GEMSTONE 15 Hindi pa ito at chapters onwards narerevise kaya medyo iba sorry po Third Person's POV Nauna nang pumasok sila Dionne, Sandy, Ice, Ace at Regina sa bahay na sinasabi ni Ice kung saan daw nakatira ang kapatid na si Angel o ang missing Royal Color. Sumunod naman si Felix pero nanatili si Paul sa labas at umupo sa malaking bato sa 'di kalayuan. Mangha ang lahat ng nasa loob nang makapasok sila doon. May kaliitan ang bahay gawa sa kahoy at bato ang ibang parte nito pero maayos ang loob. Yung mga gamit gawa sa inukit na kahoy at bato, ''Gabi na ah, nasaan na 'yon si Angel?'' tanong ni Felix kay Ice Umupo muna sila sa mga upuan sa loob ng bahay, at napiling magpahinga muna saglit saka hintayin si Angel na baka sakaling umalis lamang ito ng sandali at babalik rin kaagad, ''Madi

