"yes mom im here yes, ofcourse mom dont worry" Kausap ko ngayon sa phone si mom dahil katatapos ko lang sa kursong kinuha ko para matutu maghandle sa company. halos tatlong taon nagaral sa U.k para sa matutu.
"OKAY anak call me okay susunduin ka namin" binaba na nya ang tawag dahil papunta na sila para sunduin ako sa airport. Laking pasalamat ko sa kanila dahil nakapagaral ako sa magandang school sa U.K.
"Welcome anak, namiss ka namin ng dad mo"Niyakap ako ni mom at ramdam ko ang pagkamiss nya sakin kahit pa buwan buwan binibisita nya ko doon niyakap ko rin si dad na tahimik lang.
"Mom bakit umiiyak ka lagi naman tayong nagkikita doon"Natatawa kung sabi sa kanya.
"Namiss lang kita sofia sobra" Nangiti nalang ako sa sinabi nya at niyakap nalang sya ulit. ang sarap ng pagmamahal nila, Tulad nila mama at papa sakin kamusta na kaya sila ngayon. Mom told me, they help para makapagpatayo ng sariling negosyo kaya sobrang saya ko kasi tinulungan nya ang nakalakihan kung mga magulang. Ang sabi pa ni mom ay naging malago ang bussiness nilang patahian ng damit. Labis nga daw ang pasalamat nila dahil doon napagawa na rin daw nila ang bahay at napakaganda naman daw nito.
Pauwi na kami sa Mansyon dito sa U.S. Nakatanaw lang ako sa bintana habang binabaybay namin ang daan pauwi. Kamusta na kaya sya, Hinahanap nya kaya ako o baka kasal na kaya sila ni Kim. Sana masaya na siya. Pero kailangan kung maging matatag ngayon at maghanda dahil sabi nila dad ay uuwi na kami ng pinas pagkatapos nila ayusin ang lahat dito.
Sisiguraduhin kung hihingi ng tawad sakin si Armando Montano dahil sa pagkawala ng akin anak, Magsisisi sya sa lahat ng ginawa nya sakin pagpapahirap pagdududa na binigay nya sakin. Gusto, ko lang naman humingi sya ng kapatawaran subalit ni wala naman akong narinig na kahit anobg salita sa kanya. Pababagsakin ko sila sinusumpa ko.
Dahil sa pagbalik ko hindi na si Aia Sabestian ang Makikita nila kundi ang malakas at di na nila maaaping si SOFIA MICAELA VILLIANUEVA.
"Andito na Sofia." Natigil lang ako sa pagiisip ng tumigil na ang sasakyan namin sa harap ng mansyon. Nakatayo ang mga kasambahay sa labas ng pintuan at nakangiti samin. Pagbaba ko palang ng kotse ay sinalubong nako ng pagbati ng amin mga kasambahay.
"Welcome back Mam Sofia Masaya kami at nandito kana" Sabay sabay nilang sambit at sabay sabay silang pumalakpak Ngumiti ako sa kanila bago nagsalita.
"Maraming salamat po sa inyong lahat" Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa loob at tumuloy sa dining area para kumain ng tanghalian.
Iniisip ko kung kakayanin ko lahat ng mga mangyayare sakin. Ilan linggo nalang ay uwi na kami sa pinas nirereiview ko na rin ang lahat ng files ng company para alam ko kung may problema o wala. Dad told me to handle our company in the Philippines he let me know some matters para doon.Masaya ako kasi pinagkatiwala sakin ni dad anh company namin at di ko sya bibiguin.
DUMATING ang ara ng paguwi namin sa Pinas At nandoon ang pagkakaba ko dahil maliit ang mundo magkikita at magkikita kami yun ang kailangan kung itatak sa isipan ko.
"Ready daughter" Sambit ni mom sa katahimikan ko nakababa ang ang eroplanonh sinakyan namin naghihintay nalang kaming bigyan ng signal para sa pagbaba.
"Yup mom" Sambit ko.
"Muka kang nineerbyus anak" Makahulugan sabibni mama sakin at agad naman akong tumingin dito't ngumiti.
"okay lang po ako kabado lang para sa company mom" Pagsisinungaling ko dito dahil kabado ako sa pagkrus ng landas namin muli.
"Sure sabi mo anak "Ngumiti nalang sya pero parang di sya kumbinsido.
NAGlalakad na kami palabas at nakita na rin namin ang driver nila dad para sunduin kami.
"Welcome back sir madam mam" Bati samin ni maning miguel nakangiti sya samin habang kinukuha nya ang amin mga dala, binuksan nya muna ang pintuan ng kotse bago nilalagay sa likod ng sasakyan ang mga dala namin
"Salamat Miguel, Kamusta kayo dito"Taning ni dad kay maning miguel.
"Mabuti naman po sir" Pagkatapos nya ilagay ang lahat ng maleta namin ay umikot sya para pagbuksan si dad. Pumasok na rin si manong miguel at inistart ang kotse.
