CHAPTER 4

1106 Words
"Miss hindi na po ako makakapasok. Hanggang dito nalang po" Napatingin ako sa labas. My gosh , I can't believe this napadpad ako sa isang probinsya at mukhang farm pa ito. Good thing I am wearing my boots. Inabot ko kay manong driver ang bayad. Bumaba ako ng taxi "Oh my gosh ! What the !" Putek ! Putek ang natapakan ko ! What the hell !!! Galing pa naman ng Russia itong boots na to tapos nabinyagan ng putek ! RIP my beloved boots. Mariin akong napapikit. Okay... breath MD. Keep calm and stay Fab ! Huminga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad papasok. Dito ba nakatira si jacob dati , no wonder kung bakit siya umalis,  pero infairness ang sarap ng simoy ng hangin nakakarelax. Habang naglalakad ay may natanaw akong malaking bahay. Di naman mansyon pero malaki siya. Mukhang doon na nga nakatira si tito jack er 'tito' hmp. "Magandang gabi binibini" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang may magsalita. OMG OMG ! Sino yung nagsalita. Naeengkanto na ba ano? Kaya ayoko sa mga ganitong lugar eh. Baliktarin ko na ba ang damit ko? Ganun daw yun kapag naeengkato or mimumulto something baliktarin ang damit. "Saan ka paroroon binibini?" "S-sino ka?" "Nandito ako binibi!" Biglang may yumugyog sa hita ko kaya napatingin ako sa baba. "AAAHHH NUNO!" Naitulak ko yung maliit na nilalang. "Grabe naman yung nuno! Tao ako tao! PAG MALIIT NUNO AGAD?!" Dahan dahan akong lumapit sa kanya at sinundot sundot siya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mapagtantong tao nga siya. "Mccoy sino ba ang kausap mo diyan!" Sigaw ng isang matanda. "Lolo may binibini po rito !" Tumakbo yung nuno este si mccoy dun sa matanda. Lumapit sila sakin. "Magandang gabi binibini" "Magandang gabi po" "Anong maitutulong namin sayo? Naliligaw ka ba?" "Nako hindi po. Hinahanap ko po si ti-- Sir. Jack " muntikan na akong madulas dun ah sasabihin ko sana tito jack , hindi ko naman siya kamag anak buti naagapan ko. Hindi ko kasi alam last name eh , tito jack lang alam ko ! "Bakit may ipapakonsulta ka bang kaso? Nako hija pasensya na pero matagal ng tumigil si Jack sa pagdedetective kasi siya na ang namamahala sa mga Hospital ni Zoe tutal hindi pa naman kaya ni Jacob hawakan ito" Ano raw ? Zoe ? Hospital? May sariling Hospital sila Jacob? Aba't sabi na nga ba mayaman siya eh! "Nako hindi po. Kaibigan po ako ni Jacob , may importante po sana kaming pag uusapan ni Sir Jack" Okay , kailan pa kami naging magkaibigan ni Jacob? Baka kasi di niya ako papasukin kapag wala akong koneksyon or something. "Kaibigan ni Jacob? Nako tuloy ka hija. Sasamahan kita sa loob . Halika " Naglakad kami papasok , pinauwi na ni tatang si mccoy. Pagpasok namin sa loob halos mamangha ako kasi ang laki old fashioned siya na parang inupdate. "Halika hija doon tayo sa taas" Tumango ako at sumunod kay tatang. "Ang tagal tagal ng hindi bumibisita ni Jacob. Yung batang yun hindi ko na alam ang nangyari sa kanya" "Wag po kayong mag alala okay lang po siya" Okay nga ba?! Liar. Pero kesa naman sabihin ko mag alala po kayo kinidnap po siya. "Mabuti naman , nag aalala rin ako sa batang iyon eh" Tumigil kami sa harap ng isang kwarto. "Dito ang office ni Jack. Kumatok ka nalang" "Sige. Salamat po" Umalis na si tatang. Huminga naman ako ng malalim at saka kumatok. "Pasok" Pinihit ko ang doorknob at pumasok. Napatigil sa pagttype ang isang lalaking mukhang nasa 40's at tinignan ako. Tinanggal niya ang