Nanlaki ang mga mata ni Ania.
Si Omar. Dumating na ito—at nanlilisik ang mga mata, nakakunot ang noo.
Napatigil silang dalawa ni Jeffrey sa may gate. Unti-unting ibinaling ni Omar ang tingin kay Jeffrey, sinusuri ito mula ulo hanggang paa. Kumislot ang isang sulok ng kanyang labi—hindi maitago ang inis, ni hindi man lang sinubukang itago.
Napalunok si Jeffrey. “Ahm… good afternoon po, Sir.” Bahagya itong yumuko, hindi makatingin nang diretso kay Omar.
Tumaas ang isang kilay ni Omar bago siya bumaling kay Ania. “What are you doing outside?”
Nanatiling nakayuko si Ania. Alam niyang hindi siya dapat tumingin nang diretso kay Omar. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya.
Naabutan na naman siya nito sa labas—at kasama pa si Jeffrey. Malamang, galit na naman ito.
Lalo nang makita nitong ibinigay ni Jeffrey ang tatlong pulang rosas.
Galit si Omar, pero hindi niya ipinahalata.
Ano ba meron at nandito ang security guard na to at nakapustura?
Ano nga ba naman ang pakialam niya kay Ania? Oo, kasal sila—pero ayaw naman niya kay Ania, hindi ba? Bakit siya magagalit? Bakit siya maiinis kung may nanliligaw dito? Hindi ba dapat, wala siyang pakialam?
“Open the gate,” malamig na sabi ni Omar.
Tumango si Ania at mabilis na binuksan ang gate para makapasok ang kotse ni Omar.
Inilayo nito ang tingin sa kanila, para bang ayaw nang mapatagal pa ang eksena.
Bago pa man makabalik si Omar sa loob ng sasakyan, nagsalita si Jeffrey.
“Sir, pwede ko po bang yayain si Ania kumain sa labas?”
Lalong umigting ang panga ni Omar. Saglit lang siyang natigilan bago tumalikod. He is asking to take Ania out?
“I don’t care,” madiin at malamig niyang sagot. “She can do whatever she wants.”
Narinig iyon ni Ania—at kahit hindi siya tumingin, ramdam na ramdam niya ang bigat ng bawat salitang binitawan ni Omar. I don’t care. She can do whatever she wants.
Parang may kumurot sa dibdib niya.
Tahimik siyang tumabi para padaanin ang kotse. Dahan-dahang umandar iyon papasok ng bakuran.
Si Jeffrey naman ay naghintay muna hanggang sa makababa si Omar sa kotse at pumasok na sa loob ng bahay.
Saka ito lumapit kay Ania, hawak pa rin ang tatlong pulang rosas. “So… pwede ba, Ania?” mahinahon nitong tanong. “Kung okay lang kumain tayo sa labas? Kahit quick dinner lang.”
Bago pa man makasagot si Ania, bumukas ang pinto ng bahay.
Parang napako si Ania at Jeffrey.
Nakatingin si Omar sa kanila at sa gate. “Lock it after you’re done.”
Pagkatapos ay bumalik na ito ulit papasok ng bahay.
Naiwan si Ania na nakatulala, kumakabog pa rin ang dibdib. Parang may tinik na naiwan sa lalamunan niya sa bawat galaw ni Omar—galit, inis
Hindi niya maintindihan kung bakit naapektuhan siya. Hindi naman sila totoong mag-asawa. Hindi rin sila magkaibigan. Hindi nga sila magkausap sa bahay.
“Ania?” mahinahon na tawag ni Jeffrey. “Kung uncomfortable ka, okay lang. Hindi kita pipilitin.”
Umiling siya. “P-pasensiya ka na Jeffrey…”
Napatingin siya sa direksyon ng bahay. Sa pintong nagsara pagkatapos pumasok ni Omar.
Ngumiti si Jeffrey, bahagyang may lungkot. “Naiintindihan ko. Baka pagod lang ang amo mo."
Sa loob ng bahay, nakatayo si Omar sa tabi ng malaking bintana, hawak ang baso ng tubig pero hindi iniinom.
Pinagmamasdan niya ang dalawa sa labas.
Nakita niyang ngumiti si Jeffrey. Nakita rin niyang ngumiti si Ania nang bahagya.
At doon, kumislot ang kamay ni Omar, halos mabitawan ang baso.
Wala akong pakialam, bulong niya sa sarili.
Pero ang totoo?
Hindi niya alam kung galit siya kay Jeffrey…
o sa sarili niya.
Para saan?
Para sa selos na ayaw niyang aminin.
Para sa asawang hindi niya gusto… pero ayaw din niyang mapasakamay ng iba.
At sa labas, marahang tinanggap ni Ania ang rosas ni Jeffrey.
At doon… muling nag-init ang panga ni Omar.
Wala siyang pakialam.
Pero bakit parang mali lahat nang nakikita niya?
Umalis na si Jeffrey at dahan-dahang isinara ni Ania ang gate. Pagkasarado, napalalim siya ng hinga—pilit pinapakalma ang sarili. Hindi niya alam kung ano na naman ang sasabihin ni Omar pagpasok niya.
Pagbukas niya ng pinto, nadatnan niyang nakaupo si Omar sa sofa. Tahimik, seryoso, at abala sa pag-scroll sa cellphone niya. Walang anumang ekspresyon sa mukha.
