa kanya. Hanggang nag sidatingan na ang maraming tao.. at lumabas na siya, Bitbit ang paninda niyang sampaguita. Bago pamn siya tuluyang
maka labas at nag alay siya ng bulaklak sa Emahe ni Mama mary at Emahe ni Jesus.
Nung naka labas na siya ay andun siya nag punta sa maraming tao para ialok ang paninda niya.ang sampaguita, nang nay namataan siyang isang Ginang na pababa palang ng sasakyan tanysha niya mayaman ito. at May biglang tumakbong lalaki papunta sa direction ng Ginang at hinablot bigla bigla ang bag ng Ginang bago tumakbo. alam niya ang pasikot sikot ng lugar ng simbahan at alam niya talaga na maraming mag nanakaw Dahil narin sa kahirapan..
"Habang sumigaw ang Ginang dahil hinablot ang bag niya.. tumakbo si Leah papunta duon para habulin ang lalaki.. nang makarating siya sa harap ng Ginang ay iniwan niya muna ang paninda niyang bulaklak para habulin ang lalaking magnanakaw at sabay sabing wag kayong mag alala hahabulin ko ang lalaking yun at ibalik sa inyo ang kinuha niyang bag ..
napa tulala namn ang babae sa kanya.. paano ba namn kaliit liit na bata ay alisto at matapang ito.
Dahil laking kalye itong si Leah ay alam na niya ang daan pasikot sikot bawat kanto kaya mabilis lang niya itong naabutan.
nang malapit na si leah sa lalaki ay binato niya ng sapatos na suot suot niya sa ulo ng lalaki ..
"pok" ayun sapol sambit ni leah sa sarili.
dahil sa gulat ng lalaki ay di niya namalayan naabutan na siya ni leah. dahil matangkad ang lalaki.. tumakbo si leah sabay talon sa ere para sipain ang lalaki sa may likuran..
"Ahhhhh" daing nang lalaki kasabay nun ay ang pag tumba niya sa lupa.
nabitawan ng lalaki ang kinuha niyang bag.. kaya dali dali namn pinihit ni leah ang kaMay nito bago pa ito maka tayo.. kilala niya ang lalaking ito.. isa itong drug user.. at dahil sa droga kailangan itong mag nakaw para may pambili lamang ng drugs.
maya maya ay may mga polis na dumating at hinuli agad ang lalaki..
"bata nakita namin yung ginawa mo aah napaka husay.. sambit ng isang mamang polis."
"aah di namn po sabay kamot sa ulo ni leah. "
"Salamat bata aah malaking tulong ang ginawa mo, matagal na namin pinag hahanap ang suspect na ito. .. Saad ng isang polis na matipuno ang pangangatawan.
simula nun ay pangarap na ni leah ang maging isang mahusay na polis, kaso dahil sa nasa kalye lang siya nakatira kaya parang malabo ata mangyari yun..
ilang taon kana?? gusto mo bang maging isang polis na kagaya namin?? sino nag turo sayo para maging mahusay na mangarati? sunod sunod natanong ng matipunong lalaki..
isa isang sinagot ni leah ang mga tanong.. at namangha ito sa kanya pero kasabay nun ay awa at lungkot..
dahil wala naring pamilya si leah naisipan ng matipunong polis na kupkupin si leah. At dahil narin sa tuwa pumayag ito na sumama sa polis.. sumakay sila sa patrol car at binigay ni leah ang bag sa may ari. Dahil sa tuwa at pasasalamat
binili lahat ng Ginang ang mga bulaklak at may binigay din itong pabuya..
pero dahil mabait itong si leah di niya tinanggap ito..
"Thank you sa pag balik ng bag sa mama ko. " sabi ng batang lalaki katabi ng Ginang ..
ako pala si Dexter pormal na sabi ng batang lalaki.. at siya naman si mommy Lucy.
"wala yun" Hiyang sambit ni Leah.
ako pala si Leah. dagdag niya pa.
mahalaga kasi ang laman ng bag nayun .. mga importanting papeles nilang mag ina. kaya ganun nalang ang pasasalamat ng Ginang kay Leah.
niyaya ng Ginang ng lunch ang mga polis pati narin si leah.. pasasalamat niya dito sa mga tao.. isang restaurant na pag aari ng family business ng mag ina.
ayaw namn sana ng mga polis pero wala na silang magawa.. habang nag uusap ang mga polis at si mrs. Lucy naging magkakaibigan namn ang dalawa na sina Dexter at Leah.
natapos ang lunch nila nag paalam nmn ang mga polis at sabay pasasalamat dito sa libreng masarap na pagkain.
bigla tuloy nalungkot si Dexter. ngayun lang kasi siya nakahanap ng isang kaibigan .. di niya alam sa sarili at subrang gaan ang loob niya kay leah..
Mommy pwede ba isama muna natin si leah sa atin??? makaawa ni Dexter,
"anak may mahalaga pa tayong puntahan eeh
bukas ipapahatid natin si Leah sa bahay para may kalaro ka..
at bigla nalng sumilay ang ngiti sa labi ni Dexter, at sabay talon
talaga po??? di maka paniwalang tanong ni Dexter sa mommy niya
"oo namn .. sagot ng mommy niya.
pero tanungin muna natin si Leah..
dipa mn siya natanong aysinagot niya na agad ito na yes namn po.. Gusto ko rin makalaro si Dexter.. ang bait kasi sa akin.. sabi ni leah.
kinausap nmn ng Ginang ang polis na nais mag kopkop kay leah at tinuro ang adress nila..
bago pa maka alis ang mga polis kasama si Leah at biglang sambit ni Dexter. punta ka bukas ha?? pag luluto tayo ni mommy ng cake..
napalaki nmn ang mata ni Leah dahil favourite niya Yun lalo na pag chocolate..
ta-talaga po ?? totoo po ba sinabi ni Dexter tita na gawan niyo kami ng cake..?? di maka paniwalang sambit ni leah sa Ginang..
"oo namn basta pumunta kalang bukas aah. sabay ngiti nito kay leah
.sabay kaway kaway ng mga kaMay ay umalis na ng tuluyan ang sinasakyang patrol car.