Chapter 12 FOUND OUT *** Nakahiga lang ako dito sa bahay ng may biglang pumasok. Si Kuya pala yung pumasok, siya lang naman ang pumapasok na di kumakatok. "Congrats," tipid niyang sabi sa akin at may ibinigay siyang regalo sa akin. "Thanks Kuya." sabi ko at nakita kong relo iyon. Kilala niya talaga ako, dahil mahilig ako sa relo. "Extended ang stay nila sa Canada. You know, business thing. Kaya ito pera mo." nagulat ako ng bigyan ako ng 15K. "Tipidin mo na lang yan. Di natin alam kong kelan babalik yung mga yun." sabi niya pa. Alam na alam talaga ni kuya. "Papasok na ako sa trabaho, kahit ayaw ko kailangan. Damn. Sige na baby girl. I have to go. Bye!" bigla niya akong hinalikan sa noo na kinagulat ko. Tagal din niya kasing di ginagawa yun sa akin. Wala nanaman akong kasama dito sa bah

