KANINA pa hindi mapalagay si Amarah Kate, hindi niya alam paano tutulan ang nais ng pinsang si Hades. Ayaw niyang sumama ang loob nito ganun din ang pinsang si Sebastian. Pero hindi naman niya iiwan si Jordan, nangako siya dito at paninindigan niya iyon. Humakbang siya pabalik sa kinaroroonan ng dalawang pinsan at ni Jordan. Masaya ang mga ito habang nagtatawanan pero nang makita siya ay agad na nagsalita ang pinsan si Kuya Sebastian. “Handa ka na ba, Marah?” Tanong ni Sebastian sa pinsan. “Gusto mo tulungan ka namin mag impake ng mga gamit mo?” Nakangiting tanong naman ni Hades. Samantala tahimik si Jordan, kinakabahan siya sa maaaring isagot o sabihin ni Kate. Baka nagpasya na sumama na ang dalaga sa mga pinsan nito at magpapaalam na sa kaniya? “Ahm… Kuya Hades at sayo din Kuya S

