MALALIM na ang gabi pero nananatiling gising si Jordan. Dalawang gabi na siyang hindi agad makatulog. Sapagkat maraming gumugulo sa kaniyang isipan. Ang sabi noon ng mga pinsan ni Marah Kaye, meron na itong fiance. Pero bakit parang hindi yata nagpupunta upang dalawin ang dalaga? Isa pa ano yung pag-iyak nito noong araw na kararating lang nito. Nag-away ba ito at ang lalaking mapapangasawa? “Pareng Dan, naka-ilaw ang cellphone mo may tumatawag yata.” Malakas na tawag sa kaniya ni Aljoe, akala yata tulog na siya. “Kanina pa ba tumatawag?” kaila niya na gising pa siya. “Ngayon lang, heto sagutin mo baka importante.” Bumangon siya at agad na sinagot ang tawag. “Yes, hello, sino ‘to?” “Caretaker ako, si Ma’am Kaye, naririnig ko sumisigaw siya pero naka lock ang pinto.” “Coming,” saka a

