KABANATA VIII – “TATTOO” *TWO MONTHS EARLY* “LALAPITAN ko po siya. Sasama po ako sa kaniya. Ilalagay ko po ito sa baso para inumin niyo. Kung hindi niya iinumin. Kailangan ko po gumawa ng paraan para mainom niya ito. Kapag nakatulog na siya. Papasok ka na sa kwarto at lalabas na po ako.” Sabi ni Lorenzo. Pinaulit ko lang talaga sa bata ang gagawin niya sa oras na makita na namin si Mr. Baros na mahilig sa mga batang kagaya ng batang kasama ko ngayon. “Alam mo ba kung bakit natin ito gagawin?” “Dahil masamang tao po si Mr. Baros at dahil utos po ni boss.” “Tama. Pero meron pang isang dahilan talaga. Ang lalaking iyon ang posibleng kumuha sa kapatid ko noon.” Huminga muna ako ng malalim. Hindi ko inaalis ang mga palad ko sa manubela. Papunta na kaming dalawa ngayon sa bayan ng D

