Chapter 8
Nakatingin ako sa isang malaking salamin,habang pinagmamasdan ang aking kabuoan.Nakasuot ako ng isang red off shoulder long evening gown na may mahabang slit hanggang hita.Habang ang aking mahabang buhok na naka style ng brush up diretso paibaba sa aking likuran.Dahil sa inispray ritoy para akong bagong ligo na katatapos lang magsuklay.Smokey eyes ang Ayos ng aking eye-shadow na binagayan ng red lipstick.Parang ang seductive Kong pag masdan base sa reflection ko sa salamin.
"You look stunning ma'am " .Masiglang pagcomplement ng baklang nag Ayos sa akin.
"Maraming salamat Ms.V." Sambit ko rito na may ngiti sa mga labi.Ms. V ang gusto nyang itawag sa kanya."V" stand for Venus.
"Dapat maging Fierce ka Habang bumababa para mas Mukhang seductive, ganito oh gayahin mo ko..." Turan nito Habang tinuturuan ako nito sa aking grand entrance.
"Puro ka kalokohan Ms. V baka isipin nilang suplada ako nyan." Natatawang Sambit ko rito.
"Naku Mia hindi basta basta ang makakasalamuha mo sa ibaba,Maraming plastik kaya't huwag mong ipapakitang mahina ka. Chin up girl" . Pangaral nito sa akin.
"Ganoon ba Ms. V". Hindi siguradong Sambit ko.
" Basta ito lang masasabi ko saiyo wag mong hayaang mabasa kanila..Maging matapang ka dahil kapag namuhay ka sa altasosyal hindi pwede ang mahina, okay" Pagpapalakas nito ng aking loob. Kahit hindi pa ako nakakapagkwento ritoy nababasa nya kung saan ang pinagmulan ko.Tama sya I need to Fierce in any way.
Naputol lamang ang aming paguusap ng marinig namin ang pagtawag ng isa sa staff ng organizer.Kaagad ko naman itong pinagbuksan.
"Ma'am , you need to be ready in 5 minutes". Pagpapaliwanag nito sa akin.Hudyat na Ito ng pagbaba ko sa mahabang staircase.Sana lang talaga 'hindi ako kabahan at matapilok kundi basag ang mukha ko.Ano ba ito naprepressure na ako Agad.Sobra na itong kaba ko 'di ko ata kaya.
Hinawakan ni Ms. V ang kamay kong sinlamig na ng yelo.
" Kaya mo yan Mia, basta chin up and fierce look..Be confident ikaw ang star Ngayong gabi.You can do this!". Sambit nito sa akin.
Tumango naman ako biglang lumakas ang loob ko sa mga sinabi ni Ms.V. Yes Mia you can do this!
Nang marinig ko na ang pagtawag ng Mc mula sa ibaba ay hudyat na sa aking pagbaba.
"Go!" Tanging nasambit ni Ms.V
"Thank you" I mouthed.
Dahan dahan akong bumaba sa napakahabang hagdan dala ko ang nakaka- intimidate na tingin.Lahat ay laglag panga sa aking grand entrance.Ewan ko kung may paghanga ang Iba Sa kanila, dahil lahat sila ay tulala.Parang nag stop ang buong paligid ko. Hanggang makarating ako sa Ibaba na maayos at walang Bali ng buto gosh achievement ko yun!.
Kaagad akong dinaluhan ni Daddy at inangkla ang kanyang braso.Si mommy na may di maawat ang pagtulo ng luha.Tears of joy.
"Once again The Heiress of Alcantara and birthday celebrant Ms.Mia". Masiglang pag anunsyo ng Mc ng maakyat ako sa stage.Sinalubong ako ng masigabong palakpakan.
" Thank you very much to all of you,For coming this event of my life.Dad and Mom thank you for everything. And also to my sister Rosette thank you.I don't wanna drama, so please enjoy the night." Sambit ko sabay baba sa stage.Agad akong sinalubong ni Daddy at mommy ng mahigpit na yakap at pagbati.
Isa isa akong pinakilala ni Dad sa mga kasosyo nya, maging Sa mga anak nito,na Panay ang halik sa aking kamay.Nang matapos ay nagpasya mo na akong umupo sa aking designated table.Ganito pala ang mayayaman puro business ang pinaguusapan o kaya mga kasuotan,plastikan dito,plastikan doon.Napapitlag ako sa baritonong boses ng isang lalaking naglahad sa akin ng kamay nito upang makasayaw ako.
"Can I dance to the birthday celebrant". Pag aya nito.
Utomatikong napaangat ako ng tingin rito.Napatitig ako sa mala dagat nitong mga mata.Hinihipnotismo ako nito at kusa akong tumatayo.Ang matangos nitong ilong at mga labi nitong mamula mula kaysarap pangigilan.Malapad nitong balikat na kaysarap yakapin.Sh*t Goddess ba ito na bumababa dito sa lupa.Ang bilis ng t***k ng puso.Habang hawak nito ang aking kamay na dindaluyan ng bolta boltaheng kuryente.Mga laman loob kong nagkakagulo na dahil may mga paru parung nagliliparan rito.Ano ba itong nararamdaman ko para akong lalagnatin sa titig ng lalaking ito.Hindi ko namalayang nasa gitna na pala kami at sumasayaw.Ganoon naba Ako kamanhid dahil nawawala na Ako sa aking sarili.Pati buong paligid ay Biglang huminto parang kami lang dalawa Ang tao rito.Parang ako si Cinderella na isinasayaw ng kanyang prinsipe .Nabalik lang ako sa sa reyalidad ng bumulong ito sa aking tenga.Ang mainit nitong hininga na dumadaloy sa aking kaibuturan.Heto na naman ako.
" Stop biting your lips Mia, I cant help it". Turan nito na ikinapitlag ko.
"Sorry". Sambit ko.
Sorry lang nasambit ko sa Lahat ng sinabi nito.Ano kaba Mia nawawala ka na talaga sa sarili mo. Tuya ko sa aking sa aking sarili.
" Before anything else, I'm Dwight Philip Santillan". Pagpapakilala nito sa akin.
"Mia Alcantara,I know you heard my name earlier, but I want to introduce myself to you as respect." Sambit ko rito.
Tumango naman ito at nag pa tuloy kami sa pagsasayaw hanggat magyaya akong bumalik na sa kinauupuan .Agad naman akong hinatid nito at ipinaghila pa ng upuan.Nakapa gentleman naman nito.Makalipas ang ilang minuto ay may nagyaya ulit sa akin para magsayaw.Wala akong magawa kundi ang tumayo at makipagsayaw pa.
"You look gorgeous to night Mia" Sambit nito na may ngiti sa mga labi.May malalim itong dimples,na lalong nagpapagwapo rito.Ito siguro ang asset nya.
"Thank you" I mouthed.
"By the way I'm Asher Grey Montejo".Pagpapakilala nito sa akin.
" You heard my name a while ago right?" Pagkumpirma ko rito.Tumango naman ito.
Bakit kay Dwight ang sipag kong magpakilala samantalang sa Iba parang tamad na ako. Anong meron sa lalaking iyon.Napatingin ako bigla sa paligid ko ng magtama ang aming mga mata.May bahid ng galit ito.Parang gumawa ako ng kasalanan na ikinagagalit nito, base sa titig nito sa akin.I was confuse really confuse.
Niyaya ko na si Asher na umupo dahil Ramdam ko na ang pananakit ng aking mga talampakan.Kaagad naman itong tumalima.Napatingin parin ako sa mga nagsasayaw,naroon parin si Dwight kasayaw si Ate Rosette 'di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa loob ko.Naiinis Ako na ewan,Habang nakikita ko silang sumasayaw.Sa sobrang inis ko ay nagpaalam na ako kila mommy para pumanhik na sa aking kwarto.Pumayag naman si mommy tutal ay patapos narin naman ang party sila nalang raw ang bahala.Pagkapasok ko sa aking silid ay pabagsak kong hiniga ang aking katawan sa malambot na kama.Nang bumibigat na ang aking mga talukap ay napagpasyahan kong maglinis mo na ng katawan bago matulog.At nang matapos na ako'y kaagad na akong humiga at mabilis na dinalaw ng antok.