CHAPTER 9 - Life as a Wife

1712 Words
Nakatulog si Ania. May naririnig siyang ingay sa sala. Lumabas siya dahan dahan sa kwarto. Naglakad siya papuntang kusina at sumilip sa may sala. Si Omar. Nanonood ng t.v. Hindi niya kailangan magpakita rito. Kaya babalik siya sa kwarto niya. Nakaramdam siya ng gutom. Napatingin siya sa orasan sa kusina. Mag-alas 7 na pala ng gabi. Nakaramdam siya ng gutom. Kaya dali-dali siyang kimuha ng pagkain sa kusina. May natira pang ulam na tinola kanina kaya iyon na lang ang kakainin niya. Tapos dinala niya sa loob ng kwarto niya. Habang kumakain ay napansin niyang nawala ang ingay sa sala. Napaisip siya baka umakyat na siguro si Omar sa silid nito. Tapos na siyang kumain. Napansin niyang wala pala siyang dalang tubig. Kaya sumilip muna siya ng pintuan. Tahimik. Saka siya lumabas. Dala ang platong pinagkainan niya. Napasilip siya sa sala. Walang tao. Kaya hinugasan na niya ang plato. Pagkatapos ay kumuha siya ng tubig sa ref. Nagdala na lang siya ng pitsil at baso sa kwarto niya. Kinaunagahan. Maagang nagising si Ania upang magluto. Alam niyang ayaw ni Omar na makita siya kapag nasa bahay ito, iyon ang isa sa mga mahigpit na patakaran ng lalaki. Kaya maaga siyang bumangon. Naalala niya ang sinabi ng Lolo Felipe niya gagampanan niya ang tungkulin bilang isang asawa, at iyon ang kanyang iingatan kahit ayaw man ng lalaking ito. Dahil naiintindihan naman niya kung bakit nagkakaganito ang lalaki. Ganun din naman siya. Kung wala sana siyang utang na loob kay Don Mariano. Mas maagi na rin siguro ang ganito. Tahimik siyang nagluto at nagligpit ng kalat sa sala. Nang marinig niya ang yabag sa ikalawang palapag, dali-dali niyang inilagay ang hinandang almusal sa lamesa para kay Omar. Nang marinig na ang yabag pababa ng hagdan, nagmadali siyang pumasok sa maid’s quarter upang magtago at hindi mapansin. Pumasok si Omar sa kusina. Nang makita niya ang nakahain na pagkain sa lamesa, bahagyang napatingin siya sa pintuan ng maid’s quarter—tila sinusuri kung may nakamasid sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandali, tumalikod siya at tahimik na naglakad papunta sa sala. May hinanap sa drawer ng cabinet. Pagbalik niya sa kusina, may dala na siyang ballpen at isang piraso ng papel. Nagsulat sa lamesa. Pinunit niya ito at ikiniskis ang sulat sa ibabaw ng magnet sa ref, at maayos na idinikit. Matapos idikit ang papel, umalis na si Omar. Nakabihis na rin kasi ito. Hindi man lang pinansin ang pagkain sa mesa. Narinig na lamang ni Ania ang kalabog ng gate at ang tunog ng umuugong na sasakyan—umalis na ang lalaki. Saka na lamang lumabas sa maid’s quarter si Ania. Napabuntong-hininga siya. Umupo siya sa lamesa. Tinitigan niya ang inihain niyang pagkain para sa asawa. Hindi man lang ito ginalaw. Napansin niya ang papel na nakadikit sa ref. Nilapitan niya ito at binasa: "Hey, clean my room, and wash my clothes. Iron the clothes I need to wear to work. I am not going home tonight." Tahimik siyang napabuntong-hininga. Tinanggal niya ang papel sa ref na nakadikit at nilamukos. Umupo na lang siya ulit sa lamesa at siya na lang ang kumain ng inihanda niya. Pagkatapos niyang kumain, maingat niyang niligpit ang mga plato at kubyertos. Tahimik ang buong bahay—tanging kaluskos ng tubig sa lababo ang maririnig habang hinuhugasan niya ang pinggan. Nang matapos, pinunasan niya ang mesa, saka huminga nang malalim. Umakyat siya sa