"Madami kaming pasalubong sa inyo miguel" Sabi ni dad dito.
"Naku sir nagabala pa kayo"Ano kaba di na kayo bago samin. Nakakatuwa talaga sila dahil ang lahat ng nagtatrabaho sa kanila ay hindi nila ginawang iba o ano dahil tinuring nila itong hindi iba sa kanila tulad ng isang pamilya kaya siguro lahat ng tao sa mansyon sa U.S ay magiliw sa kanilang ginagawa dahil na rin sa trato sa kanila na maganda. Nakatulog ako sa biyahe kaya naman pagdating sa mansyon ng villianueva ay ginising pa ko ni mom Di nako nagulat sa laki rin ng lugar na ito madaming roses ang nakatanim sa paligid na iba't ibang kilay meron din sunflowers tulips at madami pang iba . Ibang iba sa mansyon na meron sa U.S. May ilan kasambahay ang sumalubong samin bumati at kinuha ang amin mga dala.
"Nimpha pakidala ang gamit ng mam nyo sa room nya " sabi ni mama
"Opo madam"Sagot nun nimpha.
"Mean pakibitbit rin ang gamit namin ng sit mo sa kwarto pero yung mga kahon ay iwan nyo sa sala magapatulong ka kay fe " Dugtong pa niya.
"Opo madam" Sagot ni mean.
"Let's go anak pasok tayo sa loob" Tumango ako at sumunod kay sa kanya papasok sa mansyon.
NAkaupo kami sa Sala ay naghanda sila ng miryenda namin. Habang hinihintay yung mga karton na pinapasok ni mom katabibnya si dad na kumakain ng Kakanin na wari'y ko'y sarap na sarp sa kinakain.
"Ang sarap talaga ng kakanin na ito" Sambit ni dad sa bico ewan ko pero pansin ko talaga na kahit mayaman sila mahilig sila sa pagkain ng kahit na ano lalo na sa kakanin.
"Hinay-hinay lang honey" Pagbibigay babala ni mom kay dad Na ngayon ay kumuha na rin ng kakanin at kumain.
"Yes honey, kumain kana rin anak" Pagaaya sakin ni dad kaya naman kumuha narin ako at kumain talaga naman napakasarap nito.
Habang nagmimiryenda kami ay naipasok na ang mga kahon na dala namin at nagpakuha si dad ng gunting para mabuksan ito dahil puno ito ng tape para di mabutas. Inisa-isa niya ang laman nito at punong puno ito ng laman.
"Oh miguel sayo to"Inabot ni dad ang isang maliit na kahon binuksan itobni maning miguel sa loob nito ay may laman mga branded na damit at may laman kwintas na makapal na gold na may pendant na krus.
"Naku sir sobra naman po ito, maraming salamat po" Ngumiti lang si dad at pinagpatuloy ang pagbibigay ng mga pasalubong sa mga kasamabahay at ganun nalang rin ang mga laman nito may mga laman alahas ang bawat isa at branded na damit na pambabae at pang lalaki. Napakaswerte naman talaga ng mga trabador nila kaya di ko naiwasan mapangiti sa mabuting puso ng mga magulang ko.
"Maraming salamat po sir madam sobra sobra po to" Haloe sabay-sabay nilang sabi at ang ilan ay napapakamot nalang sa batok nila.
"Ayaw nyo balik nyo na" pabirong sabi ni dad sa mga ito.
"Hindi po salamat po dito"At napuno ng tawanan ang buong sala namin.
"Sige na anak magpahinga kana sa kwarto mo ipahatid nalanh kita kay mean" Tinawag niya si mean at pinahatid ako sa magiging kwarto ko habang naglalakad kami papunta sa kwarto ko ay di ko naiwasan magtanong.
"Mean" tawag ko sakanya.
"Yes mam" Kahit pa patuloy parin sya sa paglakad nya.
"Ganun ba talaga ang mga magulang ko" Tanong ko sa kanya.
"Ang alin mam? yung magpasalubong sa amin hay naku mam ganun po talaga sila para kaming mga kamaganak na laging may pasalubong sa kanila nakaipon na ata kami ng dami at alahas galing sa kanila"Natutuwang pahayag ni mean sakin. ganun pala talaga sila napakaserte ko naman talaga sa kanila. Hanggang sa marating na namin ang silid ko at iniwan na ko doon ni mean. Pagkapasok ko palang ay nagandahan na ko sa loob ng kwarto dahil ang bedsheet ay napakaaliwalas sa mata dahil sa kulay na pink at sa design niyong mga bulaklak pati sa unan. carpeted rin ang sahig na halos lumubog ang suot kung sapatos. Nakakarelax ang ambiance nito, Nahdeside muna akong maligo para makapagpahinga kaya naman pagkatapos kung maligo ay pumunta ako sa walking closer kung saan nakaayos na ang mga damit ko kumuha ako ng isang panjama at terno nitong damit pati panty at bra. Pinatuyo ko lang ang buhok at saka nahiga sa kama at doon ay di kuna napigilan ang akin antok at pagod kaya agad rin akong nakatulog.Nagising nalang akong Nasisilaw sa liwanag ng araw na nakadiretsa sakin muka medyo nakaawang ang kurtina kaya naman nakapasok na dito ang liwanag ng araw.
