MALAKAS ang kutob ni Dale na ang malaking speed boat na nakita ng mga tauhan niya ang sinakyan ng mag-iina. Hindi na rin niya ma-contact si Cathy. Naka-off na ang phone nito. Parang lalo nang lumabo ang pag-asa niya na mabuo pa sila. Gusto lang naman niyang subukan si Cathy kung talagang mahal siya nito. Pero ang ginawa niya ay iniwan siya ng kanyang mag-iina. Palagi naman kasing palpak ang plano niya. Ni hindi man lang siya nakapagpaliwanag sa dalaga. Kung bakit naman bigla na lang siyang natulala at hindi man lang niya nagawang pigilan ang babae nang saktan nito si Cathy. Isa pa, sinamantala din ng babaeng ’yon na halikan siya kahit palabas lang naman niya iyon upang pagselosin si Cathy. Walang alam si Dale na may kamag-anak pa si Cathy sa Pilipinas. Ang alam niya ay ang lola na lang ni

