KABANATA XXXIV – “BARUMBADO” ISA sa mga napapansin ko ngayon sa asawa ko ay ang pagiging seryoso niya. Ngumiti man siya parang napilitan lang, tumawa man siya dahil kailangan lang. Hindi siya game sa mga biruan---siguro dahil sa nangyari sa kaniya. Hindi ko na rin siya masisisi talaga kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon niya ng makita niya ako kanina---hindi man niya sabihin, malaki pa rin ang takot na nararamdaman niya, alerto pa rin siya sa paligid niya, inoobserbahan niya ang mga taong nakapaligid sa kaniya. Hindi siya tiwala sa sinasabi niyang truce ng mga Sindikato… hindi siya naniniwala sa sinabi niya sa aking; wala ng Sindikato. Malaya na kaming dalawa. Napilit niya akong sumama rito sa loob ng simbahan. Hindi naman siguro ako masusunog dahil kasama ko siya---habang n

