MALAKAS na tunog ng cellphone ang pumukaw sa mainit nilang titigan. Ang mga labi na dapat maghinang ay hindi natuloy. Mabilis na bumalikwas ng bangon si Amarah Kate saka tumalikod. Ang init ng kaniyang mukha sa nadarama ng hiya. “Yes, hello?” tauhan ng ama ang kausap ni Jordan, pinakikinggan niyang mabuti ang mga sinasabi nito. Pagkatapos agad din sinara ang cellphone kahit hindi pa tapos magsalita ang kausap. “Kate, let’s go,” saka hinawakan sa kamay ang dalaga. Huwag mo ng dalhin ang mga yan, kundi ang backpak na lang. Kailangan mo lang dalhin ay mahalagang dokumento. Sagabal lang ang mga damit sa pag alis natin.” “Ahm… ano ba ang sinabi sayo ng kausap mo at parang nagmamadali ka?” “M-May grupo ng armado papunta dito. At ang sabi ng taong kausap ko ay papunta sila dito at kukunin ka

