PUMAYAG nako na manligaw si Dan at tuwang tuwa ito ng sinabi ko yun sa kanya. Sabado ngayon at naglalaba ako ng mga damit namin ng bigla akong tawagin ni nanay andyan daw sa sala si Dan. Agad ko naman syang pinuntahan at binigyan ng miryenda.
" Nadalaw ka Dan, di kaman lang tumawag o nagtext man lang"
"Surprise nga kasi Aia, para nga pala sayo" Inabot nya sakin ang isang Pulang rosas at inamoy ko ito mabango di tulad ng ibang nakikita kong bulaklak.
"Salamat nagabala kapa mahal to sa susunod wag kana bumili nito" Nakangiti kung sabi sa kanya sayang naman kasi malalanta rin to ilan araw lang.
"Di mo ba nagustuhan" Malungkot at mahinang sabi niya bigla naman akong nahiya sa sinabi ko sa kanya.
"Sorry pero nagustuhan ko naman. Hindi sa ganun kailangan lang natin maging practical diba" Nakangiti ako habang nagsasalita sayang kasi sana bigas nalang para napakinabangan sabi ko pa sa isip ko.
"Okay next time naiintindihan ko" Nagkwentuhan lang kami ni Dan at Nagluto si nanay ng miryendang pancit pati si nanay nakipagkwentuhan sa amin. Tinatanong nya kung seryoso ba ito sakin o baka naumpog lang at ako ang nakita ni Dan para Ligawan napasiko tuloy ako sa nanay ko na akala mo kasi bagets pa sya. Hapon na nang Umuwi si Dan. Aaminin ko seryoso sya sa panliligaw sakin pero wala akong maramdaman sa kanya.
---
ARAW nang Lunes naglalakad ako papasok sa school ng mahagip ng mata ko si Sir na may kausap na babae malungkot ang muka ng babae na nakahawak sa braso ni sir mapapansin mo na may konting serysoso silang pinaguusapan, Napalingon sa gawi ko si sir at nagiwas nako ng tingin at dali daling naglakad ng mabilis baka akalain nya e nakikichismis ako sa kanila. Pagdating ko sa classroom namin bumungad sakin ang magulo at maingay kala mo mga grade school palang to Kauupo ko lang ng pumasok na rin si Sir. Monday ngayon sya talaga first subject namin. Di ako makatingin sa kanya dahil kanina baka kasi napansin nya ko o what.
"Goodmorning Class how's your Weekend" Pagbati nya sa buonh klase.
"Eto sir Namiss ka namin" Nagtilian nanaman ang buong klase dahil sa pag sigaw ni Abby ang landi talaga. Unti-unti akong napapatingin kay sir napapansin ko ang mga mata nyang mapupungay ang labi nyang mapupula ang malaki nyang pangangatawan makikinis nyang mga kutis, s**t tinalo pa ata ni sir ang kutis ko bakit ganun. Napansin ko nalang na nakatingin na rin sakin si Sir kaya nagiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Nakaramdam naman ako ng init sakin muka. Pati ba ako humahanga narin kay sir. Napahawak ako sakin puso at sakin muka Hindi pwede hindi pwede.
"Aia okay kalang ba?" Nagulat ako sa tawag ni sir sakin napansin nya ang ginawa ko tumango nalang ako at parang namumula ang akin muka.
------
Lumipas pa ang mga araw linggo at buwan napapadalas na ang pagsilay ko kay sir di ko na rin napigilan magkagusto sa kanya sino ba kasing hindi magakakagusto kay sir talaga nakakadala. Pinatigil ko na rin manligaw sakin si Dan kinausap ko sya ng mabuti na di pa talaga ako handa at willing naman daw sya maghintay sakin. Araw araw parin nya ko Sinasabayan umuwi pagminsan asa bahay sya dumadalaw parin. Nagtatanong parin sya kung handa naba ko pero yun ng yun ang sagot ko sa kanya hindi pa, hindi pa rin sya tumigil. Mas tumatagal mas lalo naman akong naiinlove kay sir dumating na rin ako sa punto na nagiiwan na ko ng letter sa desk nya titiyempo ako na walang tao sa office nila para di ako mahuli para akong stalker sa ginagawa ko sa kanya lagi ko rin sya tinitignan sa malayo na para bang ang sarap sa pakiramdam pagnakakasilay ka sa Crush mo wala naman sigurong masama kasi crush lang naman di ko naman jojowain at bawal yun sa student teacher.
Pinakalma ko ang sarili ko sa sarili kung kabaliwan, ititigil kuna ang pagkagusto ko kay sir.
-------
Buwan ng September ngayon buwan nang Aquitance party, sumama ako sa mga kaibigan at classmate ko last year kasi di ako sumama so try ko ngayon. sobrang daming tao studyante,teachers nakaupo lang ako sa isang upuan sa gilid nanunuod ng mga sumasayaw may mga magjowa may mga magkakaibigan at may iilan din teachers na sumasayaw. ako nga lang naiwan e lahat ng kaibigan ko sumasayaw at may kaparehas. When sir Rex sit beside me talking to me, umuoo lang ako hanggang sa inaya nya ko sumaya wala naman siguro masama kung umuo ako sumasayaw kami ng Sweet dance. Naririnig ko ang mga tilian at ingit ng ibang studyante dahil sa dami namin ako ang napiling isayaw ni sir at hindi sila.
"Aia" Paguumpisa niya habang nakatingin lang ako sa gilid at di sa muka nya di ko sya matignan lalo na sa mata. Para akong nilalamon ng mga kulisap sakin tiyan para silang nagpipiyesta at kitang kita ko ang mga matang nakamatiyag samin
"ano po yun sir" Di parin ako tumitingin sa kanya.
"Iba ka sa mga Studyante dito ni hindi ko makuha ang atensyon mo o magkagusto ka sakin" Halos mabatukan ko sya sa sinasabi niya sakin, kung alam mo lang sir gusto kita. may kung anonh boses sakin isipan. Agad naman akong napatingin kay sir at kitang kita ang malulumanay nyang mga mata at iisipin ng ibang taong magjowa kami dahil sa mga titig nya sakin.
"po" maang-maangan kung sagot sa kanya at sinadya ko pang binaba ang isa kung kilay. Ngumiti lang sya at di na nagsalita pa parehas kaming nagkatitigan nalang di na umalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa matapos ang tugtog at bumalik ako sa dati kung upuan at sya naman ay umalis na di kuna nilingon kung saan sya pupunta. Nagpasalamat nalang ako kay sir kasi sya ang first ever dance ko palihim akong napangiti.
Naglalakad ako papunta sa c.r dahil nakaramdam ako na makaka pee nakodi narin ako nagpasama sa mga kaibigan ko at busy sila sa pagsasayaw Nakarating ako sa C.r at agad na pumasok sa Cubicle. Nakaraos din. Ngunit paglabas na paglabas ko ng C.R ay nakita ko si abby halos patakbo sa Pathway ng mga classroom medyo madilim doon at konting silaw lang ang makikita nakita ko syang parang hinahabol na sya si sir.
"Sir hintay po" sabi ni abby.
"Bakit Abby" Narinig kung tanong ni sir at nagtago ako sa gilid. baka makita ako.
Nagulat ako sa sumonod na nangyare si abby tumingkayad at hinalikan si sir sa labi halos di ako makagalaw sa nakita ko pero nakita kung tinulak sya ni sir para makalayo.
"Anong. bakit mo ginawa yun Abby teacher mo ko"
"Well sir wala naman po makakaalam"
"what are you thinking bibigay ako sayo iba ako miss abby nirerespeto ko ang lahat ng studyante ko" Mahinahon lahad ni sir sa kanya. "Itigil mo to miss abby or i will report you in dean office" pananakot pa ni sir sa kanya.
"pero sir gusto kita" sagot bi abby
"gusto mo ko dahil teacher mo ko di tayo pwede kaya tigilan mo to" akmang hahalikan nanaman sya ni abby pero napigilan nya ito sa gagawin nyang mali sa kanya. Nakita ko ang pagalis ni sir at naiwan magisa si abby habang nakamasid sa papalayong si sir .
Pumasok ulit ako sa C.R para kunwari ay lalabas palang ako at dadaan na si abby.
"Aia kanina kapa diyan?" Tanong sakin ni abby habang nakataas ang kilay niya at halatang naiinis.
"Hindi bakit " Pakunwari kung sagot sa kanya muka naman syang naniwala at nag walk out nalang basta. Npangisi ako sa nangyare di lahay ng gusto nya ay makukuha na lalo na si sir. Nakaupo ako at nagmamasid hinahanap ng mga mata ko si sir pero di ko sya nakitang ulit, huling kita ko sa kanya ay yung eksena nila ni abby siguro umuwi na yun. 3a.m na naayaan na kaming umuwi para makatulog siguro naman masyado na nila naenjoy ang pagsasayaw. Napagdesisyunan namin makitulog kanina Che dahil mas malapit ang bahay nila.
------
NAGLALAKAD AKO PAPASOK SA CLASSROOM nagtataka ako bakit parang ang daming nagtutumpukan na mga studyante at parang may pinanonod sa mga phone nila di ko nalang pinansin at magtuloy sa paglakad. Natigilan ako sa tapat ng room namin dahil tahimik nagtaka ako kasi sa tuwing dadating ako ay nagkakagulo at maingay Wala naman teacher bakit tahimik lumapit ako sa pwesto ng upuan ko at kita ko rin ang tumpukan ng mga kaibigan at classmate ko may pinanunuod silang video. Nunh una di ko pinansin pero paulit-ulit nilanh pinanunuod ang video at naengganyo akong makinood narin. Laking gulat ko ng makita kung sino yung asa video si sir at si abby naghahalikan. May kumuha ng Video nila at hindi ito buo di nasimulan sa una at di rin pinakita ang huling nangyare anong ibig sabihin nito sinisira nila ang pangalan ni sir sa buong school.
"sabi sa inyo e gusto ako ni sir" mayabang na nakatayo si abby sa harapan ng black board at prenteng nakataas ang kilay.
"oo nga abby natikman muna si sir" sigaw ng mga kaibigan nyang mga haliparot din tulad niya.
"Di naman buo yang video i saw what happen that night abby" Tumayo ako at nilapitan sya at parang takot na takot sa sinabi ko totoo naman talaga di yun ang buong nangyare at ayaw ni sir yun paghalik nya sa kanya.
"Diba abby ikaw ang humalik kay sir nung gabing yun nakita kita at ang paghabol mo kay sir" Naiirita kong sabi sa kanya at parang kumakapa sya ng sasabihin nya sakin. Akmang sasampalin nya ko ng may pumigil sa kamay nya nakita ko ang mata ni sir na galit na nakatingin kay abby.
"Anong nangyayare dito.?" "Abby Castro pinatatawag ka sa Deans office ipaliwanag mo ang buong nangyare ng gabing yun" Sabi ni sir at umalis agad si abby ng room namin.
"Aia pwede kang sumama sa Dean narinig ko ang mga sinabi mo salamat at may nakakita ng lahat" Tumango ako at sumunod kay sir. Pagpasok namin sa Deans office naabutan ko si abby nakaupo sa harap ng table ng dean nakayuko at may ilan din mga teacher na nakaupo sa gilid.
"Yes Sir bakit kasama nyo si Aia." takang nagtatanong si Dean.
"Maam dean Nakita nya po ang nangyare ng gabing iyon"Sabi ni sir.
"Totoo ba yun Aia" Tumango ako bago nagsalita.
"Opo maam Nakita ko po lahat ng nangyare" At naikwento ko lahat ng nangyare sa kanila at nagulat sila sa sinabi ko buti nalang nakita ko kung hindi mawawalan ng license si sir at di na makakapgturo.
"Totoo ba lahat ng yun miss abby" Nakunot noong tanong ng dean sa kanya at tumango naman sya sabay umiyak nagpupunas sya ng sipon nya dahil narin sa kakaiyak nya o dahil napahiya sya sa ginawa nya.
"Maraming Salamat aya " sabi ni sir sakin.
"Wala po yun sir" At ngumiti ako sa kanya.
"Maraming Salamat Aia kung di dahil sayo di naman malalaman lahat. pwede kana bumalik sa room mo at ikaw abby dito ka muna" Tumayo nako at nagpaalam sa kanila di kuna alam ang nagyare pa o ano ang pinagusapan nila sa loob. Pagbukas ko nga ng pintuan ng dean ang daming studyanteng nakikinig sa pintuan at agad naman silang mga naglayuan tuloy lang ako sa paglakad at bumalik sa room. Wala parin kaming teacher kasi halos lahat ng prof. asa Deans office ngayon naikwento kuna rin sa mga classmate ko para naman alam na nila ang totoo at malinis ang pangalan ni sir na sinira lang ni abby ng ganun.
"G*go pala ang abby na yan e gagawa ng kalokohan napasama pa tuloy si sir." Sabi ni Trixie samin at halatang naiinis na rin. Mabuting sinabi ko narin sa kanila para maayos na. Maya-maya pa ay pumasok na si abby nakayuko at mugto ang mata kasunod nya si sir na pumasok sa room.
"Okay class sit properly, by the way thank you Aia" Agaw pansin na sabi ni sir sa klase at ngumiti ako. Nakita ko naman ang mapanghasik na mata ni abby galit na galit na para akong lalamunin ng buhay binalewala ko yun dahil mali sya.