salamin niya at sumandal. "Sino ka?" Lumapit ako ng onti. "Good evening sir , I'm Mayday Larsson friend of jacob" Paninindigan ko na talagang magkaibigan kami ni Jacob. "Friend of jacob? What do you need Ms. Larsson?" "Wala po akong kailangan pero si Jacob meron. Nasa panganib po siya , may kumidnap sa kanya at sinabi niya sakin na sabihin ko raw po sainyo na itrack mo raw po siya" Napatayo siya sa sinabi ko. "Kailan pa siya nakidnap?!" "Kanina lang po" "Did you call the police?" Umiling ako. "Nope. He told me not to tell the police" Napahawak siya sa baba niya habang naglalakad. Mukhang malalim ang iniisip ni Mr. Jack. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sakin. Tumingin siya sa relo niya. "Galing ka pa bang laguna?" "Yes sir." "Is it okay kung dito ka nalang magstay its late already" Napatingin ako sa relo ko. Hala mag aalas dose na. Hindi kasi ako agad nakadiretso dito pumunta muna ako sa bahay para itago yung briefcase tsaka ako pumunta dito. Di ko naman kasi aakalain na sobrang tagal ng byahe. "Mukhang hindi kasi kita mahahatid dahil aasikasuhin ko ang sitwasyon ni jacob. Delikado naman mag commute" "Okay lang po. Bukas ng umaga nalang po ako aalis. Para narin po makibalita. Nag aalala rin po ako kay jacob eh." "Sigurado ka hija? Hindi ka ba papagalitan?" "Hindi po nag paalam po ako" Wala namang may alam na umalis ako eh. Wala rin namang mag aalala , di rin naman malalaman ni lolo kasi nasa business trip siya. Well lage. "Sige ipapaasikaso nalang kita sa maid namin." Kinuha niya ang phone at nagdial "Hello manang may guest po tayo ngayon paki assist po siya now na . Nasa office ko siya." Binaba niya ang telepono at pumunta sa may cabinet. "Maupo ka muna hija" Sa wakas pinaupo niya rin ako , nangangalay na ako kanina pa. May kinuha siyang laptop at umupo sa upuan niya, nang may kumatok kaya napalingon ako sa pintuan.  "Pasok" Pumasok ang isang matanda. "Ms. Larsson , sumama ka na muna kay manang. Sasabihan nalang kita kapag may update na" Tumayo ako . "Salamat po" Sumama ako kay manang palabas. Sana maligtas niya si Jacob. Jacob's POV "NASAN ANG MGA FILES !" Sigaw nung parang pinakaleader nila. "W-wala akong alam" Utal utal kong sabi at may mga dugo ng lumalabas sa bibig ko. Sobrang sakit na ng katawan ko kanina pa nila ako binubugbog. "Matigas ka talagang bata ka ah!" Muli niya akong sinutok , mabuti nalang at sa sikmura hindi sa mukha. Ayoko na madagdagan ang pasa at sugat ko sa mukha. Damn sobrang sakit parang pakiramdam ko makakalas na ang katawan ko. Lumapit sa kanya ang isang lalaki. "Teka baka mapatay mo siya. Kabilin bilinan ni boss wag siyang papatayin hangga't di nakukuha ang mga dokumento" Napakuyom siya ng kamay sa sinabi nung lalaki. Halatang gigil na gigil na ito sakin. "Ibigay mo na kasi yung mga files para hindi na nasasayang ang oras natin dito!" Sigaw niya. "Makulit ka rin , sinabing wala sakin" Dumura ako ng dugo , pumipikit na yung mga mata ko. Naaninag kong lumapit siya sakin at madiin na hinawakan ang mukha ko. "Tignan natin ang tapang mo kapag kinuryente na kita" Binitawan niya ako. "Tara na . Bukas na natin ulit bugbugin yan." Kusang pumikit ang mga mata ko sa pagod na nadarama ko. Masyado pang maaga para mamatay. Sa ngayon wala akong ibang magagawa kundi magtiwala kay Mayday. Suot ko parin naman ang singsing ko na may tracker kaya mattrack ako ni Tito Jack. Mayday , I Trust You. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD