"Seryoso ka jan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kylo habang minu-mukbang ang mga chichiryang naka lapag sa mesa.
Nasa bahay kami ni Arzhel dahil wala ang magulang niya at sabado ngayon.
"Oo nga, ok na nga sana yung hindi pansinin si Nova, pero biglang sinali si Yes-O pres." Kamot ulo kong reklamo.
"Bobo ka rin eh, nagtanong ka pa kasi kung "yun lang". Malamang dadagdagan n'ya yun." Pinagpag n'ya ang kamay n'ya at nag buhos ng alak.
"Tanginag 'yan. . . Isang pitsel ng alak amputa." Iling ko ngutin nag salin din naman ng isang baso.
"Are you uncomfortable with what he's bribing you? I can pull some strings." Boses ni Arzhel na nilapag ang iba pang pulutan na agad namang nilantakan ni Kylo.
"Hindi naman. Sa totoo nga parang gusto kong i-grab yung bet." Natatawa kong sabi at isahang ininom ang alak na hawak ko.
Binigay n'ya sa'kin ang paunang bayad.
Hanggang ngayon nasa wallet ko parin.
Hindi ko naman maibigay agad kay mama dahil baka paghinalaan n'ya akong nagnakaw.
Hindi ko rin malagay sa box money ko dahil naamoy ng tatay ko kung saan ko tinatago ang box na yun— naubusan na rin ako ng pwestong pagtataguan sa bahay.
Dati atang police dog ang tatay ko kaya ganun n'ya kadaling mahanap lahat ng mga tinatago kong pera.
"You'll go low for money? Pwede ka naman magsabi sa'min, Ron. Kaibigan mo naman kami." Matigas na english accent na pagkasabi ni Arzhel.
"Gago, wag ka nga mag tagalog, para kang ligaw na kano eh." Saad ko at tumawa naman ang dalawa.
"Ligaw na kano naman talaga 'yan. Tinapon sa Pinas dahil ginagago mama n'ya doon sa California." Tawang dagdag ni Kylo na tinapunan naman ni Azhrel ng unan.
"Gago." Mahinang tawa n'ya.
"Tignan mo 'to, mura lang ata ang maayos na nasasabi."
Nagbago agad ang topic namin.
Buong hapon ay nasa bahay kami ni Azhrel. Pagtapos mag inuman ay natulog kami at pagkagising ay naglaro na agad sa PlayStation n'ya.
"Uwi na ako. Baka mamaya dito na ako patirahin ni mama." Bibit ang bag ko at nasa labas ng gate nila.
"Here, tell Tita you bought that, alright?" Abot sa'kin ni Azhrel ng isang malaking paper bag ng isang fast food chain na pinag-orderan namin kanina.
Tango kong kinuha yun at tumingin lang dun.
Tinapik si Azhrel ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanila.
"Dude, you always have us, you don't have to accept Trevor's request just to have money. You can call us anytime for that." Sincere n'yang sabi at ngumisi.
"Oo nga bro, tsaka isa pa, we offered you a part-time job diba? You can take that naman." Sabi ni Kylo.
"Pag iisipan ko parin naman yung offer nung Trevor. Yung sa part time..."
Hindi naman kasi madaling mag trabaho at mag aral.
Oo, may nahanap sila at kakilalang pwedeng mag hire sakin.
Pero hindi naman nila maiintindihan ang hirap ng isang working student.
Laki silang walang mabigat na binubuhat, lumaki silang papasok lang sa school at uuwi sa bahay— kung minsan ay pumupunta pa sa pasyalan. Lalabas palang ng pinto nila ay naka-abang na ang sasakyan nila.
Samantalang ako. . .
Pag gising ay tutulungan si mama mag ayos ng panindang dadalhin sa palengke. Paliliguan ang bunso kong kapatid at magaabang ng ilang oras sa jeep. Pag-uwi ay didiresto sa palengke para matulungan si mamang maubos ang paninda.
Pagka-uwi ko ay sumalubong na agad ang bilugang mukha at hikbi ng kapatid kong lalake.
"Kuya..." Hawak neto sa dulo ng damit n'ya at naka tingin sa akin.
Binuhat ko agad s'ya ay inalo.
"Bakit 'yun?" Tanong ko at pumasok na kami ng tulayan sa loob. Tumingin ako sa palibot ng bahay kung meron si mama pero hindi ko s'ya mahanap.
"Si ate Kaira... aaway ako." Yakap n'ya sa leeg kong sumbong.
"Kaira!" Sigaw ko nang mapansing wala rin s'ya sa sala."
"Ano?" Marahas na bukas ng pinto sa gilid.
Nakita ko ang kapatid kong babae na hawak hawak ang phone at naka kunot at noo.