"Good morning" Sambit ko kahit pa ako lang nakarinig. Tumayo na ko para maligo at magbihis dahil ngayon ang punta namin ni dad sa company. Nagsuot lang ako ng isang dress kulay peach na hanggang tuhod sempre formal ito para sa office pinatungan ko rin ito ng isang coat na black diba ganda pak. Nagmake up lang ako ng very light at nilugay ang akin buhok na hangganh balikat lang sabog lahat ng modelo sa pinas nagsuoy lang rin ako ng isang peach high heels na bagong bili ko sa U.S. Pagbaba ko ay naabutan ko sila dad at mom sa dining.
"Maupo kana anak kumain na kayo"Naupo ako sa tabihan ni mom At pinaglagay ako ni mean ng pagkain sa plato bacon fried rice at ham itog hotdog at egg.
"Di kana namin ginising kagabe sobrang sarap ng tuloh mo "Sabi ni dad sakin.
"Ayos lang dad, Napagod po siguro ako kahapon sa biyahe natin" Sagot ko kay dad.
"Kaya nga, kaya pala ang lakas ng hilik mo pagbukas namin ng kwarto mo ni mommy mo" Natatawa pang sabi ni dad sakin. Natawa nalang rin ako pati si mom.
"Handa kanaba anak after natin kumain pupunta na tayo sa office"Dugtong ni dad.
"Handa na po ako dad"Sagot ko ulit sa kanya.
"Good, Wag ka magaalala matututunan mo lahat i will help you pag meron kang di alam" Sabi pa nya sakin.
"Yes, dad thank you".Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami kay mom at nagsabi rin si mom na pupuntahan nya daw ang mga amiga nya, sinabihan naman sya ni dad na wag papagabe kaya naman naman sinabi nitong tatawag sya pagpauwi na para parin silang mga bata pagnaguusap. Kamusta kaya si mama at papa dadalawin ko sila isa sa mga araw na to i miss them so much. Tinatahak namin ang daan patungo sa company, at puro building na ang nakikita ko at makakapal na usok sa daan. Wala parin pinagbago ang mausok at traffic parin kahit maaga kaming umalis sa mansyon. Nakakita ako ng isang builboard hinding hindi ko makakalimutan ang pustura at itsura niya walang nagbago pero mas naging gwapo namula naman ako sa lintanyang namumuo sakin isipan. God Sofia, ano bang iniisip mo tsk. Feeling ko nga sinusundan ako ng mata nya kahit pa builboard lang yun dito sa mahabang daan sa españa. haixt. Di ko nga namalayan nakarating na kami sa company at maraming naghihintay samin na tao na nakasauot ng black slacks at coat. Pinagbuksan nila kami ng pintuan nauna si dad bumaba at sumunod ako sa kanya sa red carpet na nakalatag sa daan kami dumaan.
"Welcome back Chairman" Bati samin ng mga tao o di ako nagkakamali ay mga empleyado dito sa Villianueva company VC. Nakangiti naman si dad sa kanila sa bawat kamay na lumalapit sa kanya ay isa isa nya itonh tinatanggap nakikipaghand shake sya sa mga ito pati dito ay maganda ang ngiti ng mga tao sa kanya talaga naman maganda ang pakikitungo nya sa mga ito walang duda yun.
"Pano ba yan sa dami nyo wala ako pasalubong" Narinig ko pang sabi ni dad sa mga ito at tumawa. "sa christmas nalang" dugtong nya pa dito. Nagkatuwaan naman ang mga tao at tuwang tuwa sa sinambit ng akin ama sa kanila.Umakyat na kami sa taas pinakilala ako ni dad bilang bagong president ng VCompany at kinagalak ko naman ang maganda nilang welcome sakin. Tinuro na rin sakin ang magiging opisina ko at ang magiging secretary ko.
Ito na dito na magsisimula ang bagong ako at ang bagong Aia. Naging si Sofia Micaela Villianueva.
'---------
Comment down po Readers sobrang saya ko sa tuwing nakakabas ng mga comments kaya nagpoporsige ako mag magsulat dahil sa inyo. Pasensya na rin pag delayed ang update busy lang po minsan dahil may pamilya napo ako at anak hehehe. Pero maraming salamat po sa lahat na sumusubaybay sa Story ko Pasensya na sa wrong at maling spelling paminsan or should i say palagi hehehe. Ilove you readers.