Drizella Genet’s POV “Anong oras daw ba pupunta ang mga magulang ko sa bahay niyo?” tanong ko kay Pierre. “Bago mananghalian,” sagot niya. Binitawan niya ang kambyo ng kotse at kinuha ang kamay ko. Maaga pa lang bumyahe na agad kami paalis ng hotel para walang masyadong makahalata sa aming dalawa. Pinabura rin ni Pierre lahat ng CCTV para masigurado na walang lalabas. Balak kong palipasin lang ang ilang buwan bago ko tapusin ang sikreto namin ni Pierre at ilabas na sa lahat kung ano ba talaga kaming dalawa. Ayokong magtagal kami na sikreto lang lalo na ngayon na umamin na ako sa kanya. “Mauna na lang muna tayo sa bahay para makapagpahinga ka pa,” sambit sa akin ni Pierre. “Alam kong kulang ka pa sa tulog.” Isinandal ko ang ulo ko sa head rest ng kotse. Anong oras

