Natigilan si Sarah nang tawagin siya ng kanyang pitong taong gulang na pamangkin. Nalingunan niyang umiiyak itong nakatingin sa kanya. Tumakbo agad ito papunta sa kanya at napayakap ito ng mahigpit sa kanya. " Athena, aalis na si Tita." Umiiyak din niyang wika rito. Ngunit mas lalong mahigpit pa itong yumakap sa kanya. "Huwag po tita, wala na nga po si Mommy at iiwan niyo po kami ni Luis? maawa po kayo sa amin ni Luis tita. huhu." Iyak ni Athena. Biglang nanghihina si Sarah dahil sa kanyang naramdamang pagkahabag sa kanyang mga pamangkin. Nagdesisyon siyang aalis ngunit di man lang niya iniisip ang mga ito. Nakalimutan niya palang may mga pamangkin siyang maiiwan at nalulungkot pag siya'y aalis. " Athena.." Aniyang naawa sa pamangkin dahil sa nakitang sunod-sunod na luha nito hab

