Chapter 16

1062 Words
"Yes po mommy pumapayag nako sumama sa inyo sa US"Nakangiting banggit ko kay mommy Nakita ko naman ang ligaya sa kanyang mga muka. "Okay anak, ipapahanda ko ang lahat ng papeles para sa pagsama mo samin don't worry anak di ka naman pababayaan doon"Niyakap nya ko ng mahigpit. "At isa pa nasabi na rin sakin ni mama mo ang tungkol aa nangyare sayo i feel sorry anak"Medyo may lungkot sa kanyang mga mata. "Ayos lang po yun mommy tapos na po yun" Pero di ko napigilang umiyak dahil nasasaktan parin ako hanggang sa ngayon. Ganto siguro talaga di agad makamove on lalo na nakikita ko pa ang mga taong nakaugnay samin dalawa. Mahal ko parin sya pero kailangan na namin maghiwalay ng landas. " Tahan na anak makakalimot ka rin iiyak mo lang yan andito ako para sayo mahal na mahal kita anak" Pinunasan nya ang akin luha na para akong bata na tumatango at nagsusumbong sa ina nya. MaBILIS Lumipas ang araw at dumating na ang araw ng amin pagalis ang araw kung saan magsisimula ang bagong araw at pagsubok sakin buhay. Nagpaalam ako kanila mama at papa panay ang iyak namin sa isa't isa pero pinatatag ko ang sarili ko pati na rin sila kailangan ko tong gawin para sakin at sa amin. "Sofia Let's go mahuhuli tayo sa flight" Sabi ni mommy habang nakahawak sya sakin balikat. Niyakap kuna ng huli sila mama at papa at tuluyan ng nagpaalam sa kanila. Pagsakay ko sa kotse nila mommy at naupo ako sa tabi nya at si daddy ay nakaupo sa harapan katabi ng driver. "Ayos kalang anak" Tumango ako sa kanya kahit pa talagang makikita mo sakin ang sakit ng paglayo. "Masasanay ka rin tawagan natin sila pagdating nating sa US. " "Opo salamat po"Naramdaman ko naman ang pagyakap nya sakin. DUMATING kami sa Airport at naghintay nalang na makasakay kami sa eroplano. Pinapasok na rin kami sa loob at naghihintay na ng pagalis ng eroplano. Nang may hindi nakaligtas sakin usapan. "May lalaki doon sa labas may hinahanap na babae nagwawala doon" Sabi ng isang Flight Attendant. " oo nga kilalang bussiness tycon yun dito sa pinas, Mga montano e" Sagot naman ng isa nyang kasama. "Mam Were your seatbelt properly Thank you"Tumango ako sa kanya at umalis na sya. Si Rex kaya yun pinaguusapan nila baka , bigla akong kinabahan sa narinig. Sa buong biyahe namin ay Natulog lang ako gigising nalang pag may mga nagooffer na ng food para kumain. Pero puro tulog nalang ako at di rin naman kinain ang mga pagkain na kanilang binibigay. DUMATING KAMI SA US AT TUMULOY SA ISANG MAGARANG BAHAY DOON. HINDI KO ALAM PERO MAGARA TALAGA LITERAL Dahil tatlong palapag na bahay ang nakikita ko sa labas. May mga kasamabahay kaming nakita na nakatayo hagdanan papasok sa loob ng bahay sa sobrang dami nila hindi ko sila mabilang kung ilan. Pagpasok namin sa loob halos malola ako sa ganda at laki ng lugar may mga malalaking Chandelier at magagandang ilaw na nakasabit. Sa gilid ah puro malalaking vase na kulay ginto. "Josie pakisamahan si sofia sa kanyang kwarto" tawag ni mama sa isang kasambahay. Nakita ko naman na ang mga gamit namin ay dala dala na ng mga kasambahay at dinala sa taas. "Tara na po mam Sofia"Nakangiting tawag sakin ni Josie. "opo" "Sige na anak magpahinga kana mamaya ipapatawag kita para sa hapunan " Nagpaalam na ko kay mommy at sumunod kay Josie ngunit sa pagsunod ko sa kanya ay halos malola pako sa nakikita kung Chandelier na halos magkakasunod na nakahilera sa pasilyo ng bahay o dapat kung tawagin mansyon dahil sa sobrang lawak at laki ng akin nakikita. Madaming mga kwarto ang amin nadaanan pero tumigil kami sa isang kwarto na halos naiiba ang pintuan sa labas hindi dahil naiiba kundi dahil sa laki at kulay ginto nitong itsura. "Mam Sofia dito po ang kwarto nyo" Halos masilaw ako sa araw ng binuksan ni Josie ang pintuan dahil nataas ang malalaking kurtina nito na nasisinigan ng araw. Sinamahan nya ko sa loob, Ganun nalang lumaki ang mata ko sa laki ng kama para sakin na iisa lang na mahihiga, tinuro nya din ang Wlking closet kung saan iba't ibang damit ang laman niyon. Nagpaalam na sya sakin at tatawagin nalang daw nya ko pag oras na nagpagkain. "Salamat po Ate Josie"Tumango lang sya sakin at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Mapapawow kanalang talaga sa mga nakikita ko ngayon tulo laway na ata ako ngayon dahil dito. Naisipan kung maligo muna bago magpahinga, Pagpasok ko palang sa banyo ay maaamoy muna ang rose petals na nakalagay sa bathtab at ang sabon na nilagay nila sa tubig na amoy vanilla kahit pa parang gatas ang tubig.Hinubad ko ang mga suot ko at tuluyan nakung nainlove sa malagatas na tubig sa bathtab ang sarap sa pakiramdam nagbabad ako doon ng mga kalahating oras nilasap ang medyo mainit na tubig sakin balat. Pagkatapos ko ay pumunta ako sa Closet at namili ng damit Nakakita ako ng simpleng dress at sinuot ko iyon floral dress na mapapansin mo ang kulay pink na kulay sa dress. Inayos ko ang sarili ko at itinas ang mahaba kung buhok naglagay lang ako ng pulbos dahil mapula pula namin ang akin labi. Maya-maya pay may kumatok sa pintuan at pumasok si Ate Josie. "Kakain napo mam"Tawag nya sakin tumango ako at sumunod muli sa kanya. Pagdating ko sa hapagkainan ay ganun nalang ang ganda ng nakita ko na akala ko ay sa T.V ko lang makikita o sa mga mayayaman na tao. Napakalaki ng dining table at punong puno ng pagkain andoon ang mga lutong ulam tulad ng menudo at hindi ko alam na luto dahil andito kami sa America fresh na salad juice sa dami ng putahe ay di ko alam kung ano ang uunahin ko. "Maupo kana Hija Sofia anak"Tawag sakin ni daddy tumango ako at naupo sa tapat ni mommy kung saan may nakalagay na plato kubyertos at baso. Pinaglagay ako ng pagkain ni mommy sa plato ko di nako tumanggi dahil sabi nya hayaan kuna raw sya sa gusto nyang gawin para sakin. Di ko nga alam na napadami pala ang kain ko at naubos ang lahat ng pagkain nilagay nya sa plato ko. Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na ko sa kanila dahil bukas daw ay may pupuntahan kami at aasikasuhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD