IPINAGPALIBAN ni Amarah Kate, ang pagpunta sa corporation. Tatlong araw siyang nag-stay sa chapel para sa burol ng abuela niya. Hindi naman umaalis si Jordan sa tabi ng dalaga. Tahimik lang siya at hinahayaan lamang ito sa mga ginagawa. Naglagay din siya ng mga tauhan at nagbigay ng order. Hindi maaaring papasukin si Mr. Crisanto Dominguez at LorreFlor Moira Venidez. At kahit maraming beses na itinatawag siya ng tauhan niya upang ipaalam naroroon sa labas si Mr. Crisanto Dominguez. Hindi na niya pinag-ukulan ng pansin. Kahit ilang beses siyang lumabas at nakita doon ang lalaki balewala kay Jordan. Huling araw bago ang paghahatid sa huling hantungan ng Lola ni Amarah Kate Villamor. Dumating ang parents ni Jordan. Matagal nang kilala ang mga magulang si Donya Stepania. Kaya kahit busy

