Drizella Genet’s POV “Ang ganda ng advocacy mo.” Nanaba agad ang puso ko dahil sa sinabi ni Judy. Narito siya ngayon sa hotel hall at nanonood ng practice namin. Hindi namin sinabi na magkakilala kaming dalawa. Kilala si Judy dahil isa siyang sikat na magaling na trainor sa Manila. Close rin sila ng coordinator namin. “Thank you, Judy,” mahinang sambit ko. Nakaupo kami sa stage parehas. Ang iba ay nasa back stage pa at nag-aayos. Tapos na ang practice namin pero hindi pa rin ako makaalis dahil inaantay ko sila Geriane at Aljin. Napag-usapan namin na magkikita-kita kami. “Ikaw ang may pinakamagandang advocacy. Malaki ang pag-asa mo na manalo dahil mataas ang puntos niyan,” proud na aniya. Sana nga at may pag-asa ako na manalo. Habang mas nalalapit kasi ang laban at