itaas, mabagal ang bawat hakbang. Tinungo niya ang kwarto ni Omar. Pagdating sa tapat nito, dahan-dahan niyang iniikot ang doorknob at binuksan ng bahagya ang pinto. Sumilip muna siya. Madilim ang loob. Ang tanging liwanag ay ang maninipis na sinag ng araw na pilit sumisingaw sa pagitan ng dalawang kurtinang hindi nakasara nang maayos. May alikabok na lumulutang sa hangin, kumikislap sa sinag ng araw. Pagkatapos ng ilang segundo, pumasok na siya. Kinapa niya ang switch sa dingding at nang tumama ang ilaw— Napatingin siya sa kabuuan ng silid. Napameywang si Ania. Sobrang kalat. Mga damit na dapat nakasabit sa hanger ay nagsilagdlagan sa sahig. May mga bali na hanger na nakasabit pa sa cabinet, nakabaluktot na parang napigtas nang pilitin ilabas. Nakahagis ang necktie sa gilid ng kama, parang bandila na isinukbit kung saan-saan. Ang kumot ay kalahating nasa sahig, kalahatings nakatupi sa kama na hindi naayos. May dalawang unan na nasa paanan ng kama. Sa gilid, may mga papel na nakakalat sa maliit na mesa— May basong may natuyong marka ng kape, at isang bote ng pabango na nakatumba, halos mahulog na ito sa sahig. Sa isang sulok, nayupi ang paper bag na may mga bagong biling damit na hindi pa nabubuksan. At sa ibabaw nito, nakapatong ang isang medyas—isang pares lang, yung kabila nasa sahig. Napapikit si Ania sandali. Napapikit si Ania. Sa maikling iglap na iyon, parang dumaan sa isip niya ang buong bigat ng buhay na pinasok niya—isang buhay na may asawa sa lalaking hindi kailanman na kilalanin siya bilang asawa. “Ito na siguro ang buhay ko…” bulong niya sa sarili.“Kung hindi lang dahil kay Lolo Felipe… kung hindi dahil sa utang na loob…haiz!" Alam niyang wala siyang karapatang umangal. Alam naman niyang wala siyang pinangako pero gagawin niya. At gagawin niya iyon, kahit napahiya na siya at nasaktan dahil harap harapan naman siyang pinahiya ni Omar. Isa-isa niyang dinampot ang mga nakakalat na damit sa sahig. Isinaiisa ang bawat piraso—t-shirt, pantalon, medyas, boxer shorts na basta nalaglag kung saan. Isa-isa niyang inilagay sa laundry basket. Lumapit siya sa kama. Inayos niya ang mga kumot, ibinalik ang unan sa tamang pwesto, pinatag ang bawat tiklop. Pinulot niya ang necktie na nakasabit sa gilid at maingat itong tinupi. Nilagay niya rin sa lalagyan ang mga gamit sa mesa—ang mga papel, ballpen, at kung ano pang kalat na naiwan ng lalaki. Binuksan niya ang cabinet at inayos ang mga hanger na nagkabaluktot. Isa-isa niyang muling isinabit ang mga damit. Tiningnan niya ang pagkakasunod-sunod ng kulay—puti, itim, asul—para maging maayos tingnan. Pagkatapos, lumabas siya dala ang laundry basket at bumaba sa washing area. Ipinasok niya ang mga damit sa washing machine, naglagay ng detergent, at pinisil ang pindutan. Buti na lang kumpleto ng appliances ang loob ng bahay. Planado na lahat. Ang galing naman ni Don Mariano. Hindi na namuroblema si Omar. Paano pa kaya kung talagang babae niyang mahal ang pinakasalan nito. Yong babaeng si Kyla. Habang umiikot ang drum, pinuntahan niya ang kusina at inayos na rin ang natirang kalat doon. Habang umiikot pa ang mga damit sa washing machine, sinabay niya ang pagwawalis sa sala. Nagpunas ng mga alikabok sa mesa. Pinunasan ang mga surface. Pinulot ang mga nakaligtaang papel at itinapon. Sinuri niya ang hallway, binuga ang mahabang hininga, at nagsimulang mag-mop. Nang matapos mag-spin dry ang mga damit, isa-isa niyang