Nagulat si Kyla. Napatingin kay Omar. Nagsalita ito. "Babe, ....I am not ready for that."
Tumunog ulit ang cellphone ni Omar. Ang mama niya.
Tinulak siya ng bahagya ni Kyla, at naupo siya sa gilid ng kama.
“Babe, kausapin mo muna ang mama mo. Baka importante iyan,” sabi nito, may malambing at teasing na ngiti sa labi.
Bumalikwas si Kyla sa gilid ng kama at kinuha ang sigarilyo, sinindihan ito, at dahan-dahang binuga ang usok sa paligid.
Inabot naman ni Omar ang cellphone niya at sinagot ang tawag ng mama niya.
Tumikhim muna siya bago siya nagsalita.
"Ma."
"Hijo, I’ve been trying to reach you. Your grandfather is really upset. He wants you back in the Philippines—he can’t get in touch with you."
"He can’t reach me kasi I blocked all his contacts. So… what’s the problem?"
Napaupo din sa gilid ng kama si Omar.
Tumayo si Kyla at naglakad sa gawi ni Omar at umupo sa kandunga nito. Binugahan siya nito ng usok sa mukha. At napapikit si Omar. Ayaw niya ng amoy usok ng sigarilyo.
Kahit siya ay hindi naninigarilyo. Pumapayag lang naman siya dahil kay Kyla. Napahagikhik ng mahina si Kyla.
Narinig iyon ng mama ni Omar.
"Are you with Kyla?" Tanong nito.
"Yes, Ma."
"Hi, Tita, How are you?" Bati ni Kyla sa ina ni Omar.
Hindi na inopen ni Omar ang camera niya dahil makikita siya ng ina na hubo't hubad at nakakandong pa si Kyla sa kaniya.
"I am good, hija." Sagot ng mama ni Omar. "Anyway....." Bumaling ito sa anak. "....Hijo, your lolo arranged a marriage for you..."
Napakagat si Omar sa labi, dahil sa pagtataka at pagkabigla. “What? Marriage? No way, Ma!” galit niyang sagot, tutol sa balitang iyon.
"I’m not… I can’t just—Why would Lolo even think of arranging something like that? I have my own life, my own plans! Bakit ba nangingialam siya sa mga buhay natin!"
"Hijo, I know, I know… but your grandfather insists. He believes it’s the best...."
"Ma, I can’t just agree to something like that. Especially not without even meeting her… I… I don’t want this. Siya lang naman may gusto, bakit hindi niya na lang pakasalan kung sino mang babaeng iyon!"
"I understand, hijo, but please… think carefully. Your Lolo won’t take no for an answer easily." Paliwanag ng ina. "Isa pa kung hindi mo susundin ang gusto niya pare-pareho tayo mawawalan ng mana sa lolo mo."
Napatingin si Omar kay Kyla na ngayon ay nakaupo sa sofa. Hubo't hubad pa rin at hawak ang sigarilyo at panay buga ng usok.
Nakikinig lang siya sa usapan ng mag-ina.
Nakatingin si Omar kay Kyla. "What if I am going to marry Kyla instead. I am proposing to her right now."
Napatingin si Kyla kay Omar. Umiling ang babae. At sumenyas ng No.
Nagsalita ang ina. "It's possible kung gusto mo si Kyla. And I like Kyla very much. Ang problema natin hindi pwede mabali ang kagustuhan ng lolo mo. And marriage is already prepared."
Tumayo si Kyla. Lumapit kay Omar. "Pakasalan mo na lang kung sino man yan. It's just arranged marriage. Pagkatapos mong pakasalan e di huwag mong tabihan. Sabihin mo sa babae na wala siyang ma-eexpect sayo as a husband. Magsasawa din siya then after that hiwalayan mo."
"Yes, tama si Kyla, hijo. Pagnakuha mo na ang mana mo sa lolo mo, then you can file an annulment." Dagdag pa ng ina.
Nag-dalawang isip si Omar.
Nagpaalam muna siya sa ina. "I will think about it , Ma." Saka pinatay ang cellphone.
Kumandong ulit sa kaniya si Kyla.
“Let’s get married, Kyla,” seryosong sabi ni Omar, habang nakatitig sa kanya.
Napangiti si Kyla, bahagyang natawa, parang hindi makapaniwala. “No, Babe. I’m not yet ready for that kind of commitment,” sagot niya, sabay hinagod ang daliri sa dibdib ni Omar. “Pero kung gusto mo, I can come with you to the Philippines. Just… don’t let your Lolo know I’m with you.”