Marahang isinara ni Ania ang pinto, halos walang tunog.
Pilit niyang iniwas ang tingin kay Omar.
“G-gusto mo bang kumain?” mahinang tanong niya. “May pagkain sa kusina…”
Hindi kumibo si Omar. Hindi man lang kumurap. Parang walang narinig.
Nakapako pa rin ang tingin nito sa cellphone, pero ramdam ni Ania ang malamig na presensiya ng lalaki.
Sumubok ulit si Ania, kahit nanginginig nang bahagya ang boses. “Kung may kailangan ka… sabihan mo lang ako.”
Wala pa ring sagot.
Kaya tumalikod siya, naglakad papunta sa kusina. Mabagal.
At nang tuluyan nang nakatalikod si Ania…
Saka tumigil si Omar sa pag-scroll.
Dahan-dahan nitong sinundan ng tingin ang bawat galaw ng babae.
Napamura si Omar sa sarili. Madiin.
“Damn it…”
Inilapag niya ang cellphone sa sofa, hindi na niya tinapos ang tinitingnan. Hindi rin niya alam kung ano bang kinaiinisan niya—
Hindi niya maintindihan.
Hindi niya gusto.
Pero hindi niya mapigilan.
At sa kusina, kumakabog naman ang dibdib ni Ania, ramdam ang bigat ng katahimikan. Inilapag ni Ania ang mga rosas sa lamesa at kumuha ng vase. Nilagyan niya ng tubig at ipinasok ang mga bulaklak sa vase. At ipinatong ito sa may lamesa sa gilid.
Pinagmasdan niya muna ito sandali saka pumasok sa maid’s quarter, marahang isinara ang pinto, at napasandal doon.
Malalim ang buntonghiningang lumabas sa kanya—parang lahat ng bigat na kinimkim niya mula kanina ay sabay-sabay bumagsak.
“Bakit ba naman kasi timing na pumunta pa si Jeffrey rito…” bulong niya sa sarili. “Si ate Rosana talaga… bakit pa sinabi na birthday ko?”
Napapikit siya.
“Simula ngayon… iiwasan ko na si Jeffrey,” mahinang desisyon niya. “Hindi naman kasi nila alam ang sitwasyon ko. Hindi nila alam na asawa ko si Omar.”
Oo, alam niyang hindi siya kinikilalang asawa ni Omar. Hindi niya iyon kinakalimutan kailanman. Pero ipinangako niya sa sarili—na gagampanan niya ang pagiging asawa hangga’t kaya niya, kahit hindi nito hinihingi, kahit hindi nito kinikilala.
Tahimik ang kwarto. Hanggang sa biglang may marinig siyang kaluskos.
May narinig siyang ingay sa labas. Mahinang tunog ng kutsara at tinidor na tumatama sa plato.
Napangiti si Ania.
Kumakain na siguro siya…
May kung anong init ang gumapang sa dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit. Hindi naman siya umaasa. Pero tuwing nauubos ni Omar ang hinahain niya… kahit hindi siya magpasalamat… kahit hindi siya kausapin… sapat na iyon para sa kanya.
Makalipas ang ilang sandali, narinig niya ang yabag na unti-unting lumalayo. Kaya dahan-dahan siyang sumilip sa pinto.
Wala nang tao sa kusina.
Maingat siyang lumabas, parang ayaw makagawa ng tunog. Lumapit siya sa hapag-kainan… at agad siyang napangiti. Wala ni katiting na tira.
Tahimik siyang nagligpit, parang may kung anong gaan sa dibdib. Pagkatapos, maingat niyang inilapag ang mga plato sa lababo at inayos ang mesa.
Nang matapos, bumalik na siya sa kwarto niya. Marahang isinara ang pinto, hawak ang pintuang tila kanina pa nagpapalakas ng loob sa kanya.
KINABUKASAN.
Dumating sa opisina ni Omar ang Lolo Mariano niya.
"Iho, kumusta ang birthday ni Ania kagabi? Did you take her out?" Umupo ang matanda sa sofa ng opisina ni Omar.
Napakunot ang noo niya habang nakatitig sa monitor ng laptop niya.
Birthday pala ng babaeng iyon kaya niyaya ng security guard kumain sa labas.
Napaigting na naman ang panga nito. Napaisip siya buti pa ang security guard na iyon alam ang birthday ng asawa niya.
Sumagot siya sa lolo niya. "Nope. She cooked "
Totoo naman. Nagluto naman ang babae. Pero hindi niya alam na birthday nito. He assume na iyon na ang hinanda ni Ania kagabi. Dahil kinain naman niya. At masarap. Naubos nga niya.
Napangiti ang lolo niya. "You lucky to have a wife like that. Marunong magluto. Maasikaso. Siya nga pala....next month I will be leaving. I am going to US. I have something to attend to. Ikaw na muna ang bahala rito. I trusted you." Tumayo na ang abwelo. Kinuha ang tungkod sa tabi ng sofa. At naglakad papunta sa pintuan.
Si Omar ay busy pa rin na nakatirig sa laptop niya. Nagsalita ito. "Hanggang kailan po kayo roon?"
"I think mga anim na buwan." Sagot ng matanda.
Saka lumabas na ang lolo niya.
Napabuntonghininga si Omar.