Red: "Sorry, hon," usal niya sa natutulog na asawa. "May gusto lang akong patunayan sa sarili ko," bulong ng utak niya, pagkatapos hinalikan ito sa noo. "Sana mapatawad mo ako." Kahit madilim pa ang paligid mabilis siyang sumakay sa sasakyan nito, natigilan siya sandali nang maisip ang asawa. Napabuntong-hininga siya at naisip na kunin ang cellphone at tinawagan niya ang kaibigang si Clyde. "Hey, bro! I need your help again," ani niya rito. "What is it bro? Ang aga naman?" tingin niya sa orasan sa side table niya. " It's 3:00 am pa lang, may nangyari ba?" "Wala na naman, may hihingin lang sana akong favor." "Ano 'yun?" "Pwede mo bang sunduin si Dhea dito sa resthouse mamaya?" "Why bro?" takang tanong nito. " Akala ko ba mag stay muna kayo diyan for your honeymoon?" "May aayusin la