Humigpit ang yakap niya, sabay bulong sa tenga ni Omar, “And after the wedding, instead of spending your honeymoon with your bride…” napangiti siya ng mapanukso, “…you can spend it with me.”
Tumawa si Kyla, malambing pero may halong hamon sa tinig. Samantalang si Omar, napapikit, hindi alam kung matatawa o maiinis sa ideyang iyon.
Kaya pumayag si Omar, kahit labag sa kalooban niya ang ideya ng pagpapakasal. Wala siyang choice — mas mabigat ang utos ng Lolo niya kaysa sa sariling kagustuhan.
Kaya habang si Kyla ay nanatili sa hotel, sa mismong honeymoon suite na nakalaan para sa bagong kasal, si Omar naman ay tahimik na nakatayo sa harap ng altar.
Pagdating ng bride, inalalayan ito ng matandang lalaki. Inabot nito ang kamay ng babae kay Omar. Pero hindi niya iyon tinanggap.
Nag-alangan siya. Maitim ang balat ng babae, halatang sanay sa sikat ng araw at gawaing bukid. Hindi tulad ni Kyla — maputi, makinis, malambot. Habang tinitignan niya ang kamay ng babae, napaisip pa siya: Mas makinis pa yata ang balat ko kaysa sa kanya.
Pinili niyang hindi tanggapin ang kamay nito. Sa halip, tinalikuran niya at humarap na lang sa altar. Hindi niya pinakinggan ang sermon ng pari, ni hindi niya naintindihan ang mga salitang binibigkas.
Hanggang sa marinig niya ang boses ng pari, malinaw at mariin:
“Omar Vicente Alcaraz, do you take this woman to be your lawfully wedded wife?”
Napasinghap siya, parang natauhan bigla. Naramdaman niya ang mga matang nakatingin sa kanya—ang mga bisita, ang pari, at ang lolo niyang nasa unahan, seryosong nag-aabang sa magiging sagot niya.
Napalunok siya. Sa isipan niya, ang mukha ni Kyla ang lumitaw—ang mga ngiti, at ang mapanuksong boses nito na parang nagsasabing, “After the wedding, you’ll still come back to me.”
Naririnig ni Omar ang bawat pintig ng puso niya—mabigat, mabilis, parang binabayo ang dibdib niya ng kaba at inis.
Lahat ng mata ay nakatutok sa kanya. Ang pari ay naghihintay. Ang bride naman ay tahimik lang, nakayuko, halatang naiilang.
“Omar Vicente Alcaraz, do you take this woman to be your lawfully wedded wife?” muling tanong ng pari, ngayon ay mas mariin ang tono.
Huminga nang malalim si Omar. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang sabihin, No. I can’t marry someone I don’t love. Pero nang tumingin siya sa direksyon ng kanyang Lolo, nakita niya ang matalim nitong tingin—isang utos na walang salitang kailangan.
Napapikit si Omar, halos nanginginig ang kamay. “Yes, Father…” mahina niyang sagot, halos pabulong.
Narinig niya ang mahinang bulungan ng mga tao sa simbahan, ang bride ay tahimik pa rin nakayuko. Ngunit sa loob ni Omar, parang may isang bahagi sa kanya ang namatay.
si Ania—ang tanong ng pari, “Ania Esteban Mendez, do you take Omar Vicente Alcaraz as your lawful wedded husband?”
Napatingin siya sa lalaking nakatayo sa harap niya. Matikas, gwapo, pero halatang wala sa loob ang ginagawa. Kita niya kung paano umiwas ito ng tingin kanina pa, kung paanong hindi man lang siya hinawakan sa kamay tulad ng madalas mangyari sa mga kasal.
Napalunok siya. Ramdam niya ang kaba.
kahit nanginginig ang boses, nagsalita siya. “I… I do.”
Tumango ang pari, sabay nilingon si Omar. “Then by the power vested in me…”
Habang ipinapatong ng pari ang kamay nila sa ibabaw ng Bibliya, napansin niya ang gaspang ng palad ng babae—nandiri siya. Kahit sa pagsuot ng sing sing halos ayaw niya hawakan ang daliri ng babae.
“By the power vested in me…”
Huminga nang malalim ang pari at ngumiti, “…you may now kiss the bride.”
Tahimik ang buong simbahan. Lahat ng bisita nakatingin kay Omar.
Pero si Omar? Parang nanigas. Hindi siya gumalaw. Hindi siya lumapit.
Napansin iyon ng pari kaya bahagyang ngumiti ito, sinenyasan siyang itaas ang belo ng bride.