TAHIMIK si Cathy habang patungo sila sa honeymoon. Ngayon niya nararamdaman ang pagsisisi bakit bigla siyang pumayag na makasala sa lalaking ito. Samantala ang kapatid mismo ang nagsabi na meron anak ito at ang babaeng kasama nito sa ospital kung saan siya nanganak. “Baby, masama ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Dale sa asawa. Kanina pa niya ito napapansin na kakaiba ang kilos at pananahimik. Kanina sa simbahan masaya naman sila pareho nang malaman nila na sila ang ikakasal at hindi ibang babae o lalaki ang partner nila. Pero bakit ngayon bigla naman yata ang pag-iiba nito ng mood? “Ayos lang ako may iniisip lang ako saka dapat hindi na muna tayo umalis. Naalala ko lang si Baby Caithlyn, masyado ba siyang bata para iwanan ko.” “Gusto mo ba na ikansela muna natin nag ating honeymoon?” “

