Chapter 19 HAPPY or SAD? *** Lumipas ang mga araw at linggo naging maayos naman ang naging pagsasama namin ni Red. Madalas nga lang siyang wala dahil sa pagtatrabaho naiintindihan ko naman iyon kaya walang problema doon. Alam ko marami pang mga pagsubok ang darating samin. Mga pagsubok na susukat sa pagmamahalan naming dalawa at sa mga pagsubok na iyon isa lang ang kakapitan ko iyon ay ang mga pangakong binitawan niya sakin. Ako lang ang nandito sa bahay ngayon dahil nga nasa trabaho ngayon si Red. Pinasok kasi siya ni Kuya sa company para daw hindi na siya malayo. Mas gusto ko rin iyon para maiwasan ko rin ang pag aalala para sa kaniya. Nandito ako ngayon sa kusina at nagluluto ako ng makakain ko. Sa kalagitnaan ng pagluluto ng biglang nag ring yung cellphone ko. Kaya naman agad