"Ano 'tong sumbong ni Kio? Bakit mo naman iniiwan ang bata mag-isa sa sala." Binaba ko si Kio at inilapag ang bag sa sofa.
"Bakit? Kasalanan ko bang umalis alis ka. Edi sana may mag babantay sa kan'ya." Hindi nakatakas na bulong neto sa'kin.
Pinikit ko ang mata ko at hinilot ang sentido. Bumuntong hininga ako at iniba ko na lang ang sasabihin.
"Nasan ba si mama?" Umalis ako sa harap niya at inayos ang inuwi kong pagkain.
Sumingal s'ya at umirap. "Saan pa ba? Edi nandun sa asawa n'ya, pinipilit nanamang pauwiin."
Napahinto ako sa paglapag ng plato at tumingin sa kan'ya.
"Saan?"
"Dun kay mang Epot naginuman sila pagtapos ng sabong nila."
"Kunin mo na tatay mo, nakaka-awa na si mama." Sabi n'ya at tumabi kay Kio na para bang ipapa alam n'yang kunin ko na si mama doon.
Dali dali akong lumabas ng bahay at naglakad tango sa tindahan ni uncle Epot.
Nakita ko ang tatay kong labas ang bilugang tiyan at nakikipagtawanan sa mga kainuman. Ang isa sa kainuman n'ya ay nginuso ang direksyon ko at tumingin din ang tatay ko.
"Pa. Si mama?" Agarang sabi ko pagtapos mag mano.
"Umuwi na iyon, may 500 ka ba jan? Pandagdag lang dito oh." Turo n'ya sa pulutan at alak. "Lika rito, sabay ka sa'min. Hayaan mo na 'yang nanay mong puro talak ang alam." Tawa n'ya at nakipag cheers pa.
"Hindi na po, wala akong pera ngayon pa. Hahanapin ko lang si mama. Umuwi ka na rin at narinig kong pupunta rito si Sir. Lopez." Saad ko. Kita ko sa mata n'ya ang taranta at sinuot agad ang t-shirt nito.
"Mga pare, aalis na kami ng anak ko ha? Yung boss Lopez kasi na yun, baka mamigay ng allowance dito kay Iro." Malokong ngisi ni papa at inakbayan ako.
Amoy na amoy ko ang alak dahil sobrang lapit n'ya sakin.
Ang lagkit n'ya rin dahil sa pawis.
Pagka-uwi ay nakita ko si nanay na nasa upuan at nilalaro si Kio.
"Nay." Boses ko at nag mano sa kaniya
"Kaawaan ka ng diyos. Kanina ka pa raw umuwi sabi ni Ria, may pinuntahan ka ba?" Tanong ni nanay at tumingin sa kusina kung saan naka upo si tatay at kumakain na mag-isa.
"Hinihintay ka namin para sabay na tayo kumain pero, parang ang tatay mo ata ang gutom." Mahinhin na tawa ni nanay.
Pagatapos ni papa kumain ay naligo na s'ya at nag bihis dahil pupunta ang nagpapa-aral sa'kin. Kumain na rin kami at pinagbihis ang dalawa kong kapatid ng pormal na suot. Si nanay naman ay naka duster at buhat si Kio.
Mayamaya ay may kumatok na nga sa labas ng bahay.
Ang tatay ko na may malaking ngiti ang nagbukas ng pinto.
"Good ibning po Ser Lopez." Matigas na pagsasalita n'ya ng english
"Good evening Mr. Perez, I personally came here to congratulate your son for passing another national quiz conference." Ngiting saad ni Mr. Lopez at pumasok sa bahay namin.
Agarang inayos ni nanay ang nagkalat na laruan ni Kio at pinagpag ang duster nito.
"G-good evening sir, welcome to our humble house." Maaliwalas na ngiti ni nanay.
"Good evening." "Kairo! There you are my prodigy!" Lumapit sa'kin si Mr.Lopez at nakipag kamayan.
"Thank you, sir, I could've done it without you." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Ahh that's just a small thing, malay mo you'll be in the international competition with my other scholar! You know Iris Ellore Castillo, right?" Ngiting tanong nito sa'kin.
Si Iris....
"Yes, sir, I know her from her achievements." Balik sa huwisyo kong sagot.
"You two would be close, I just knew it. Well, get yourself ready because next week, you'll meet her and both of you will be partners in the international quiz held in Italy." Napatulala ako sa sobreng inilahad n'ya. Pagbukas ko ay numingning ang mata ko sa perang mapapanalunan.
Fifty thousand pesos for both the contestants/partners of the said competition.
Umalis si Mr. Lopez at ngiting ngiti naman ang tatay ko dahil may pera nanamang naibigay saakin.