sinampay ang mga ito sa patuyuan sa likod ng bahay. Maliit ang espasyo pero sapat para sa pang-araw-araw na labada. Hinawakan niya ang tela, sinuri kung may natitirang gusot o dumi. Nang matuyo, isa-isa niya itong kinuha. Inilatag sa ironing board at nagsimulang plantsahin. Inisa-isa niya ang polo shirts, slacks, at jacket na kailangan ni Omar para sa trabaho. Nang matapos, ibinalik niya ang mga ito sa cabinet, naka-ayos, naka-hanay. Luminga siya sa buong kwarto. Wala ng kalat. Tahimik at maaliwalas na ulit ang silid. Pero sa loob niya, may bigat —ang bigat ng katotohanang hindi man lang niya alam kung mapapansin ni Omar ang lahat ng ginawa niya. Pero alam niyang hindi. Dahil wala nga ito pakialam sa kaniya. Huminga siya nang malalim, pinahid ang butil ng pawis sa sentido, at lumabas ng kwarto. Tahimik. Sa isip niya…gagawin niya at gagampanan niya bilang asawa kahit na gusto ng lalaki na isa siyang invisible sa paningin nito....basta iyon ang mahalaga. Hindi nga umuwi si Omar nang gabing iyon. Kaya si Ania… mag-isa sa bahay. Mas maigi na nga ganito. Aniya. Pumasok na siya sa kwarto niya sa maid’s quarter after niyang kumain ng hapunan. Nahiga siya sa maliit na kama, nakatingin sa kisame. Tahimik ang buong bahay, halos nakabibingi. Kinuha niya ang cellphone niya. Saktong nag-ring ito. Bahagya pa itong nanginginig sa kamay niya nang bigla itong nag-ring. Si Lolo Felipe. Parang may kumurot sa puso ni Ania. Mabilis niyang pinindot ang sagot, halos nagmamadali. “L-lolo!” May bahagyang ngiti sa boses niya, isang araw pa lang nitang hindi nakikita ang lolo niya ay nalulungkot siya. “Ania, anak, kumusta ka diyan? Kumusta sa bagong bahay? Kumusta si Senyorito Omar? Ayos lang ba kayo?” Natigilan si Ania. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Sandaling nag-alinlangan ang dila niya, hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin o paano sisimulan. Huminga siya nang malalim. “Okay naman po, Lo… Tahimik lang.” Hindi siya nagsisinungaling, ngunit hindi rin niya sinasabi ang totoo. Tahimik nga—pero hindi iyon tahimik na masaya… kundi tahimik na parang wala siyang buhay doon. Tumango-tango pa siya kahit alam niyang hindi siya nakikita ng kanyang lolo. “E… kumusta naman ang pakikitungo ni Senyorito Omar sa ’yo? Ayos lang ba kayo ngayon na kayong dalawa lang diyan sa bahay?” tanong muli ng matanda, puno ng pag-aalala ang tono. Kumibot ang labi ni Ania, napatingin sa kisame, pilit nilulunok ang bigat ng realidad. “Okay lang po, Lo,” sagot niya, malamya pero pilit pinapaganda. “Hindi lang po siya masyadong nagsasalita. Siguro po… nabigla pa din sa kasal naming dalawa.” Narinig niya ang mahinang buntong-hininga ng kanyang lolo sa kabilang linya—hindi sigurado kung ginhawa ba iyon o pag-aalala pa rin. "Okay lang po ako rito, Lo,” dagdag ni Ania, mabilis, bago pa man ito makapagtanong ulit. Huwag po kayo mag-alala sa akin. Maayos naman po ako dito.” Hindi niya binanggit ang lungkot. Hindi niya binanggit ang gusto ni Omar. Hindi niya binanggit na parang multo ang turing sa kanya ni Omar. Pinili niyang itago ang lahat para hindi na mabahala ang matanda. “Salamat, anak… Basta kung may problema ka, sabihin mo lang sa ’kin ha? Huwag kang mahihiya,” sagot ni Lolo Felipe, mahina pero puno ng pag-aalala. Napapikit si Ania, kinuyom ang palad. “Opo, Lo… tatandaan ko po yong sinabi niyo po sa akin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD