Beautiful in white music background. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko sa kantang beautiful in white habang naglalakad ako sa gitna ng red carpet patungo sa harap ng lalaking naghihintay sa akin sa harap ng altar. Ang lalaking makakasama ko sa hirap at ginhawa at ang lalaking nagturo sa'king magmahal. Habang papalapit nang papalapit ako sa kanya saka ko lang napagtanto ang mga luha sa mga mata nito kaya hindi ko na rin napigilan ang mapaluhang kanina pa na ngingilid sa'king mga mata. Inabot nito ang kamay ko at yinakap ako nang mahigpit. Pagkatapos naglakad kami palapit sa pari habang nakakawit ang mga kamay ko sa matitigas nitong mga braso. *** "Ikaw lalaki, tinatanggap mo bang maging kabiyak itong si babae sa hirap at ginhawa?" tanong ng pare kay Red. "Opo father," mabi

